Chapter 22: Being with him

237 13 0

*kriiiiiiiinnnnnnnnggggggg!!!!!!*

      Biglang nag-ring ang cellphone ko. Halata naman na nabwiset si Ranz dahil naudlot ang kissing scene namin. Haha!! Nakakatawa yung mukha niya yung kung ma-imagine niyo lang.

      Hello?

     Baby?

    Oh Cav, ano iyon ?

    Hindi pala kita masusundo bukas. May pupuntahan kami ng family. Sorry ha.

     Hindi sige okay lang iyon. Next time nalang.

    Sige. Sorry ha.

    Oo sige bye.

    I love you Avery. Bye.

     At binaba ko na.

     " Sino iyon? " Mainis-inis niyang tanong dahil nga naudlot.

     " Si Cav. Hindi daw niya ako mahahatid bukas sa school. "

     " Panira naman ng moment yun si Cav eh. " Bulong ni Ranz.

     " Ano iyon? "

     " Ah wala. Gusto mo, ako nalang ang magsundo sayo bukas? "

     " Sige. Ikaw bahala. "

     " Sige susunduin kita. Walang bawian na yan. "

    " Oo. "

    " Anong oras na ba? "

    Tumingin ako sa white Swatch ko " 8 pm. "

     " Gabi na pala. Sige, " Tumunog yung phone niya.

     " Ay, wala sila sa bahay. Umalis daw. Iwanan ba ako? "

     " Sino? "

     " Sila mama. Umalis daw ng bahay. Iiwanan daw ako kasi sa mga kailangan gawin sa chicser. Pwedeng dito muna ako sa inyo tulog? "

     " Sira ka ba? Dadating dito sila mama mamaya. "

      Tumunog ulit yung phone niya.

     " Nagpaalam na sila mama kay tita. Dito na ako tutulog. Kakatext lang. "

     At pinakita niya yung text. Totoo nga.

     " Laro tayo!! " Parang batang sabi ni Ranz.

     " Ano naman? "

     " Bahay-bahayan. Ako tatay ikaw nanay. "

    " Huh?? Sino anak.? "

     " Etong stuff toy. Si baby Avery. "

    " Anong baby Avery? Yan si baby Kyle. " Ooopppss! Nadulas . . :p

    " Ayieee... Pinangalan talaga sa akin. Sige na nga, baby Kyle. " At pinaglaruan na yung bear.

    " Hi baby Kyle. Love ka nila mommy at daddy ha. "

   " UHHMM!!! Mommy mo mukha mo. " Mataray kong sagot.

     Nilapit naman niya yung bear sa tenga niya na parang binubulungan siya

     " Sweetheart, gutom na daw si Baby Kyle. Ipagluto mo na kami. Please :)) "

     " Hoy!! Magluluto ako dahil gusto ko. Dyan ka na nga. "

     At umalis na ako sa sala para pumunta sa kusina at magluto.

     Nagluto lang ako ng simpleng dinner. Rice with fried chicken na may gravy na ready-to-made.

    " Dinner is serve daddy!! " Sigaw ko.

     Nakipaglaro narin ako sa kanya. Natutuwa narin kasi ako sa kanya.

     At nahuhulog na ulit ang loob ko sa kanya.

     " Yehey!! Tara baby Kyle. Kain na tayo.!! Sigurado ako na masarap ang luto ng mommy mo. "

     " Aba syempre. Ako pa. "

      Kumain na kami ng dinner. Dumating naman ang parents ko nang matapos ang dinner namin.

     " Avery!! Nandito na ba si Ra- " Hindi na tinuloy ni mama ang sasabihin niya kasi nakita na niya si Ranz.

     " Oh hijo, nagsabi sa akin ang mama mo. Dito ka daw tutulog for 3 days. Doon kanalang sa kwarto ni Avery okay? Know your limitations. " Sabi ni dad.

     " Yes tito!! "

     " Okay. Tulog na kayong dalawa. May pasok pa kayo. "

     At umakyat na kami sa room namin.

     Hindi pa kami inaantok kaya nanood muna kami ng movie.

     Habang nanonood kami ay bigla akong nakatulog.

Ranz' P.O.V

     Binuhat ko si Avery at hiniga siya sa kama. Umupo naman ako harap niya at kinausap ko kahit tulog na siya.

     " Ang ganda mo talaga Avery. Ang bait bait mo pa. Alam mo, ako ang pinakaswerteng tao sa mundo nung nakilala kita. Kaso,iba ang sitwasyon ko noon. " Sabi ko habang kinakausap ko ang Sleeping Beauty ng buhay ko. Kahit mukha akong t*nga na kumakausap ng tulog. Ayos lang. Hindi naman niya alam.

     " Sorry kung ginawa kitang rebound. Sorry kung sinaktan kita. Pero makikita mo naman, ikaw parin ang mahal ko at sana ako parin ang laman ng puso ko. Lahat kakayanin ko, mapasagot ka lang. At pinapangako ko, hindi na kita sasaktan. " Hinawakan ko naman ang pisngi niya at tinitigan ulit.

      Ang himbing ng tulog niya. Napaka-inosenteng tignan. Hindi ako makapaniwala na sinaktan ko ang isang babaeng tulad niya. Hindi ko na talaga uulitin iyon. Mahal ko na talaga siya. Mahal ko na talaga si Avery.

     " Sige, goodnight sweetheart. I love you. Itutuloy ko lang yung naudlot kanina ha. "

     At hinalikan ko siya sa labi. Steady kiss na umabot ng 3 seconds. Alam ko na mali pero hindi ko matiis.

      Tumayo na ako, humiga sa sofa at nakatulog na.

Avery's P.O.V

     Pagkagising ko, may nakita ako na nagpangiti agad sa araw ko.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!