Chapter 49: Traitors

88 7 0

Natulala nalang ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit ba? Lungkot? Inis? Ewan ko.

Hindi ko talaga alam. Hindi ko masabi. Hindi ko magawa. Napansin ko na bukas ang pinto. Walang atubilin na binuksan ko.

Nagulat naman silang lahat ng nakita ako sa may pinto.

" A-avery? " gulat na sinabi ni Francis. Parang gusto niya akong lapitan pero hindi na niya magawa iyon.

Naluluha akong pumunta sa kanya at sinampal. Hindi naman siya gumanti. Wala naman talaga siyang ginawa pagkatapos ko siyang sampalin.

" T-totoo ba lahat ng narinig ko? Na niloko m-mo ako, si R-ranz at ang iba para lang masira ang relasyon namin at mas-s-ira ang mga buhay namin???" Kahit nahihirapan akong magsalita ay nagawa ko parin.

" H-hindi na- " may sasabihin sana si Francis kaso pinutol ito ni Chantelle.

" Tama ka Avery. Hindi mo naman siguro ine-expect na hindi kami gaganti sa inyo dba? " mataray na sagot sa akin ni Chantelle. Nag cross arms pa siya para mas gumana ang pataray effect niya sa akin.

" At ikaw??!! " at dinuro ko si Yael. " May pa Danny-Danny ka pang nalalaman pero si Yael ka lang pa. Bakit mo ako niloko samantalang tinulungan kita? " naalala ko yung araw na tinulungan ko siya. Mukha siyang mabait nun. Pero lahat lang pala ay plano nila. Plano na sirain ang relasyon ko kay Ranz.

Ranz.

Naalala ko nanaman si Ranz.

" That's called acting darling. Distraction mo ako para hindi makapunta sa date niyo ni Ranz. Success sana kaso nagkabati pa kayo. " sinabi niya sa akin. So iyon pala ang plano niya noon. Kaya pala ayaw niya pa ako paalalisin noong mga oras na iyon.

" Nag lay- low muna kami para hindi niyo mapansin. And since sumikat itong mga kamag-anak namin, ginamit namin sila. May galit naman din sila sa inyo ni Ranz kaya mas napadali ang plano namin. " dagdag pa ni Chan. Itong babae talagang ito ang nakakapuno na. Nakakasobra na siya sa paninira sa akin. Pero wala pa naman akong magawa nang mga oras na iyon. Nanghihina pa ako . Nanghihina sa mga naririnig ko sa kanila. Ang plano nilang sumira ng lahat.

" B-bakit? Ano bang ginawa ko sa inyo? " mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanila. Halos nakatayo nalang ako doon. Hindi makagalaw. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko.

" Oh gusto mong isa-isahin natin? Well, sa akin naman ay sinira mo ang plano ko na sumikat dahil inagaw mo si Ranz. Alam mo naman na ako girlfriend niya nung time na iyon tapos hinayaan mo lang masira ako sa kanya? " lumapit siya sa akin at sinabunutan ako na dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

" E-Eh s-si Ranz-nz na nakakita sa inyo noon." Nanghihina kong sinabi sa kanya. Wala na akong lakas. Nanghihina na talaga ako.

" Yah pero hinayaan mo lang. Kaysa sabihin na baka may rason, hinayaan mo lang para mahulog siya sayo. Tsk. Tsk. Selfish b*tch. "

" Oh ako naman? " singit naman ni Yael. " Actually kay Ranz lang ako galit pero since yung ginawa mo kay Chantelle ay galit din ako sayo. "

" I'm with Ate. " dagdag naman ni Ela sa usapan.

" Tsaka naiinis na ako sayo nung taping palang ng movie namin ni Ranz. Napaka-stage girlfriend mo. Lahat kailangan alam mo, schedules and guestings. Hindi ka ba nakakaramdam na kailangan din ni Ranz ng space para makapag-concentrate sa trabaho niya? Naiinis lang talaga ako sayo nung time na iyon. Since may history pala itong ate ko with Ranz and you, may dahilan ako para magalit narin kay Ranz. "

Hindi ko ineexpect na maririnig ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam na marami pala kaming nasaktan sa relasyon namin ni Ranz.

" I-ikaw Francis. Anong ginawa ko sayo? Ano ang ginawa namin ni Ranz na nasaktan ka namin ha !!! " pasigaw kong sinabi kay Francis. Hindi ko alam pero maliban kay Shan, sa kanya ako pinakagalit sa kanilang lahat. Hindi kay Yael na niloko ako para hindi makapunta sa date namin noon ni Ranz. Hindi kay Ela na umahas sa boyfriend ko nun. Kundi kay Francis. Kay Francis na minahal ko pero nasaktan nanaman ako.

" M-mahal ko kasi Ella. Kaya ko nagawa iyon. " yun lang ang mga naisagot niya sa akin.

" H-huh? "

"Did you really think na mahal ka ni Francis? Wag kang assuming boyfriend stealer. " sabi ni Chantelle.

Hindi ko na kinaya ang mga narinig ko. Natumba nanaman ako sa pwesto ko at umiiyak. Hindi ko na kinaya ang mga masasakit nilang nasabi.

Bigla naman dumating ang Chicser sa condo nila Francis. Bakit sila nandito? Paano nila nalaman na nandito ako at kailangan ko ng tulong?

Nang makita ako ni Cav, lumapit siya kaagad sa akin at niyakap ako.

" Ssshhh... Tahan na baby. Tahan na. " sabi ni Cav habang yakap at hinihimas ang buhok ko.

Bigla naman lumapit si Owy at Ranz kay Yael and Francis.

Tinulak tulak naman ni Owy si Yael at sinisigawan. Halatang galit na galit sila. " BAKIT NIYO NILOKO SI AVERY HAH!!!!!!!????????? "

Si Ranz naman ay tinulak tulak din si Francis. " MGA WALA KAYONG UTANG NA LOOB!!!! PATI SI AVERY EH DINAMAY NIYO SAMANTALANG SA AKIN KAYO GALIT!!!!!! "

Lumapit naman si Oliver at kinausap si Ela. " Dude, hindi niyo na dapat siya sinaktan kasi alam niyo naman kung sino ang mga kakalabanin niyo dba??!! "

Si Ully naman ay kay Chantelle. " Oh sadyang wala kayong kaalam-alam sa mga kinakalaban niyo? Kung ako sa inyo, itigil niyo na ang mga binabalak niyo. "

" P-paano kung hindi kami titigil? " kahit nagtatapang-tapangan nalang si Chantelle ay halatang kinakabahan na siya.

" Edi ipaparinig namin sa lahat ng mga fans niyo ang pinag-usapan niyo kanina. At mukhang mas magiging eskandalo ito kaysa sa binabalak niyo. " sabi ni Kuya Biboy. Nilabas naman niya ang cellphone niya at nag play ng isang recorded convo. Parang iyon yung convo namin kanina ah. Paano niya narecord iyon?

" So iiwanan namin kayo ng warning guys. Isa pang kalokohan at iva-viral namin ito. Tara na chicser. " iyon nalang ang huling sinabi ni Ully at umalis na kami.

Buhat buhat lang ako ni Cav at umuwi na. Sa kakaiyak ko ay nakatulog ako sa balikat ni Cav. Napaka-stressfull ng araw na ito. Pero sana ay maging maayos na sa mga susunod na araw.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!