Chapter 47: My Destiny

96 11 0

“ Hello mga Kathniel!!!!!!! “ greet ni Kathryn sa mga fans nila. 

”Wooooooo-hhhhhhhooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!! ”  

” Maraming salamat po sa pagpunta sa mall show namin. Maraming salamat rin sa warm welcome na pinaramdam niyo. ” sabi naman ni Daniel.  

And naghiyawan ang lahat ng fans.  

"So, may isa kaming surprise guest para sa inyo.”  at hinila ako ni Kath papunta sa tabi niya

     ”  Siya pala si Avery Loraine Gina Pascual. Ang bestfriend ko sa labas ng showbiz. ” at inakbayan niya ako na may semi-hug.

” Huh? Akala ko ba bah ako lang ang bestfriend mo? ” sabay pout naman itong si Daniel. Ang cute niyang tignan. Syempre nagtilian naman silang lahat. 

  ” Ano ba pottie. Syempre kailangan ko rin ng girl na bestfriend. And since pinakilala ko na siya, siguro naman kilala niyo siya? In terms sa status niya sa buhay?”  

“ Sabihin mo narin bah para sa mga hindi nakaka-alam. ”  

“ Okay. So si Avery ay isa sa mga bestfriend ko sa labas ng showbiz and isa sa pinakamamahal kong kaibigan. Maganda, mabait at higit sa lahat, ang sumungkit ng puso ng nag-iisang Mr. Francis Magundayao!! ”   At lumabas si Francis galing backstage. Nakipag-fist bump siya kay Daniel at bineso si Kath. Ako naman ay nilapitan niya at niyakap. Humirit naman lahat ng tao sa sm.

Tumingin naman siya sa akin at binigyan ako ng isang color silver na dolphin necklace kasi mahilig ako sa mga cute na underwater creatures na bago niya ako halikan sa cheeks ay sinuot niya sa akin. Kinilig naman ang mga tao sa SM.  

“ Hello SM Baguio!!!!! Ayan so thank you kasi pinayagan niyo akong mag-guest sa show nila Kathryn and Daniel. “ greet ni Francis sa kanila.

  “ Okay lang iyon pare. Sabi nila na kaya ka daw sumama kasi namimiss mo ako. Pero, parang mali ata ang pagkakasabi sa akin. “  biro naman ni Dj sa amin.  

” Haha!! Oo nga Daniel. Parang mali ang nasabi sayo. Pero si Kathryn lang ang nakaka-alam kung bakit. ” at sabay nagkatinginan sila Kath at Kiko. I smell a plan. At ito nanaman ako. Nahulog sa patibong nila.

  ” Yes Kiko!! Tama ka dyan. So nung unang mga buwan na magkakasama kami ni Avery ay may pinakita siya sa akin. Ang kanyang talent na hindi ko naman papayagan na hindi mapansin ng tao. So SM Baguio, gusto niyo ba siya marinig? “      

At sumigaw silang lahat ng

” OO!!!! | YEEESSS!!! ”  

Ako naman na tulala doon at nakikinig lang sa usapan nila ng bigla nalang hinila ni Francis at pinaupo sa harap ng piano. Masyado na pala akong napatulala doon.  

“ So isipin mo lang mosh na ako ang kinakantahan mo at sure, “ sabay akbay niya sakin. “ Mas gaganda ang performance mo. “ sabi niya sakin na nakatapat pa sa mic.

Ulit, kinilig sila. Medyo wala pa ako sa katinuan. Ito ba ang pinapagawa nila sakin? Ang mag-perform live sa piano ko sa mall show nila? Paano kapag nagkamali ako? Or pumiyok? Paano kapag nawala sa tamang notes ang napindot ko dahil sa sobrang kaba at nerbyos? Pero wala na akong magagawa. Nandyan na ako eh. At hinihintay na na magperform. So, no choice kung hindi ay tumugtog na.

  Medyo nanginginig kong hinawakan ang mic at nauutal sa pag-sasalita.

“ Ah H-hi er- he-llo sa inyong la-hat. Sorry kung medyo na-na-uutal ako. Kinakabahan kasi ako. At ts-tsaka unexpected ito. So, tutugtog nalang ako para sa inyo. Sorry kung hindi niyo magugustuhan kung magkataon. “  Then nag-play na ako sa keys.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!