Chapter 5: Sabotage??

254 12 0

Ang akala ng lahat, pati ni ako ay kakanta ang Chicser o haharanahin ako ni Ranz.

     Pero, biglang lumabas ang unknown guy galing sa backstage, kinuha yung gitara kay Biboy at tumapat sa mic stand.

     " Uh- hi guys. Inimbitahan ako ni Ranz ngayon sa GT niyo kasi para sa first date nila ng gilrfriend niya. How sweet dba? So, this song is for you, especially sa couple. I hope you'll enjoy it. "

     Ang unknown guy ay si Khalil Ramos.. Ayyy!!!! Ang malandi namang ako, kinikilig na rin kahit katabi ko na si Ranz.

* song: I don't wanna miss a thing * Play the video at the right side of this page.

     Habang kumakanta si Khalil, inakbayan naman ako ni Ranz at hiniga yung ulo ko sa balikat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko na malamig.

     Ramdam ko ang init ng mga palad niya.

     " Ang galing din ng ginagawa mong revenge eh noh? Pinagseselos mo talaga ang ex mo? By the way: Nakita ko siya sa crowd. At infairness, effective naman ang ginagawa mo. " Bulong ko sa kanya.

     " Talaga? Andyan pa ba siya? "

      " Ah- - " hinanap ko siya sa crowd. " Oo. Andun oh! " Sabay pasimpleng turo ko sa kanya.

       " Perfect. "

       Pagkasabi niya nun ay bigla niya akong hinila patayo papunta sa may right side na medyo unahan. So kapantay na namin si Khalil sa unahan habang nakanta pa siya.

       Pinuwesto niya yung kamay ko sa leeg niya at siya sa beywang ko. Then, I had my first ever dance. Kinilig ang lahat. Naghihiwayan pati ang mga fan boys nila.

      " Ikaw na Ranz!!! "

      " Woo!! Idol !! "

      "Lupet ng date niyo pare!! Kailangan manginggit? "

     Nakita ko namin si Chantelle na umalis sa pwesto niya. Natawa naman kami parehas sa sitwasyon na iyon. Magkalapit na ang mga katawan namin, magka forehead-to-forehead na nang, biglang nawala ang sounds. Namatay ang sound system. Anong nangyari?

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!