Chapter 9: Para wala ng masaktan

268 11 0

Chantelle? Puro Chantelle, Chantelle, Chantelle. Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako kapag nasasaktan siya dahil sa Chantelle na yan!!

     Ang sakit sakit maging rebound. Hindi ba niya alam na mahal ko na siya? Kaya ginagawa ko ito dahil sa mahal ko siya?

      Kala ko matutulungan ko siyang makapag-move on kapag nagparebound ako. Hindi pala.

      Napaluha nalang ako sa mga nasabi ni Ranz.

      Nakaupo ako sa may study table at nakatulog. Pagkagising mko, nakahiga na ako sa kama.

     " Sino naman kaya nagdala sa akin dito? "

     Nag-ayos na muna ako ng sarili bago bumaba.

     Pagkarating ko sa dining room, may nakahanda nang breakfast.

     Since wala naman kaming maids ngayon, nagtaka na ko kung sino ang nagluto nung nakita ko si Ranz na bagong ligo at gamit parin ang damit ng papa ko na kumuha pa sa closet.

      " Good morning Avery!!! Kain na tayo. Ipinagluto na kita. "

     " Okay ka na ba? Wala ka nang sakit? "

     " Oo naman. Galing kasi ng nurse ko eh. " Napangiti naman ako sa sinabi niya.

      " Ah. Mabuti naman. "

     Umupo na ako sa table at kinain ang breakfast ko na gawa niya.

     Isang chilimansi na pancit canton na may kanin. Nagfried din ng fresh potato fries. Then may milk.

     " Ah Ranz, ano nga pala nangyari sayo ka- - - " bigla naman niya akong sinubuan ng fries ni Ranz.

     " Masarap ba luto ko? " Tanong niya sa akin.

     " Oo masarap. Teka lang Ranz, ano ba - - . " Sinubuan nanaman niya ako ng fries.

     " Oh eto pa. " sabay subo nanaman niya sa akin ng French fries.

     Sa sobrang asar na hindi niya ako pinapatapos ay nasigawan ko na siya.

     " Ranz!!! "

     " O_O " ang naging expression niya.

     " ANO BA NANGYAYARI SAYO RANZ!!!! BAKIT KA NAGPAULAN KAGABI!!!! BAKIT HUH?? HINDI MO BA ALAM NA NAGALALA AKO SAYO !!!! "

     Niyakap naman niya ako bigla para patahimikin ako.  " Sorry Avery. Sorry kung pinag-alala kita kagabi. May nangyari kasi. Alam ko na ikaw lang ang matatakbuhan ko sa mga oras na iyon. Sorry talaga. "

      Niyakap ko naman siya pabalik.

     " Oh sige okay lang. Pero pwede mo bang sabihin sa akin kung ano talaga ang nangyari? "

     " Ano kasi - - si Chantelle. Nakikipagtanan sa boyfriend niya. "

     " H-huh? Paano mo nalaman? "

May pagka siraulo din pala itong ex girlfriend ni Ranz eh. Una, sinabotage ang GT nila sa MegaMall. Tapos nakipagtanan sa boyfriend ??? Baliw na ata iyon eh.

     " Tinext ako ni Tita Mira. Hinahanap sa akin. Nakipagtanan daw siya sa boyfriend niyang walang kwenta. " At umiyak nanaman siya.

     Tumayo ka naman sa upuan mo at niyakap siya.

     " Ssssshhh... Wag ka nang mag-alala. Hayaan mo. Gagawa ako ng paraan. "

     " Ano gagawin mo? "

    " Basta. "

    " Para parehas na tayong hindi masaktan sa mga ginagawa natin " na sabi ko nalang sa sarili ko.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!