Chapter 10: Finding out the TRUTH

239 13 0

After 2 weeks, hindi na kami ulit nagkikita ni Ranz simula nung nagkasakit siya.

     Masyado na silang busy sa mga GTs nila.

     Isang araw, nagpunta ako sa National Book Store para bumili ng gamit kasi malapit na ang pasukan.

     Bigla ko naman nakasalubong si Chantelle.

     " Avery? " Gulat na sinabi sa akin nang makita niya ako.

     " Chantelle? " Lang din ang naisagot ko.

     " Kamusta ka na? Masaya ka ba na inahas mo ang boyfriend ko? " Medyo sarcistic na voice at naka-smile pa. Aba! At siya pa talaga ang nauna huh. Akalain mo nga naman.

     " Ako nang-ahas? "

     " Infact, ikaw din yata ang nagdala sa kanya sa may sine para makita niya kami. "

     Hinila ko naman siya palabas ng store at iginilid sa may pader para walang makarinig sa amin.

     " Para sabihin ko sayo, hindi ako FLIRT na kagaya mo. Kahit kelan hindi ako umaagaw ng hindi sa akin. Sadyang likas na mabait ako. Lalo sa mga taong niloko sa pag-ibig. Kung makapang-bintang ka ah? "

     Natahimik naman siya.

     " See? Alam mo, napag-isipan ko na kapag nagkita tayo ay hihingiin ko ang side mo kung bakit mo niloko si Ranz. Gagawa pa sana ako ng paraan para magkabalikan kayo. Hindi mo ba alam na araw-araw na kasama ko siya, nasasaktan ako kasi ikaw lagi ang nababanggit niya. Pero nagbago na ang isip ko."

     Umalis naman ako sa harapan niya pero hinila naman niya ang kamay ko.

     " S-sorry.... S-sorry kung nagawa ko yun sa kanya... May rason naman ako kaya nagawa ko yun. Yung lalaking kasama ko sa sine, isa siyang obsessed na lalaki sa akin. Ex ko siya pero pinagpalit ko siya kay Ranz dahil , isa siyang adik. Lulong sa drugs. Then isang beses, nagbanta siya. Papatayin daw nila si Ranz ng mga ka-fraternity niya kung hindi ko siya ulit sasagutin. Mahal ko si Ranz kaya nagawa ko yun. Hindi pa siya nakuntento, inaya pa ako makipagtanan. Please... Sana maintindihan mo ako..... " Maluha-luha niyang ini-explain sa akin.

     Natulala nalang ako sa mga sinabi niya sa akin.

     " B-bakit hindi mo sinabi sa kanya? "

     " H-hindi ako makalapit.. Marami nagbabantay sa akin. Tinatawagan ko siya pero ayaw niyang sumagot. " Sabi niya habang hinahabol pa niya ang hininga niya.

     Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

     " Sorry.. But you've caused him enough pain. Kung gusto mong linawin ang pangalan mo, ikaw na ang magsabi sa kanya. " At tuluyan na akong nag-walk out.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!