Chapter 45: New or old? Present or past? Him or him? Argghhhh!!!

203 12 2

Tinulak niya ako sa pool. Maraming nakakita sakin at marami sa kanila ay nagtawanan. Nakakahiya.

     “ ELLAAAA!!!!!! “

     “ Serves you right for copying my outfit. Sana nag-sirena ka na lang. Pero, mas bagay sayo yan kapag basa ka. “ at umalis na si Ella.

     Bigla naman dumating sila Daniel at Kathryn. Nagtanggal ng pantaas si Daniel at lumusong sa pool. Binuhat naman niya ako ng bride style at dinala sa kwarto ni Kathryn na nakasunod naman si Kath with Francis and Sharlene. 

     ” Ate Avery, anong nangyari sayo? ” nag-aalalang tanong ni Sharlene. Kumuha naman ng tuwalya si Francis at nilagay niya sa akin.

     “ Ah, ti-tinulak ako ni - - “ medyo na uutal ko pang sabihin sa kanila.

     ” Nino Avery? ” medyo atat na tanong ni Kathryn sa akin. Tinignan ko sila isa – isa bago ko sabihin.

     ” Si Ella “

     “ Si Ella?!?!?! “ medyo galit na inulit ni Francis yung pangalan ni Ella. Tumango naman ako.

     “ Aba, sumusobra na yan si Ella!!!! Makakati - - “ pinigilan naman ni DJ si Francis.

     “ Teka pare, relax. Babae parin siya. Hindi natin siya pwedeng saktan. Kahit gustuhin ko rin. “

     “ Tama si Dj. Hindi lahat ay nadadaan sa sapakan. Ang mas maganda nalang siguro ay paalisin natin siya dito sa party para wala ng gulo. “ sabi ni Kathryn.

     “ Naku wag na. Nakakahiya. “

     “ Ayan ka nanaman Avery sa hiya na iyan. Okay lang iyon. Wala dapat nananakit sayo o kanino man. “ sabi sa akin ni Kathryn. Medyo nasususot na siya.

     “ Hindi okay lang. Masyado naman eskandalo kung paaalisin siya. Hayaan nalang natin. Ako nalang ang uuwi. “

     “ Huh? Bakit? “ tanong ni Sharlene.

     “ Wala na akong damit. Alangang ito pa ulit ang suotin ko. Hindi naman pwede iyon at pagtatawanan nila ako. ”

     “ Iyon lang ba? Teka lang huh. “ at umalis sa harap namin si Kathryn. Pumunta siya sa walk-in closet niya at parang may kinukuha. Medyo natagalan siya pero bumalik narin siya na may dala-dala na naka-hanger at nakalagay pa sa malaking jacket.

     ” Oh. . . Ito nalang suotin mo. Hindi kasi yan bagay sa akin kaya hindi ko sinuot. Pero sayo, mukha namang bagay. “

     Sinilip ko naman ito at nagulat.

     O_O ” Ang daring naman!!! ”

     ” Hihi. Oo nga eh. Pero okay lang iyan. Kahit ako talbugan mo na. Para matalbugan mo rin si Ella. ” medyo nahihiyang sabi pero encouraging voice na sinabi ni Kath.

     Lumunok na muna ako ng laway bago sumagot. “ K-kaya k-ko ba? “

     “ Kaya mo 'yan sweetipie!! Ikaw pa.  “ page-encourage sa akin ni Francis with matching pat on the shoulder.

     Tumayo naman ako sa bed at nagbihis. Habang nasa labas sila  naririnig ko si Kathryn.

     “ Okay guys, labas muna kayo at aayusan namin siya. “ at naririnig ko yung mga yabag ng mga boys habang pinapalabas ni Kathryn.

     “ Bakit kasama pa ako bah? “ pagwa-whine ni Daniel.

     “ Kasi pottie, lalaki ka. Dapat tinatago muna ang kagandahan ng isang babae para surprise. “

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!