Chapter 8: Taking Care of You

365 14 0

     Nagulat ako sa nakita ko. Isang white lady , hawak hawak niya si Ranz at may nakatutok na kutsilyo. ( Hindi joke lang. ^_^v )

     Nagulat ako. Nakita ko si Ranz sa labas. Sa ilalim ng puno na nakaupo. Malakas ang ulan nun at basang-basa na siya. At ang malala, bigla nalang siya natumba sa pagkakaupo niya. Yung tipong nahimatay.

     Tumakbo ako pababa at lumabas kahit walang dala na payong. Tumakbo ako palapit sa kanya.

     " RAAANNNZZZ!!!! GUMISING KA!!! RAAANNNNZZZZ!!!! " Tawag ko sa kanya ng malakas para magising.

     Hindi siya kumikibo. Binuhat ko nalang siya sa pamamagitan ng paglagay ng braso niya sa balikat ko. Kahit mabigat ay kinakaya ko.

     Pagkapasok namin ng bahay, hiniga ko siya sa may sofa.

     Nagbihis muna ako ulit ,kumuha ng extrang shirt at shorts na panlalaki sa closet ng papa ko at ipampapalit kay Ranz.

     Pagkababa ko, nakita ko na siyang mulat. At parang bumabahing.

   "  Accchhhoooo!!!!! *snif* Accchhooo!!! "

    " Oh Ranz. " Sabay hinawakan ko ang noo at leeg niya.

    " My G Ranz!! You're burning. Oh eto damit. Palit ka muna. Pagkatapos nan ipagluluto kita ng noodles. Iinom ka rin ng gamot. " Inabot ko namas sa kanya yung damit.

     Tumango nalang si Ranz. Dahil hindi niya kinayang tumayo, dun nalang siya nagbihis sa sofa. Umalis naman ako at nagluto ng noodles. Kumuha narin ako ng gamot sa may lagnat.

     Pagkarating ko naman sa sala, tapos na siyang magbihis. At parang nanginginig siya sa lamig. Kumuha nalang ako ng kumot at ibinalot sa kanya.

     " Oh Ranz, umupo ka. Kumain ka muna para makainom ka ng gamot. " . Tinulungan ko naman siyang makabangon at maka-upo.

     " Oh ahhh . . . " At isinubo ko yung isang kutsara ng noodles sa bibig niya.

     " Mainit pa Avery" sabi niya sa akin na mukha ngang napaso.

     " Mainit ba? Oh eto. " Hinipan ko na muna.  " Hindi na ito mainit. "

     At sinubo niya ulit to. Naubos na niya yung pagkain niya at ininom yung gamot.

     Paalis na sana ako para magligpit at mag-ayos ng hinila niya ako sa may braso kaya napa-upo ako.

     Hinawakan niya ang mukha ko at - - - hinalikan sa lips. Tumagal din ng 5 seconds.

     Hiniwalay niya ang malalambot niyang labi sa labi ko at sinabi ,

     " I love you Chantelle. ". At humiga na siya para matulog.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!