Part 11: Telling him the TRUTH?? NOT!!!

269 12 0

Incoming Call . . .

Ranz Kyle *_*

(Accept)

     " Hello? " Panimula ko.

     " Hi!! Kamusta ka na? "

     " Okay lang naman. "

     " Good. Ah Avery busy ka ba? "

     " Hindi naman. Bakit Ranz? "

     " Kita tayo ngayon? Miss na kita eh. "

      " Miss agad?? Haha! Ah sige. What time? "

     " Tumingin ka sa labas. "

      Tumingin naman ako sa labas at nakita siya na nakasandal sa kotse. ( Hindi siya nagdadrive kasi 16 pa lang siya. May driver siya. )

     Binaba ko naman yung cellphone.

     " LAGI KA NALANG GANYAN!! " Isinigaw ko para marinig niya.

     Nagthumbs-up lang siya. Pumunta na ako sa labas at pinapasok siya.

     " Hi Sweetheart Avery!!! Miss kita sobra. " Sabay yumakap pa sa akin. Napangiti naman ako.

      Niyakap ko naman siya pabalik.

     " Ikaw din na miss ko Ranz. Pasok ka muna. " Sabi ko habang kinikilig pa ako sa kanya. :")

     " Sila tito at tita? " Tinanong niya.

     " May pinuntahan nanaman. Bukas ang balik. "

     " Buti sanay kana noh? Lagi kang iniiwan. Independent ka na. "

     " Ah oo. Since Gradeschool naiiwanan na ako sa mga maids namin. Since ngayon malaki na ako, hindi ko na kailangan ng yaya.

     " Ah . . "

     Katahimikan naman ang pumalibot sa amin.

     " May sasabihin ako sa iyo . " Sabay namin sinabi

     " Sige ikaw muna. " Sabay ulit namin na sagot.

     " Ako na? " Sabay ulit kaming nagsalita hanggang sa maulit - ulit yung scene na iyon.

     " Sige. " Sabay ulit.

     At nagtawanan nalang kami. " Haha!! "

     " Ah ano yung sasabihin mo? " Ako na ang nauna.

     " Ah. . . May aaminin sana ako "

     Kinabahan naman ako bigla. Alam na kaya niya? "Ah-ano iyon? "

     " Ma-mahal na ata kita. " Mautal-utal niyan sinabi.

     " O_O ! ! ! Huh?? Ako?? M-mahal mo? P-paano mo naman nasabi? M-malay mo rebound mo lang parin ako?? "

      " Paano? Tuwing magkikita tayo, napapangiti mo ako. Kapag naghihiwalay na tayo, namimiss na kita agad. Nung matagal na tayong hindi nagkita noon, namiss kita ng sobra. Madalas ko nang nababanggit ang pangalan mo. Inaasar na nga ako ng Chicser eh. Higit sa lahat, nung nandyan ka para sa akin kapag malungkot ako. Hindi ka napipilitan. Tinutulungan mo pa ako para makalimutan si Chantelle. "

      Hinawakan naman niya ang kamay ko.

     " Sa tingin mo ba na ganito ba dapat ang nararamdaman ko kung rebound ka lang? "

     Wala akong masabi. Natulala lang ako. Hanggang sa nakayanan kong magsalita ng maliliit na salita.

     " Ah-eh "

     " Avery, papayagan mo ba akong manligaw sayo at hindi bilang rebound ko lang? " Hanggang sa naitanong na niya.

     Tama na ba ang mga naririnig ko? Mahal na niya ako. Mahal na ako ni Ranz? Mahal na ako ng taong mahal ko. Yung tao na akala ko hanggang panaginip lang makakasama eh ito na ngayon. Tinatanong na kung papayagan ko na ba siyang manligaw.

      Naiiyak naman akong sumagot. " Y-yes. "

     At niyakap ko siya. " Akala ko hindi mo na mahahalata eh. Kala ko manhid ka. "

    " Hindi ako manhid. Ayaw ko lang mag-aassume. Oo nga pala, ano yung balak mong sabihin sa akin? "

     Bigla naman bumalik sa akin ang mga sinabi ni Chantelle

     " Ah-eh w-wala. Tatanungin sana kita kung ano na yung next step mo sa revenge thing. " Lier!!! You're such a LIER Avery.

     " Ah dun ba? Wala na yun. Iba na ang mission ko. "

     " Ano naman iyon? "

     " Ang mapasagot ka. "

     Napakilig naman ako sa sinabi niya. Sa sobrang kilig ko ay hinampas ko siya sa balikat.

     " Hoy, para sabihin ko sayo. Hard-to-get ako. "

     " Sus . .  Dadating naman din dun. " Pang-aasar niya sa akin.

     " Che, ewan ko sayo Viniel.!! "

     " I love you ! " Sabi niya sa akin.

      Wait. I better check my pulse. Ang bilis ng tibok ko!!! Ang first I LOVE YOU niya sa akin!!! My gosh!! Kinikilig na ako!!! Ano kaya isasagot ko?

     " Thank you !! " Pakipot kong sagot.

     " Ouch. " At nag-emote pa siya na parang tinamaan siya ng bala ng baril. " Walang I love you too? "

     " Bakit tayo na ba? "

     At nagtawanan nalang kami. Naduwag naman akong sabihin sa kanya ang mga sinabi sakin ni Chantelle.

     Natakot ako na baka magbago ang isip niya sakin at mawawala siya sa buhay ko. Mahal ko siya kaya nagawa ko iyon.

* after 3 days *

1 message received

From: +63916*******

     Hi Avery. Si Chantelle ito. Kamusta? Nasabi mo na ba kay Ranz?

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!