Chapter 4: Girlfriend??

296 15 2

       Pagkaturo ni Ranz ng stage ay bigla niya akong hinalikan sa cheeks at ngumiti siya.

       O_O !!! What the !!!! Nagulat naman ako sa ginawa niya. Pero kinikilig din. ( Syempre ) Nung lumingon ako, nakita ko si Chantelle na nakatingin samin.

      Nawala naman yung kilig ko. Alam ko kasi na pakitang tao lang yun ni Ranz sa ex niya.

      Then nagstart na yung production # nila. And daming nagsisigawan especially yung mga girls. Medyo natatawa ako na nagseselos.

     Natatawa kasi naalala ko yung mga inatenan kong GT's noon. Na mas malakas pa ang sigaw ko kaysa sa pinakamalakas na sumisigaw ngayon.

     Nagseselos naman kasi , syempre mahal ko si Ranz eh. Syempre, akin lang siya. Na sa akin na yung malapit na oppurtunity. At baka magbago isip niya na gawin akong rebound kasi may mas maganda siyang nakita na fangirl sa crowd.

      Then natapos na yung # nila. Binigyan naman sila ng tig-isang mic.

       " Hi cutiepie! Kamusta na kayo? Salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin. " Greet ni cutipie Ully sa mga fans.

     " Oo nga my love. Maraming salamat sa suporta niyo. " Sabi ni Oliver.

     " Sunshine, thanks sa mga pinapakita niyo sa aming support. Hindi namin kayo ilelet down .  " Bati ni Biboy.

     " Ah baby. I love you.  Always take care huh. Salamat sa love niyo. " Greet ni Cav.

     " Babe, taga- alabang ka ba? " Panimulang pick-up line ni Owy.

       Sagot naman ng mga fans:

     " Bakit babe???!!! "

     " Why??!!! Bakit Owy??!! "

     " Oo taga-alabang ako!!!. "

     Sumagot naman si Owy. " Alabang chance na maging tayo? "

      Kinilig naman yung mga babe ni Owy:

      " Waaahhh!! Meron!!!! "

      " Ang corny ni babe!!! "

      " Ang sweet!!!!!! "

      " Meron Owy!! Gusto mo tayo na.???!!!! "

      " Haha!! Ingat lagi babe okay? Always smile. " Sabay lipbite,kindat at flying kiss. Naghiyawan ang lahat!!!

      " Hi sweetheart. Thank you sa suporta. Mahal ko kayo at alam niyo yan. " Siguro naman, kilala niyo na siya.

       At ang daming nagtilian. Syempre.

     " Ah guys, may papakilala pala ako sa inyo. Avery? Avery? Asan ka? " Hanap sa akin ni Ranz.

      Nasa may backstage ako noon at nagulat nalang na tinatawag na pala ang pangalan ko.

      Bigla namang pumasok si Cav sa backstage at hinila ako palabas ng stage. Pagkalabas ko, tinding kaba ang naramdaman ko. Sino ba naman ang hindi?

       Nakakasilaw. Yung mga ilaw. Mga ilaw na nakatapat na sakin. Ang nakita ko lang ay si Ranz na inaabot na ang kamay niya. Hinawakan ko naman ito.

     " Guys, eto nga pala si Avery. Siya pala ang pinakamamahal kong girlfriend. " Sabay akbay niya sa akin.

       Nagulat nanaman ako sa sinabi niya. Ang daming nagbulungan. Parang hindi makapaniwala na ang isang Ranz Kyle ay magmamahal sa isang payat, matangkad, maputi, singkit na kulot na tulad ko. Na ang isang fangirl ay bawal maging 'pretend' girlfriend nitong Binyel na ito?? Inggit lang kayo. :p

     " Don't worry guys. Kung alam niyo lang ang plano nitong Ranz na ito. " Sabi ko sa isip ko.

     " Oh guys, wag magbulungan. Okay lang yan. Para naman sa akin ito eh. Ayaw niyo ba ako maging masaya? " Sabi niya na may kasama pang pout sa mukha ni Ranz.

     " Gusto sweetheart. " Sabi ng mga sweethearts niya.

     " Yun naman pala eh. So , wag ihate huh. Magtatampo ako sa inyo kapag nangyari yun. Okay ba yun? "

     At nagsigawan na silang lahat. Syempre, matitiis ba nila si Ranz? Tumingin naman sakin si Ranz ng nakangiti so ngumiti naman ako.

    Hinanap ko yung ex niya sa crowd at nakita siya na parang, hindi ko madescribe. Parang galit?

     " Okay ba sa inyo na dito namin gawin ang first date namin? " Pagpapaalam naman niya.

      " Go!!! Pakikiligin mo nanaman kami Ranz!!!! " Pagsang-ayon naman nila.

      Tumingin nanaman siya sakin.

      This time hinawakan niya ang kamay ko at lumabas ang ibang members ng chicser na may dalang roses.

     Si Biboy naman ay maydalang gitara. Naglabas naman ng mic stand yung utility. Pinaupo nalang ako ni Ranz dun sa isa sa dalawang upuan.

     Doon naman siya umupo sa kabila. Hindi ko alam pero , as usual, kinikilig nanaman ako ng todo-todo.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!