Chapter 39: Picnic :3

101 11 0

     " Ang ipapagawa ko sayo ay - - - tara. Samahan mo ako. "

     At hinila niya ako. Lumabas kami ng EK at sumakay sa kotse niya.

     " Manong, doon po sa private place. " Utos niya sa driver niya.

     " P-private place? Huh?!? Teka, saan iyon? S-saan tayo pupunta Ranz? D'ba sasakay pa tayo sa ferris wheel? " Sayang naman yung ferris wheel. Gusto ko talagang sumakay doon.

     " Ssssshhhhh. Basta. Maghintay ka nalang. "

     Nanahimik na lang ako doon at nag-drive na si manong driver. After a few minutes, tumigil nalang yung kotse.

     " Tara, labas na tayo. "

     At lumabas naman kami. Nasa isang park kami. Tahimik at walang katao-tao. Maganda siya. Tanaw na tanaw ang mga buildings at may katabi siyang parang sapa. Nagrereflect yung twinkle ng nga stars sa sapa. Ang ganda.

     At may napansin ako. Isang picnic set. Na may mga foods and candles. Ang romantic ng scene.

     "  So, ito ang dare mo sa akin? " Kinikilig kong tanong. Hindi talaga siyang nafafail na pisurprise at kiligin ako.

      " Ah oo.  " sagot niya.

     " Ang sumama sayo sa isang picnic dinner? "

     Ngumiti naman siya. " Yup !  "

     " Alam mo, pwede mo naman akong ayain kahit hindi dare eh. "

     Inakbayan niya naman ako habang naglalakad kami sa napaka-romantic na park.

     " Ah, wala lang. Gusto lang kitang takutin. Tsaka hindi na 'yun surprise." At nag-smirk siya.

     " Napaka-sama mo. " Hinamapas ko siya at nag-pout ako.

     " Haha!! Ang cute naman ng sweetheart ko. " Sabi niya habang pinipisil niya ako sa pisngi.

     " Hoy! Hindi ako cute. Pang-aso lang 'yon. " Habang binelatan ko siya. Aba!! Pang-aso daw iyon sabi ng teacher ko.

     " Okay. Edi baguhin natin. Ehemm. Ang ganda ganda ng sweetheart ko. "

     " Tssss. Bolero. "

     " Haha!! Ayaw mong maniwala? "

     " Syempre maniniwala ako. Maganda naman talaga ako eh. "

     " Ang taas ng self-confidence ha. "

     Nginitian ko naman siya

     " Tara na nga. "


     At kumain na kami ng dinner under the starry night at magandang view ng city. Super romantic. Ang dami nanamang memories ang nagagawa namin.

      " Sweetheart oh. Ahhhh... "

     At sinubuan niya ako ng isang tinidor ng spaghetti. Ang dinner namin ay galing sa Jollibee. Para naman daw bago. Pero, hindi mawawala yung fries doon.

     " Ranz? " Tawag ko sa pangalang pinakamamahal ko at minamahal din ako pabalik.

     " Oh? "

     " Mahal mo ba ako? "

     Mukhang nagtaka siya sa tanong ko. " Oo naman. Sobra. Bakit mo natanong? "

     " Wala lang.  "

     " Eh ako? Mahal mo ako? " Pagbabalik niya ng tanong sakin.

     " Sa sobrang mahal kita, pipigilan kong hindi magka-crush sa ibang guys o magwapuhan sa kanila. Kahit mahirap. " Pero mahirap nga. Ang daming gwapo sa mundo. Pero syempre , mahal ko si Ranz.

     " Haha.. "

     " 5 months na tayo noh?  " pagsisimula ko ng topic sa kanya.

     " Oo nga eh. " Pagsang-ayon naman niya.

     " Sa tingin mo, hanggang kailan tayo? " Pagpapahaba ko pa sa topic.

     " Uhhhmmmm, 8. " Panghuhula niya.

     " 8 months? "

     Ganun?? 8?? May expiration date pala ang relationship namin. Kapag pumatak na yung 8 months magsasabi nalang siya na tapos na tayo, ganun lang??

     " Hindi. Number 8 na hiniga. " Aaahhhh. Infinty symbol. Napa-blush naman ako.

     " Sa tingin mo, magtatagal tayo ng ganun? " Pagtatanong ko sa kanya.

     " Oo naman. Bakit ayaw mo ba? "

     " Hindi naman sa ganun. Ang dami na kasi nating pinagdaanan. Ang daming pagsubok n - - "

     " Pero nalagpasan na natin d'ba? " Pagpuputol niya sakin.

     " Ah oo. "

     " So aabot yan. Basta meron tayong trust, loyalty at love para sa isa't-isa. "

     At kiniss niya ako sa forehead. At doon ko talaga ramdam na talagang mahal niya ako. Nirerespeto, ginagalang at may care siya sakin.

     " Tara. Tumayo ka. May pupuntahan pa tayo. " Pag-aaya niya. Tumayo naman ako at hinawakan niya ang kamay ko.

     " Huh? Saan? "

     " Basta. "

     At sumama naman ako.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!