Chapter 38: Our EK experience

153 9 0

* Kinabukasan

     Sinundo na ako ni Ranz at umatend na kami ng intramurals.

-fast forward-

      Natapos na ang program at laro nalang ng bawat sport ang magaganap. Pero, pwede narin umalis or lumabas.

     " Ano sweetheart, tara na? " Pag-aaya niya.

     Tumango nalang ako at ngumiti.


     Umalis na kami at sumakay na sa kotse ni Ranz.

     " Kuya, sa Enchanted Kingdom po. " Sabi niya kay manong driver.

     " Sige po. " Sagot ni manong.

     " Ranz? " Tawag ko sa napaka-gwapo kong boyfriend.

     " Yes Mrs.Ongsee? :") "

     Kinikilig naman ako. " Hala?! Mrs. agad? Hindi pa nga engage? "

     " Ganun talaga. Sigurado naman na sa huli tayo rin magkaatuluyan. " At ngumiti siya.

     Kinikilig naman ako at nagbu-blush. Ang hirap talaga itago kapag kinikilig ka eh.

      " Tsk. Ang bilis mo talagang pakiligin eh.  " pagmamayabang niya. Bigla naman nawala kilig ko at nagtaray-tarayan.

     " Ang yabang mo Binyel! " At binelatan ko siya.

     " Haha!! Ano ba yung sasabihin mo? "

     Ah oo nga pala. May sasabihin pala ako. Muntikan ko na makalimutan.

     " Ano kasi, hindi natin mae-enjoy yung trip natin sa enchanted. " Pagsasabi ko na may halong lungkot.

     " Hah? Bakit mo naman nasabi? " At inakbayan niya ako.

     Nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

     " Ano kasi, d'ba sikat ka. Syempre, makikilala ka at pagkakaguluhan ka. " Reason ko.

     " Yun lang ba? Sus. Ako bahala. "

     Inalis niya ang pagkaka-akbay niya at may kinuha siyang bag .  May sinalpak na kung ano sa mukha.

     " Ano sa tingin mo? Hindi ako nagprepare? "

     Nagpakita siya sa akin. Naka-wig na may higlights na blonde. Pero parehas lang ng cut ng buhok niya yung wig. Para lang siyang nagpakulay. Naka-salamin. Pinatangos yung ilong na parang may nilagay na mask. Naka-braces. At nakasumbrero rin na white na parang kaparehas ni Bruno Mars.

     " Hello. I’m Lanz. What do you think? " Tanong niya about sa disguise niya.

     Ngumiti naman ako. " Siguro, kung iyan ang disguise mo nung unang nagkita tayo, hindi kita makikilala. I swear. "

     " Oo nga noh. Dapat pala ito na yung ginamit ko. " Pagsang-ayon niya sa sinabi ko.

     Hinampas ko siya sa balikat ng malakas. Aba!! Nagjojoke lang ako tapos umo-o naman itong loko na 'to?

     " ARAAYY!!! Bakit?!?!?! " Tanong niya.

     " Malamang. Kung yaan yung sinuot mo, edi hindi kita makikilala. Pinagsisisihan mo yata ang nangyari noon eh. " Nag-pout naman ako para effective yung pagtatampo ko.

     " Naku.. Nagtatampo siya.. Hindi. Biro lang naman iyon syempre. Ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko. " At kiniss niya ako sa forehead.

     " Thanks Ranz. "

     " Para saan? "

     " Basta. Thank you. " At kiniss ko siya sa cheek.

     " Ui, naglalambing siya. " Pang-aasar niya. Nahalata niya pala? :3

     " Namiss lang kita.  "

     After how many hours, dumating na kami sa EK. Sinuot na ni Ranz ang disguise niya at bumili na kami ng ticket.

     " Tara na? " Aya niya.

     Ngumiti naman ulit ako at tumango.

     Ang una naming pinuntahan ay yung Flying Fietsa since yun ang sasalubong sayo pagkapasok mo sa entrance.

     Pumila na kami sa at sumakay.

     Habang tinataas na yung ride, hinawakan ni Ranz ang kamay ko. Nag-start na ang ride at ang dami nang nagsisigawan. Nakakahilo siya grabe. Pero masaya.

     Natapos naman kami doon at sinunod yung Anchors Away. Sumakay kami at pumuwesto sa pinaka-likod. Nakakahilo rin pala sumakay doon. Ang sinunod naman namin ay ang Up, up and away. Paikot - ikot din yung ride kaya naman pagkababa namin ay napaupo ako at halos masuka-suka.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!