Chapter 37: Bibigay karin pala eh :3

118 9 0

     Nanggagaling yung tugtog sa cd player sa room namin sa pamamagitan ng sinalpak na iPod ni Ranz. Pero si Ranz, nakasubsob rin sa desk niya. Siguro hiniram nila.

     Nung narinig rin ni Ranz iyon ay tumingala rin siya. Nagkatinginan kami pero nagiwasan rin. Yumuko nalang ulit ako. Patulog na sana ako ng naramdaman kong may tumabi sakin.

      Nakita ko si Ranz, na nakasubsob narin. Hindi ko nalang pinansin at sumubsob nalang ulit. May naramdaman naman akong may humawak sa kamay ko, tinanggal ko naman.

       " Avery . " Mahina niyang tawag sakin.

      Inakbayan niya ako kahit nakasubsob parin ako sa desk. Hindi ako sumagot

     " Avery. " Tawag niya ulit sakin.

     Hindi parin ako sumasagot.

     " Ui sweetheart. Sorry na. Sorry kung pakipot pa ako kanina. Nagtampo lang naman ako kasi hindi ka dumating. "

     Umupo naman ako ng maayos pero naka-akbay parin siya.

     " Kaya nga bumabawi ako eh. Nung papunta na ako sa restaurant. Nakakita ako ng binugbog na lalaki. Syempre, konsyensya ko na iyon kung hindi ko tutulungan. Kaya dinala ko sa clinic si Danny. Tapos . . " Pinutol naman niya ako.


      " Danny? " Tanong niya.

      " Oo. Yung tinulungan ko. "

      " Ah. Tapos? Anong nangyari? " Pagpapatuloy niya sa akin.

      " Tapos, hindi ko naman maiwanan kasi walang kasama. Nakaka-awa naman. "

     " Ah. Ganun ba? "

     At medyo naguguilty na siya nung narinig niya ang paliwanag ko. Ayaw kasi munang pakikinggan at intindihin ako eh. Ayan tuloy.

      " Oo. Sana pinakinggan mo muna ako. "

     Hinawakan naman niya ako sa kamay. " Sorry Avery. Hindi na mauulit. Promise. "

      " Sige na nga. Hindi naman kita matitiis eh. "

     " Haha. Thanks sweetheart.  "

     " Sorry rin huh. "

     " Uhmmm, ayoko nga. " Pabiro niyang sinabi.

     " Bakit nanaman? " Complain ko. Pakipot nanaman ito eh.

     " Kiss muna? " sabay turo sa lips niya at nag-form na lips na magpapakiss. Hinampas ko naman ng mahina yung mukha niya.

     " UHMMM!!! Halikan mo pader !! "

     " Pag nagawa ko iyon, hahalikan mo ako? " Panghahamon niya.

     " Wag na. "

     " Haha!! "

     Natahimik naman siya ng saglit.

     " Ahhh!! Alam ko na kung paano ka makakabawi. " Sabi niya.

     " Paano? "

     " Enchanted Kingdom tayo. " Pag-aaya niya.

     " Huh? Kailan? "

     " Bukas. "

     " Monday ngayon ah tsaka may pasok bukas. " Pagpapaalala ko sa kanya.

     " Wala kaya. " Sagot naman niya.

      " Huh? Bakit? "

      " Intramurals. " Ay oo nga pala. Intrams na pala namin.

     " Hindi ka sasali? Sa soccer? "

     " Hindi. Baka hindi kayanin ng schedule ko kapag sumali. "

     " Attend muna tayo kahit saglit. After ng program , alis na tayo. "

     " Okay. " Sagot niya.

     " Okay " sagot ko.

     " Kiss muna  " hingi niya ulit. Magpapakipot pa ba ako?

     " Cheeks lang. "

     " Lips na. " Pagpupumilit niya.

     " Sira. Wag nalang. " Bawi ko nalang.

     " Sige na nga. Bukas yung kiss ko sa lips huh. "

     " Ewan ko sayo. " At kiniss ko sa cheeks si Ranz.

     " Basta bukas huh. "

     " Opo bukas.  "

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!