Chapter 44: Party ! Party! With the Stars : )

144 9 0

Ang store na pinuntahan namin ay clothes para sa cosplay. Si Kathryn ang pumili ng mga pwede kong suutin. Kahit medyo nakakahiya ay napilitan narin ako.

     Cosplay party siya so medyo marami kaming pwedeng pagpilian.

     “ Oh eto Avery, try mo. “ at may binigay na damit sakin si Kathryn.

Pumunta na ako sa fitting room. Isang vampire girl dress ang isusukat ko. Pagkatapos ko isuot ay lumabas ako para ipakita kay Kath.

     “ Ayan. Bagay sa iyo Avery. “ puri niya sa akin. Well, sa damit siguro at hindi sa akin. Haha!

     “ Talaga? Pwede na ba mamaya sa party niyo? “

     “ Oo. Pwedeng-pwede na. “

     Dumating naman si Sharlene may dala-dalang damit. Kaparehas nung isusuot ko.

     ” Ah ate Kath at Ate Avery ito na pala yung bibilhin k - - - ” natigilan siya nung nakita niya na suot suot ko yung gusto niyang suotin sa party.

     “ Ah Kath, mukhang may iba pang magandang damit doon. Tingin muna ako. “ sabi ko kay Kath. Tumango naman siya sakin. Pinigilan naman ako ni Sharlene.

     “ Hindi Ate Avery. Okay lang. Bagay naman sayo eh. Ako nalang titingin. “ sabi ni Sharlene. Ang bait talaga ng  batang ito. Pero kahit papaano ay nahihiya parin ako. Syempre, kailangan kong magparaya dito sa suot ko kahit gusto ko na siya.

     ” Hindi okay lang. Medyo sikip din sa akin eh. Tingin nalang ako ng iba. Ikaw nalang magsuot. Mas bagay siya sayo. “ yun nalang ang nasabi ko. Okay lang naman eh. Tsaka marami pang mas maganda dyan. Marami pa akong pwedeng isukat.

     “ Thanks ate Avery. “ ngumiti naman ako sa kanya.

     May hinila naman isang damit si Sharlene sa racks. Mukhang maganda. Ang cute niyang tignan. Mukhang ito na nga ang isusuot ko sa party. Sinukat ko naman at pinakita sa kanila.

Pagkalabas ko sa fitting room, tumitili at nagtatatalon si Sharlene sa harap ko. “ Ayan ate!! Mas maganda sa iyo iyan. Mas cute. “

     Lumabas naman si Kath sa kabilang fitting room at nagkaharap kami.

     ” Ang cute sayo Avery! Yan nalang suotin mo mamaya. “ sabi niya sa akin. Papasok na dapat siya sa fitting room nung tinawag ko siya.

     ” Kath!! Naku wag na. Mas bagay sa iyo iyan. Mas mukha kang cosplayer kapag ikaw ang magsusuot.  Mas cute sayo. Lumalabas yung kasexy-han mo dyan. ” medyo lagay ko pa ng flowery words para maniwala siya sakin.

     ” Sure ka? ”

     Tumango naman ako at ngumiti. ” Maghahanap nalang ako. ”

     Nagpalit nalang ulit ako ng normal clothes at naghanap. This time may nagustuhan na talaga ako. Wala na talagang palitan pa. Pumunta na ako sa fitting room at sinukat. Pinakita ko na kay Kath at Sharlene ang damit ko.

     “ Ano guys? Bagay na ba? “ tinanong ko sa kanila. Ang nakakatuwa, medyo natulala sila. Nag-snap pa ako ng fingers para bumalik sila sa sarili nila.

     ” Bagay sayo Avery. Yan na talaga promise. Ang ganda-ganda mong tignan. Bagayan pa natin ng color *toot* —( mamaya nalang sabihin ) bagay na sayo. :)) “ compliment ni Kathryn.

     “ Oo nga ate. Yan nalang :)) “ dagdag naman ni Sharlene.

     “ Salamat. “

     “ Oh tara. Bayaran na natin at sa bahay na tayo magpa-ayos. Nagrent narin ako ng mga stylists. “ sabi ni Kathryn sa amin. Tuwang-tuwa naman si Sharlene.

     “ Wag na Kath. Baka sa inyong dalawa lang yung stylist na iyon. “ umarangkada nanaman ang pagiging mahiyain ko.

     ” Ano ka ba Avery? Tatlo iyon. Sakto sa ating tatlo. ” dagdag ni Kathryn.

     ” Nakakahiya kasi. ”

     ” Alam mo Avery. Wag ka nang mahiya sa akin. Alam mo ba ikaw talaga ang pakay ko? ” pa-humble tone na sinabi sa akin ni Kathryn. Huh? Bakit? Ako ang pakay?

     ” Talaga? ” medyo hindi ko parin maintindihan. Ako talaga?

     ” Well, maliban lang sa pakay na pagbili ng costume ko. Pero, oo nga. Matagal na kitang naririnig. Gusto narin kitang maging kaibigan kasi mukha kang mabait. At totoo naman.  Minsan naririnig na kitang kumanta sa piano mo. Sayang at hindi ka pa sumisikat kasi marami kang makukuha na fans. ”

     Hindi parin ako makapaniwala. Ako talaga ang pakay ni Kathryn? At gusto niya ako maging kaibigan? Tsaka narinig na niya akong kumanta sa keys at sinasabi niyang magaling ako. Grabe! Masyado na akong masaya ngayong araw na ito. Mabuti naman at dinala ako dito ni Francis.

     “ W-wow. Salamat Kath. Thank you. “

     “ Okay lang iyon. So tara na? Tinext ko narin sila Dj na puntahan tayo sa food court. “ sabay tingin niya sa phone niya.

     “ Okay. “ sabay naming sagot ni Sharlene.

     Pagkatapos bayaran ni Kathryn yung mga damit namin, nagpunta na kami sa food court at nakita na namin sila. Pinag-usapan narin naming yung party mamaya. Sasama naman daw silang lahat.

    Nakatambay naman ako sa may sidepool, nakain ng sushi at nakasalubong ang dalawang cute na bulilits.


     “ Hi Bugoy! Hi Zaijan! Kilala niyo pa ako? “ tanong ko sa dalawang bagets.

     “ Ah ate Avery?? “ medyo hindi pa sigurado si Bugoy sa sagot niya.

     “ Tama! Si ate Avery nga!! Hi ate!! “ bati sa akin ni Zaijan.

     “ Heellllooo! “ saby kaway at beso ko sa kanila. “ Buti naalala niyo pa ako.”

     “ Syempre naman ate. Ganda niyo po ngayon ah. “ compliment sa akin ni Bugoy.

     “ Thank you. Ang gwapo niyo rin parehas mga prince charming. “

     Ang mga suot kasi nila ay mga prince charming na cosplay.

     “ Thank you po  “ sabay nilang sinabi.

     “ Pero ate, parang may kaparehas ka po ng damit. “ sabi sa akin ni Zaijan.

     “ Huh? Sino? “ medyo kinutuban ako. Sana mali ako.

     At may tinuro sila. Bigla naman napalingon yung kaparehas ko ng damit. Hindi siya natuwa sa nakita niya. 

Bakit pa naman kasi parehas pa kami ng susuotin eh. Sa dinami-dami ng pwedeng kapareho.

     “ Bakit ka nandito? “ mataray niyang tinanong sa akin na may kasama pang taas ng kaliwa niyang kilay.

     “ Invited ako. At bakit? Bawal ba? “ sinagot ko rin siya ng mataray.

     “ Pwede sana pero bawal ang mga copycats. Hindi naman sayo bagay ang suot mo. “ pangbabatikos niya sa suot ko. Ang lakas niya ah!! Nakakapikon. Konti nalang. Konting kembot at konting push nalang gaganti na ako.

     “ Ahmm, I hear insecurity in your voice. Mas bagay kasi sa akin ang damit na ito kaysa sa iyo. “ pang-aasar ko sa kanya.

 Mukhang bigla nalang siyang nagdilim ng paningin at may ginawa sakin na kumuha ng atensyon sa mga tao sa party.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!