Chapter 43: Rebound all over again

182 9 1


     “ R-rebound? “ pag-uulit niya sa sinabi ko.

     “ Oo Francis. Tulungan mo ako na kalimutan si Ranz. Please nagmamakaawa ako sayo. .Tulungan mo ko. “ maluha-luha kong sinabi.

     Oo, rebound. Hinihiling ko kung pwede ko ba siyang gawing rebound. Dahil iyon naman din ang ginawa ni Ranz nung sinaktan siya ni Chantelle dba? Kaya may karapatan din naman akong magkaroon ng isang rebound.

     “ Sorry Avery pero hindi ko magagawa iyon. “ mahinahon niyang sinagot sa akin.

     “ B-bakit? “

     “ Kaya mo lang nasasabi iyan dahil nasaktan ka lang. Pero sa huli, magsisisi ka. At ayaw ko naman mangyari sa iyo iyon. “ pagpapaliwanag naman niya. May point siya pero masyado akong nasaktan para marealize iyon. Gusto ko lang makalimutan si Ranz.

     “ Please Francis. Pangako hindi kita sisisihin kung mabibigo ako. Please tulungan mo ako. “

     Hindi na sumagot si Francis kasi bigla niya akong hinalikan na umabot ng 10 seconds.

     ”S-so-sorry. Hindi ko sinasadya. “ sabi niya nung hiniwalay niya ang labi niya sakin.

     Pero, kaysa sa magalit sa ginawa niya hinalikan ko siya . Matagal din iyon pero naluluha rin ako.

     “ Please Francis. “ pabulong ko habang nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya na naluluha parin.

     “ S-sige. Rebound mo na ako. “

- fast forward -

     Nasa bahay na ako. Its been 1 week since nagkahiwalay kami ni Ranz. Hindi rin mawawala ang mga pag-iyak ko tuwing gabi. Pero salamat kay Francis at naiibsan ito. Mukha ngang walang epekto ang nangyari sa amin ni Ranz sa kanya. Nakikita ko siya sa mga news at sa mga shows at mukhang masaya siya. Halata naman kay Ranz kapag malungkot siya kahit pinipilit niyang maging masaya. Pero, sa lagay niya ngayon, mukhang masaya talaga siya. Walang bahid na may nangyari. At iyon ang mas lalong nagpasakit sa kalagayan ko.

     ” Francis? ” tawag ko sa kanya na nasa laptop ko at nagse-selfie mag-isa.

     ” Yes? ” sagot niya.

     ” Nakausap mo na ba si Ella? ” medyo mahina kong tanong sa kanya.

     ” Ah-eh oo. ” mahina din niyang sagot sa akin.

     ” Anong sabi? ” kahit ayaw kong malaman. Pinipilit ko lang maging malakas.

     ” Wala naman. Magkasama sila lagi ni Ranz dahil din sa mga victory parties sa movie nila. May kumakalat na nga na balita na may secret relationship na sila after lumabas yung balita na break na kayo. “

     Nagbuntong-hininga nalang ako at humiga ulit sa kama ko.

     ” Ano na balak mo? ” natanong niya.

     ” Ewan ko Francis. Parang gusto ko ng magpakamatay. Ayoko na. Sobrang sakit na kasi.” naluluha ko nanamang sinabi. Ito kasing luha ko eh. Laging sumusugod kapag naririnig ang pangalan ni Ranz. Bwiset naman kasi eh.

     Tumayo naman si Kiko at umupo sa tabi ko. Pinat narin niya ang likod ko. ” Tahan na Avery. Tahan na.”

     ”A-ano ba dapat kong gawin para ma-mawala na ang sakit na ito. Hindi ko na kaya. ”

     Tumayo naman siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko. ” Tara magbihis ka at may pupuntahan tayo.”

     ” Huh? Saan? ” habang pinapahid ko ang luha ko.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!