Chapter 18: Sorry and Surprises

241 11 0

Bumukas ang pinto at sumalubong ang mukha ni Ranz na gulat na gulat.

     Walang gumagalaw samin. Parehas na nagulat. Well, maliban kay Cav na mukhang nainis kasi naudlot ang moment namin dapat. XD

     " Ah sige Avery. Una na ako. Mag-usap na muna kayo. " Paalam ni Cav sa akin.

    " Sure ka? "

     " Oo. Basta. Pagisipan mo yung sinabi ko. " Then hinalikan niya ako sa cheeks. " Bye

      Tumayo na siya at tumingin kay Ranz.

     " Ayusin niyo na yan huh." At pinat ni Cav yung shoulder ni Ranz.

     Nakakapagtaka naman. Parang walang nangyari kagabi. Ang weird nila ah. Boys are so awkward sosmetimes.

     Sinara na ni Ranz yung pinto at lumapit na siya sa akin.

     " Pwede ba akong maupo? " Tinanong niya sa akin.

     " Umupo ka. " Mataray kong sagot.

     Umupo na siya sa tabi ko. Naka crossed ang arms ko sa chest at hindi siya pinapansin. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya.

     Miss ko na yung tawa niya na ako ang nagpapatawa. Yung sweet moments namin na kahit fake lang.

    Medyo sumilip ako sa kanya at nakitang namamaga ang mga mata niya. Mukhang umiyak siya. Nag-alala ako pero dapat pa hard-to-get parin ang effect.

     " Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka nanaman? Dahil kay Chantelle yan noh. " Mataray kong tinanong pero deep inside, may lungkot at pag-aalala

     " Ah eto ba? Hindi ito kay Shan. Dahil sayo ito. Sa sobrang pag-aalala ko sayo kagabi na naiyak na ako. "

     " Ah . . " I said bitterly.

    " Avery . .  Sorry "

    " Huh? Saan? " Here I go again. Denying everything.

    " Wag ka ngang ganyan Avery. Please, patawarin mo na ako. At bigyan mo pa ako ng isang chance para mahalin ka. " Hearing those words, parang ang sarap sumagot ng oo. Oo Ranz. Meron ka pang isang chance. Kaso, hindi naman ganun kadali.

     " Hindi ko alam Ranz. Ang sakit ng mga ginawa mo sa akin. Ang harap-harapan na pagselosin ako sa Chantelle mo. Tsaka dba kayo ni Chantelle? "

    " Wala na kami. Nakipagbreak ako kasi mas mahal kita. Mali pala ang magmahal ng awa lang. Please, please Avery. Isang pagkakataon nalang ang hinihingi ko . "

    " Mahirap ibalik ang tiwala Ranz. Lalo na kapag nasira na ito. " Dugtong ko pa.

   " Edi ige-gain ko ulit ang trust mo. "

   " Paano naman? "

   " Tara sumama ka sa akin. "

    Sumama naman ako kay Ranz at sumakay kami sa kotse. Nung tumigil na ito, nagulat ako sa lugar na pinuntahan namin.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!