Chapter 6: Part 2 pa ??

247 11 0

     Namatay ang mga sound system . Hindi naman brown out kasi bukas pa ang mga ilaw ng mall. Lahat ng mga fans ay sumigaw. Nagtataka. Naha-highblood na.

     " Anong nangyari??!! "

     " Bakit namatay?!? "

     " Baka may nagsabotage na hater?!?! "

     " BOO!!!!! "

     Pumunta yung crew nila sa likod at bumalik ulit. May sinabi siya sa manager ng Chicser which is father ni Ranz.

     " Sorry sir. May nagputol ng plug ng saksakan. " Sabi ni manong crew kay Tito Nino.

     " Huh?!?! Sinong may gawa nun? "

     " Hindi ko po alam sir. "

     Naiinip na ang mga fans at halatang nag-iinit na ang mga ulo.

   " Ano na? Itutuloy niyo pa ba? " Tanong ng isang fan.

   " Teka lang mga chiserific. Be patient. May mga technical difficulties lang pero maaayos rin. " Inexplain naman ni Oliver sa kanila.

     Nandun lang ako sa may gilid at nakatingin sa Chicser na parang nagmi-meeting with Tito Nino at ibang crew. Pagkalingon ko, nakita ko si Chantelle na may hawak hawak.

      Parang pamputol ng mga electrical cords ng mga appliances. At may hawak na putol na dulo ng saksakan.

     Ang reaksyon ko? As always : O_O

     Nakatingin siya sakin at naka-evil smile na may kasama pang kaway.

     Napatulala naman ako sa nakikita ko.

     Siya??? Ang nagsabotage ng GT?

    Pumunta naman si Ranz sa akin at nabanggit ko ang nakita ko.

    ” Sigurado ka bang si Chantelle ang may gawa nito Avery? ” paninigurado naman ni Ranz.

    ” Oo Ranz. Nakita ko. Hawak na hawak niya iyong dulo ng naputol na saksakan ng sound system. ”

    Hindi ko naman maipinta ang mukha ni Ranz. Para yung mukha na nagsasabi na ’ ang saya saya ko kasi gumagana na ang plano kong pagselosin ko siya ’ at yung isang ekpresyon naman niya na parang ’ nakakainis naman siya. Bakit naman niya isasabotahe ang GT namin. Pwede naman siyang gumanti sa ibang bagay. ’ na mukha. Basta parang ganyan.

            ” Sige hayaan mo na. Inaayos na naman ng mga crew yung sound system. Babawi nalang kami sa mga fans sa naging delay. ” sagot niya. Tumango nalang naman ako.

            After mga 5 minutes ay naayos na ang sounds at itinuloy ang show.

      " Sorry guys sa naging problema. Pero ngayon ay ayos na at itutuloy na ang naudlot na date nila Ranz at Avery. " Sa sinabi ni Owy ay nagtilian ang fans.

     " AYIEEEEEE!!!!!!!! "

     Nagulat naman ako. Meron pa palang kasunod? Lumapit naman sa akin si Ranz at nilagay ako sa gitna.

      Lumapit ang ibang members ng Chicser at hawak-hawak ang mga roses. Nagmeeting ulit sila.

      " Ano nanaman kaya balak nitong Viniel na ito. " Tanong ko sa isip ko.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!