Chapter 30: My Step-brother

189 13 0

" Am I hearing things right? Clarence Adrian Villafuerte is my step-brother? " Maluha-luha kong tanong.

     " Yes baby. Is there something wrong? Are you alright? " Mom asked.

     " Ah yes. Excuse me. I need some air. "

     At lumabas ako sa room ni Cav. Tumakbo at pumunta sa parking lot. Napaupo nalang at doon na humagulgol.

     Hindi ko alam pero iyak ako ng iyak. Pero may nag-pat sa likod ko. Si Owy.

     " Wag ka nang umiyak babe. Panget sayo ang umiiyak. " Comfort niya sa akin.

     Nagpahid naman ako ng mga luha ko gamit ang mga braso ko.

     Umupo si Owy sa tabi ko at binigyan ng panyo.

      Kinuha ko yung panyo.

     " Thank you. " At nagpahid ng luha.

     " Ako muna ang magcocomfort sayo ngayon. Shock pa kasi si Ranz kaya si Kuya ang nag-eexplain sa kanya ngayon. "

      " Alam niyo? "

     Tumango naman siya. " Oo. Kami ni Kuya Oliver ang unang sinabihan ni Cav. "

     " Bakit hindi niyo sinabi? "

     " Ayaw pa niya kasi ipasabi. Ayaw pa niya na ituring mo siyang kapatid. Ayaw niya kasi madalas na raw kayo mag-aaway. Tsaka, mas close raw kayo sa isa't-isa kapag magkaibigan kayo. Mas open. Kung nalaman mo na magkapatid kayo, baka magtago ka na raw sa kanya. "

     " Pero, masakit Owy. Masakit ang pinagtataguan ka. " Depensa ko naman.

     " Pero tanda mo noon nung nagtago ka kay Ranz? Masakit d'ba ? Pero you had your reasons kaya nagawa mo iyon. May reasons din si Cav kaya nagawa mo iyon. Kaya tiwala rin, magkakaayos rin kayo. "

      At ngumiti siya. Medyo gumaan na ang loob ko. Gumaan na kasi alam ko na ang reasons ni Cav kung bakit niya nagawa iyon. May point si Owy.

     Nakita ko naman si Ranz na parating at kasama si Oliver.

     Inakbayan na muna niya ako bago kausapin. " Okay ka na ba sweetheart? "

     " Oo. Okay na ako. " At ngumiti na ako.

     " Tara at kausapin mo na si Cav. Gising na siya. "

     Tumayo na ako at pumunta sa room ni Cav. Pagkarating ko, nakita ko na si Cav na gising na at kinakausap ng mom ko. I mean, mom namin.

      " Oh honey, I need to go back to the house. I'll just be getting a few things from Cav's. Will you keep an eye on him for awhile? " Request ni mom.

      " Sure mom. " Pag-payag ko naman.

     " Okay. " Nagkiss muna siya kay Cav. " Bye baby. "

     At umalis si mom. Awkward. Naging awkward naman ang paligid dahil sa sobrang katahimikan ng biglang nagsalita si Biboy.

     " Tara Ully, nagugutom na ako. Kain muna tayo. " Pag-aaya niya.

     " Oo nga. Tara . "

      Tumayo na sila at pupunta na sa canteen ng hospital.

     " Kakain lang kami mommy ha. " Pagpapaalam ni Ranz.

     " Okay. Ingat sa fans. " Paalala ko.

      " Ikaw? May papabili ka? "

      " C2 and roller coaster." Request ko.

      " Masyadong maalat. Magkaka-U.T.I ka. Apple nalang. "

     " No, orange nalang.  Dalawa. :) " pagpalit ko naman.

     " Okay. "

     " Ikaw Cav? May kailangan ka?" Tanong ni Oliver.

     " W-wala. Okay na ako. " Sagot niya.

     " Okay. "

     At lumabas na sila ng room. Lumapit naman ako sa bed ni Cav.

     " Okay ka na ba? " Mahina kong tanong sa kanya.

     " Ah. Oo okay na ako. "

     " Ikaw kasi eh. Hindi ka nag-iingat. Dapat chinecheck niyo kung maayos ang brakes niyo. Yan tuloy. Pero okay lang. At lease ligtas " at bumagsak ang luha ko. " ang kapatid ko. "

     " Alam mo na. " Tinanong niya pero hindi na siya nagulat.

     Tumango nalang ako habang naiiyak.

     " Hindi ka galit? "Pag-aalala niya.

     " Hindi. Bakit naman? "

     " Kasi tinago ko.  "

    " You had your reasons right? "

     Umupo siya ng maayos tsaka siya nagsalita ulit.

     " Ayaw ko pa kasing ituring mo akong kapatid. Baka kasi madalas na tayong mag-away. Magtatago ka na sa akin. Kaya hindi ko muna sinabi sayo. " Reason out niya.

      Napangiti naman ako sa sagot niya.

     " Siguro pero hindi mangyayari yung magtatago ako sayo. Mas magiging open pa ako sayo. Tska normal lang iyon sa isang magkapatid ang mag-away. Pero mabilis naman tayong magbabati kasi nga magkapatid tayo. Pero alam mo ba ang mga pwede mong gawin kapag magkapatid na tayo? "

     " Ano? "

     " Pwede mo na akong pagsabihan at kahit ayaw ko ay susunod ako kasi alam mo ang mga ikabubuti ko. Pero, wag yung sosobra. Tapos, lagi na tayong magkasama at kahit ilang libo pang lalaki ang dumaan sa buhay ko, ikaw lang yung lalaking maiiwan sa buhay ko at ang mamahalin ko kasi kapatid kita. At yung isa," Ngumiti ako ng nakakaloko.

     " Pwede mong saktan si Ranz KAPAG sinaktan niya ako. At may karapatan ka.  "

      Napangiti naman si Cav at nagyakapan kami. At ramdam ko na umiiyak narin siya. Hinimas ko nalang ang likod niya.

      " Ssssshhhhh... Wag ka nang umiyak. Isa pa, wag mo akong tatawagin na ate. Ayos na sa akin kahit Avery or kapatid. " Pagpapatahan ko sa kanya.

     Tumawa naman siya at tumango.

     " Paano na nga pala ang party ni Ranz? "

     " Ah iyon ba? Hindi na itinuloy kasi naaksidente ka. Pero okay lang iyon, at least ligtas ka. "

     " Teka lang ha. "

     Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

     " Hello Biboy? Pakuha naman ng keyboard ni Avery sa bahay niya. Dala ka na rin ng dvd player pati mic and videoke cd at wag kayong babalik ng kwarto ko hanggat hindi niyo dinadala ang mga pinapadala ko. "

      At binaba niya. May isa pa siyang tinawagan.

     " Hello Paolo? Si Clarence ito. Padala naman ng mga specialties niyo dito sa Makati Medical Hospital sa room 185 sa 3rd floor. Pero konti lang ng bawat isa. Yung kasya sa 7 servings okay. And ako na bahala mag-sabi kay mama. Bye. "

      Then tumingin siya sakin.

     " Dala mo ba yung CD ng slideshow ng mga litrato niyo ni Ranz? "

      Sinilip ko naman ang bag ko.

      " Ah oo dala ko naman. Ano ba balak mo Cav? "

     " Basta. " Lang ang sinagot niya sakin.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!