Chapter 14: My on-the-spot Saviour

250 11 0

Nakaschool-uniform pa ako. Naglalakad pauwi . Mas trip kong magdusa sa bako-bako na daan at maputik na kalye papunta sa village namin.

      Wala pa ako sa loob ng Village namin. Napapadaan naman ako sa mga tambayan ng mga adik.

     " Huy miss, ganda mo ah. " Sabi sa akin ni Adik 1. Hindi ko nalang pinansin.

     " Oo nga miss. Pwede ba kitang maiuwi at maikama? " Sabi naman nung adik 2. Mas lalo kong binilisan ang paglakad.

     " Wag pare sayang siya. Mukhang virgin pa. Baka masaktan. " Sabi ni adik 3.

     " Wag kang mag-alala miss. Hindi ka masasaktan. Masasarapan ka pa. " Sagot naman ng adik 2

     Hindi ko sila pinapansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hinila naman ako ng isa sa kanila at hinawakan sa braso. Hindi ako makapalag.

      " Ano ba miss? Pakipot ka pa. Tara sumama ka na. " Sabi sa akin ng adik 3 na may mabahong hininga at akala mo kung sinong pogi eh parang hindi pa naliligo.

     " Sabi ng ayaw ko eh!!! " At sinipa ko siya kung saan masakit.

     Pagkasipa ko ay mabilis akong tumakbo. Hinahabol narin kasi ako ng iba niyang kasama. Kaysa lumiko ako sa daanan namin pauwi ay dire-diretso nalang ako tumakbo.

     2 sila at mabibilis na hinahabol ako. Nang nakakita ako ng isang sikip na eskinita, pumasok ako rito at nagtago sa likod ng isang bahay. Sumisilip ako kung nahahabol pa nila ako.

     " Pare, nawala na siya. Natakas na. "

     " Hayaan mo na siya. Alis na tayo. "

     At umalis na sila. After mga 3 minutes, umalis narin ako sa pinagtataguan ko. Malayo ang natakbo ko. Mga 1 kilometro pero hindi nakaramdam ng pagod dahil takot na takot na baka mahabol nila.

     Pagkalabas ko ng eskenita ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang dalang payong kaya no choice kung hindi lumusong sa ulan. Wala pa sa kalahati ng 1 kilometro, nakaramdam na rin akong pagod at biglang naiyak dahil sa mga pangyayari kanina simula sa pagpasok ko sa school.

     Nasa may tapat ako ng isang bahay. Napa-upo nalang ako sa sobrang bigat ng dinadala ko. Biglang tumila ang ulan. Hindi, sa tapat ko lang tumila yung ulan.

     Tumingala ako at nakita si Cav na may hawak-hawak na payong.

     " Anong ginagawa mo dito Avery? " Natanong niya.

      " Cav? C-cav. " At bumuhos na ang mga luha ko.

     "  Cav, mali ba yung ginawa ko? Mali ba yung tinago ko yung nalalaman ko? Dapat nga hindi ko na s-sinabi kasi hindi naman sa ikabubuti ng lahat. " At nahimatay na ako pagkatapos.

- fast forward -

      Nagising nalang ako sa isang kama. Malawak yung kwarto pero halatang pang-lalaki. Sinubukan kong bumangon pero nahihilo pa ako at hindi pa kaya.

     Napansin ko rin na iba na ang suot ko. Pambahay na. Tumingin naman ako sa orasan, 8:30 pm.

     Gabi na pala. Baka pagalitan na ako ng parents ko.

     Sinubukan kong tumayo nang biglang may pumasok.

     " Oh? Bakit ka tumatayo? May sakit ka pa. Magpahinga ka muna. Oh eto , mainit na sabaw. Subuan nalang kita. " Saway sa akin ni Clarence.

     Hindi na ako sumagot, hinayaan ko nalang alagaan ako ni Cav.

      " Ano nga palang ginagawa mo sa gitna ng ulan?!? " Tanong niya.

      " W-wala. Wala kasi akong dalang payong. "

     " Bakit hindi ka nagpatila?! Hindi mo ba alam na mahirap na ang magkasakit ngayon? " Napagalitan pa tuloy ako ni Cav.

     " Sorry. Cav, kailangan ko ng umuwi. Pagagalitan ako ng magulang ko. "

     " Hindi. Pinagpaalam na kita kina tita. Sabi ko may sleepover ang chicser na may mga kasamang babae para payagan ka. Kapag sinabi kong may sakit ka, mahirap na. " Palusot niya. Ang galing nga at naniwala sila mama sa kanya. Alam naman kasi nila na ka-close ko na ang Chicser.

     " Ah sige. "

     " Oo nga pala. Ano yung mga sinasabi mo kanina? Nung bago ka mahimatay? "

*flashback*

     " Cav? C-cav.

     " Cav, mali ba yung ginawa ko? Mali ba yung tinago ko yung nalalaman ko? Dapat nga hindi ko na s-sinabi kasi hindi naman sa ikabubuti ng lahat. " Then blackout

* end of flashback *

     " Ah. Yun ba? "

     " May nangyari ba ? Nag-away ba kayo ni Ranz? "

     Umupo naman ako sa kama para makapag-usap kami ng maayos.

     " Ah hindi. Mahabang kwento. "

     " Edi ikwento mo. " At hinawakan niya ang kamay ko.

     " Andito lang naman ako para makinig. "

     Dahil sa feeling ng awkwardness, hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

    " Kasi, si Ranz. Bumalik na kay Shan. May sinabi kasi sa akin si Shan kung bakit niya nagawa iyon kay Ranz. Tinago ko sa kanya kasi nagtapat na siya sa akin at natatakot akong mawala siya." Sakto naman ay bumagsak nanaman ang mga luha ko.

     " Ganun ko siya kamahal. Kaya ko tinago kasi mahal ko siya na ayaw ko na niyang malaman ang totoo. Pero, mali pala. Hindi niya ako mahal. Rebound lang ako para sa kanya. Ang masama pa, hindi maganda ang intensyon ni Chantelle sa pakikipagbalikan sa kanya ni Ranz. Natatakot ako. Natatakot akong masaktan ulit si Ranz. Natatakot ako na baka, hindi na niya ako lapitan kapag nalulungkot siya. Wala na ako para patawanin siya. Mahal na mahal ko kasi siya. "

     " Ganun mo siya kamahal noh?" Naitanong ni Cav.

     " Sobra Cav. Sobra. Kahit bata palang tayo, alam ko ang pakiramdam kapag true love na talaga. "

      May binulong naman si Cav sa sarili niya. "Sana pala ako nalang si Ranz. "

     " Ano iyon? "

     " Ah wala. Gaano na tayo katagal magkakilala? "

     " Mga 3 months na. " 3 months na puno ng tawanan at kulitan kapag kasama ko siya.

     " 3 months. So siguro magkaibigan na tayo dba at may tiwala ka na sa akin. "

     " O-oo naman. " Sabay pahid ng mga luha ko.

     " Sige. May aaminin ako sayo. "

     Aaminin? Nagtaka naman ako. " Ano iyon? "

     " Ano kasi Avery. Ma- - "

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!