Chapter 2: Revenge

613 13 0

      Habang nakatakip pa ang mukha ni Ranz, umalis na kami sa mall at sumakay na sa jeep. After 10 minutes, nakarating na kami sa bahay namin.

     " Buti nalang at wala sila mama. Chance ko na ito para masolo si Papa Ranz!! " Bulong ko sa sarili ko para hindi niya marinig ang lihim na balak ko sa kanya.

     Dire-diretso lang si Ranz sa bahay ko na parang bahay lang niya. Sinundan ko nalang siya.

     Pagkapasok ko ay biglang nagtakip ng mukha si Ranz gamit ang unan at, umiiyak na.

     Nagulat nalang ako. Si Ranz, umiiyak? Ano na gagawin ko?

     Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung papaano ko siya icocomfort. Hindi ako marunong magpatahan ng naiyak.

     Nang walang anu-ano ay bigla nalang niya akong niyakap. Nafroze ako ng ilang segundo dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwala. Nagpipigil rin ako na kiligin.

      Pero ang hindi ko mapigilan ang yumakap sa kanya pabalik.

     " Tahan na Ranz. Ano ba nangyari sayo? Sinong umaway sayo? Gusto mo pasabugin natin yung bahay nun? Gagawa ako ng xdxbomba. Sabihin mo lang. " Unang beses na sinubukan na patahanin siya.

      " Sorry. Sorry kung ikaw pa nakakita sa akin ng ganito. Nakakahiya tuloy sayo. Sorry kung niyakap din kita. " Sabay pahid ng mga luha niya. 

     Humiwalay naman din siya sa pagkakayakap ko. Bitin!!

     "Ay naku. Hindi mo ba alam na dream come true iyon sa akin? Mukhang hindi na nga ako makakatulog mamayang gabi eh. Baka mapaginipan ko pa at hindi namamalayan na sinisigaw ko na pala ang pangalan mo. ' Ranz! Ranz! ' "

     At bigla naman siya napangiti.

     " Teka freeze!! " With matching stop sign hand signal pa ako.

     " Huh? Bakit? "

      " Mas cute at nakakainlove ka kapag nakangiti. " Pambobola ko sa kanya.

      And as expected, ngumiti nanaman ulit siya. Kinikilig nanaman ako.

     " Oh ayan! Mas gwapo ka pa ngayon. Mas nakakamatay. "

      Totoo naman. Ang cute niya kaya ngumiti. Agree?

     " Salamat. Alam ko ang weird ng tatanungin ko samantalang kanina pa kita kasama. Ano nga pala name mo? "

      " Avery Loreine Gina Pascual .Ang future President ng Pilipinas na magtatakda ng batas na ang Chicser ay ang Pambansang Boygroup at ikaw ang maging pambansang gwapo. Libre lang mangarap dba? " Subok kong pagpapatawa sa kanya. At gumana naman.

     " Hahaha! Alam mo , ang saya mong kasama. Kahit ngayon lang kita nakilala, ang gaan na ng loob ko sayo. "

     Kinilig naman ako sa mga sinabi ni Ranz. Sa sobrang kilig , abot tenga na ang ngiti ko. Napansin niya ito at biglang pinisil ang mga pisngi ko. Mas lalo akong kinilig.

     " Ang cute mo pala pagnakangiti ka. Ang CUUUUTTTTEEE!!!!!!!! " Habang pinipisil-pisil parin niya ang red-na-red ko nang mga pisngi.

     " Erey ke Renz!!!!! Mashaket, mashaket!! " Pagpapapigil ko sa kanya.

      Bumitaw naman siya, kaso muling sumimangot.

     " Oh? Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa? Pwede mo na bang ikwento sa akin yung nangyari? "

     Alam ko na masyadong tsismosa ako pero syempre, kailangan ko parin malaman ang problema ng sweetheart ko.

     Huminga na muna siya ng malalim. " Ano kasi, ah - - . Wag nalang nakakahiya na sayo. Teka, may tubig ka ba? Pwedeng makiinom? "

     " Ah oo meron. Saglit, ikukuha kita. "

     Tumayo naman ako at kumuha ng tubig. Nasa may kitchen pa ako nang marinig ko si Ranz na may kausap sa cellphone niya.

     " Ang bait mo rin eh noh? May gana ka pang tanungin kung okay lang ako samantalang nakita kita sa sinehan na may kasamang lalaki?!?! 

      Then biglang tumahimik.

     " Wag ka na ngang magmaang-maangan dyan. Nakita kita. Wag mo ng ideny. Mas mabuti siguro kung mag-brake nalang tayo. " At binaba na niya ang cellphone.

      Edi nakatiyempo narin akong makapasok sa livingroom at binigay yung tubig.

      " Ah, hindi naman sa nanghihimasok ako pero, girlfriend mo ba yung kausap mo? " Naitanong ko.

      " Correction. EX girlfriend. " Sagot niya ng hindi nakatingin sa akin.

     Yehey!! EX na daw niya. May chance na ako. Haha! Phew . .

     " Ah sorry. Pwede mo na ba ikwento sa akin yung nangyari kanina? Baka makatulong ako sayo. "

     " Ah yun ba?" At saktong tumulo ang luha niya.

     Oh gosh. Iiyak nanaman siya. Baka hindi ko kayanin.

     " Yung ex ko kasi, niloko ako. Pinagpalit ako sa isang basketball player. "

     Reaksyon ko: >:-l 

     "  HUH!!!! NILOKO KA!!!!! SINO????!!!!!!!! SABIHIN MO SA AKIN!!!!!!!! BUBUO AKO NG WORLD WAR THREE!!!!!!! " Pagalit kong tanong. Nag-activate bigla yung warfreak mode ko. >:-1

     At sino namang walang kwentang babae ang sasaktan ang sweetheart namin.???!!! Siya na nga ang nagkaroon ng chance na maging girlfriend tapos sinayang lang? Kung ako nasa posisyon niya, NAKU!!!!!!!

     " Y-yung nasa harap natin kanina sa sine. Siya yun pati yung boyfriend niya. Yu-yung nagha-ha " at umiyak nanaman siya.

      Nung nakita ko siyang ganun, lumapit na ako ulit at niyakap siya. Sa pagkakataon na iyon, hindi na ako kinikilig. Naawa na ako sa kanya. Kahit anong patahan ko, hindi siya tumitigil.

     " Sssshhhh. Tahan na, wag mo nalang ituloy. Oo, nakita ko sila. Sssshhh. Tahan na Ranz. " Habang hinihimas ko ang likod niya.

     " Ang sakit sobra. Minsan na nga lang ako mag-mahal tapos niloloko pa ako. May mga nagsasabi na sa akin pero hindi ako naniniwala. Mahal na mahal ko siya. Higit pa sa buhay ko. Iiwanan ko na sana ang chicser para sa kanya kaso ano yung ginawa niya? Niloko niya ako. "

     " Tahan na Ranz. Alam kong masakit. Baka hindi talaga siya ang para sayo. Baka nakatadhana ka sa iba. Malay mo, ako na pala yun. " Pabiro kong sagot pero mukhang hindi na siya ngumiti.

     Tumingin nalang siya sakin at napatawa naman. Arghh . . Those smile. Especially, his laugh.

     " Haha! Sa lahat lahat ng naging problema ko na iniiyakan ko, ikaw lang ang mabilis na nagpapatawa sa akin.  Salamat. Buti nalang ikaw ang hinila ko. " Sabi ni Ranz.

     " A-ano ka ba Ranz. Okay lang yan. Sa dinami dami rin nang pinapatawa ko kapag may problema, ikaw ang mabilis tumawa. " Kinikilig ko namang sagot sa kanya.

       Then may dumaan na anghel sa amin. Naging tahimik ang paligid hanggang sa hindi ko mapigilan at nagsalita na ako.

      " So, ano na balak mo? "

      " Revenge " ang simple at maikli niyang sagot.

      Reaksyon ko - O_O . Capable pala si Ranz na gumawa ng ganun?

     " Re-revenge? Sigurado ka? "

     " Oo.. Papakita ko sa kanya na isang malaking pagkakamali ang pakawalan ang isang Ranz Kyle Viniel E. Ongsee " 

       " Ganun talaga? A-agree naman ako sa part na pinaakawalan ka pero revenge talaga? " Naaalinlangan parin ako sa balak niya. Parang iba ang kutob ko.

     " Oo. Pero masakit din sa akin yun kapag ginawa ko pero kailangan. At kailangan ko ng magcocomfort sa akin kapag ginagawa ko yun. Para magawa ko ang revenge ko. "

      " A-ano ang gagawin mo? " At doon na ako sa sagot niya talagang kinabahan.

     " Pwede ba kita gawing rebound? "

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!