Chapter 21: Our Moment

248 12 0

     Dumating si Ranz. At mukhang galit.

     Dala-dala niya si baby Kyle pati yung mga roses na binigay niya. Nakalimutan ko palang dalhin. Naku patay. . .

     " Oh ? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? " Tanong ko para hindi niya halatang natatakot ako na galit siya.

     " Tinatanong pa ba iyon?! Bakit mo iniwan itong mga 'to huh?!? Kala ko ba nagustuhan mo?! "

     Naku galit nga si Ongsee. Magready na ang lahat. Sasabog na ang bulkang Ranz.

     " Sorry naman. Nakalimutan ko kasi. Hindi ko sinasadya maiwan ya- "

     " Sabihin mo na ayaw mo lang talaga.!! Pwede naman sabihin eh, ayaw mo pa umamin. "

     Gusto kong mag-sorry ng mag-sorry. Hindi ko naman talaga sinasadyang maiwan iyon. Pero syempre, pa hard-to-get dapat.

     " Hay ewan ko sayo Viniel. Nag-sorry na nga tapos ayaw mo pa? Bahala ka na nga! " With matcing pout at walk out effect.

     Hinayaan ko lang si Ranz na tumayo doon at umupo ako sa couch. Lumapit naman siya at nilagay si baby Kyle sa gitna.

     " Ui. Sorry na Avery. Nagtampo lang naman ako kasi iniwanan mo yung gifts ko. " Palambing niya na sinabi.

     " Sa tingin mo sinasadya ko iyon?!?! "

     " Kaya nga sorry na. Please . . . " Pagmamakaawa niya.

     " Ewan ko sayo Ongsee !! "

     Tinabi naman niya yung bear sa tabi niya sakin so kami na ang magkatabi. Nag-uunat unat siya ng biglang hinawakan niya ako sa dalawang balikat. Eh doon pa naman ang kiliti ko.

     " RAAANNNZZZZ!!! Nakikiliti ako !!!! Hahaha!!! Ayoko!!! Haha!!! Raa- hahaha!! "

     " Patawarin mo muna ako. "

     " Hahaha!! Oo na!! Haha!! Okay na!! "

      At tumigil narin siya. Tumayo naman siya at pumunta sa kusina. Iinom siguro ng tubig. Binuksan ko nalang yung T.V at nanood.

     Natapos ko na yung first part ng episode, hindi pa siya lumalabas. After a few minutes , dumating na siya at may dalang tray.

     " Kain tayo miryenda sweetheart. "

     At nilapag niya sa sala table. Nagluto siya ng meryenda. Squid ball at kikiam. Siya rin nagluto ng sauce.

      " Saan mo naman nakuha yang mga yan? " Habang tumutuhog ng squid balls.

     " Nakita ko sa ref niyo. Nagugutom na kasi ako eh. Oh, ahhh ... "

     At sinubo niya sakin yung kikiam na may sauce.

    Napa-ungol naman ako sa sarap nung sauce.

     " Sarap ah? Paano ka natutong ganitong kasarap na sauce? " Habang nanguya pa ako.

     " Kay Mama. Masarap kasi kaya pinag-aralan kong lutuin. "

     Naubos na naming dalawa yung miryenda.. Nanonood naman kami ng tv nang biglang lumabas yung tv commercial nila na #AbotKayaWithMyBro

      Kinikilig naman ako sa commercial. Hindi naman ako nahihiya kahit andun si Ranz. Pakielam ba niya? Fangirl parin ako kahit papaano.

     " Ang cute ni baby Cav!! " Tili ko.

     " Oo Avery. Wala ako sa commercial. At lalong-lalong wala ako sa tabi mo. "

    Ang totoo nan, kay Ranz ako nakucutetan. Syempre hindi ko dapat ipahalata.

    " Haha!! Bakit selos ka? "

    " Oo nagseselos ako. Hindi ba halata? "

     Ayun!! Natumpok ko. Nagseselos nga. Ang cute niya kasi kapag nagtatampo or nagseselos kaya pinagtitripan ko siya.

      Tumayo naman si Ranz para mag-unat. Nakita naman niya yung keyboard (yung piano keyboard hindi computer keyborad)  na naiwanan kong ligpitin. Pinatay ko nalang yung tv.

     " Marunong kang mag-piano? " Tinanong niya.

     Tumayo ako at lumapit.

     " Ah oo. Maliit palang ako interested na ako sa piano. Kalimitan kasi gitara ang gusto nila pero, iba ang dating sa akin ng piano. "

     " Pwede mo ba akong tugtugan? "

     Hindi na ako sumagot at umupo nalang dun sa mahabang upuan. Tumabi naman siya. Then nagstart ako mag-play. Kumanta narin ako.

     Isa ito sa mga kantang pwede ko dedicate kay Ranz

The day we met

Frozen I held my breath

Right from the start

I knew that I found the home for my heartbeats fast.

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

One step closer

I have died everyday waiting for you

Darling don't be afraid I had loved you for a thousand years

I love you for a thousand more

     Napatigil naman ako dahil hinawakan ni Ranz ang mga kamay ko. Tinigan ko siya at tinignan naman niya ako.

     May mga matang nagsasabi na mahal na mahal ako at hindi na niya ako sasaktan.

     Hinawakan naman niya ang mukha ko. Ang lambot ng kamay niya. Palapit ng palapit ang mukha niya sakin.

     Hindi na ako pumapalag sa mga ginagawa niya. Hinahayaan ko nalang sumakay ang katawan ko sa mga ginagawa niya.

* 3 inches.. Tumingin siya sa mga mata ko hanggang napapunta ang mga titig niya sa aking labi.

*2inches .. Pumikit na siya. At pumikita narin ako.

*1 inch *kriiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!! *

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!