Chapter 50: An ALMOST Happy Ending

134 7 0

Nagising na ako sa isang kwarto. Kwarto ko dito sa bahay namin sa Manila. Pagkagising ko ay nakita ko ang Chicser na kalat-kalat sa kwarto at mga tulog pa rin. Si Cav ay nasa kanan ko samantalang si Ranz ay nasa kaliwa.

Medyo gumalaw ako ng konti para makaupo ng nagising si Cav.

" AVERYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Cav na naging sanhi ng pagkagising ng ibang member ng Chicser. Nang magsing sila, bigla silang naglapitan sa akin na parang mga bata.

Parang silang mga detective. Ang daming tanong.

" Ui Cutiepie??!! Kamusta ka na!?!?!?!? Okay ka na ba?!?!?!? " - Ully
" Oo nga sunshine?!! May masakit ba sayo?!?!?! May masama ka bang nararamdaman???" - Biboy

" Alin ang masakit love??? Ulo? Tiyan? Paa? Braso? Batok? Siko? Puson? " - Oliver

" Babe gusto mo bili kita ng gamot?? Gusto mo yung pinaka-mahal pang gamot para effective??? " -Owy

" Oh gusto mo isugod ka nalang namin baby sa hospital?? Saan mo gusto? Dito sa Maynila?? Sa Laguna?? Sa Visayas?? Mindanao?? Oh gusto mo sa abroad?? Sa Taiwan?? South Korea?? Brazil?? Or sa States?? Gusto mo pa si Justin Bieber at Big Time Rush ang maging doctor mo?? Ano?? Contact ko na ba sila Logan Henderson at Kendall Schmidt? " - Cav

" Oo nga!! Book na tayo ng flight niyo ngayon sweetheart para maka-alis na kayo mamayang gabi. Para - - - " Ranz

" TEEEKKKAAA!!!!!!!! " ako na yan. Natahimik naman sila.

" Ang OA niyo promise. Okay lang ako. Walang masakit. Kaya pwede bang mag-relax kayo? " sabi ko sa kanila at ngumiti. Para naman malaman talaga nila na wala talagang problema sa akin. Well, at least, iyon ang pinipilit kong isipin. Umupo naman ako ng ayos para makausap ko sila ng maayos.

" Ah may tanong lang ako. " pasimula ko.

" Ano iyon baby? "

" Paano niyo narecord yung pinag-uusapan nila Chantelle at Francis? " at tumitig ako kay Kuya Biboy dahil siya ang nagpakita kila Francis ng recorded conversation nila.

Sinalo naman ni Kuya Biboy ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Ah iyon ba? Kasi ganito iyan . . . "

*flashback*

Biboy's P.O.V

Nagpameeting si Ully sa bahay namin so lahat naman ng Chicser ay dumating. Mala-late lang dumating si Ranz kasi galing daw siyang shooting. Syempre hinintay namin siya. Pagkadating niya ay nag-start na kami. Balak sana namin magdinner sa labas ng nagpasya si Cav na tawagan si Avery para sumama. Ginamit nila yung phone ko. So tumawag sila at nasagot naman niya. Pero hindi namin naririnig ang boses ni Avery at ang naririnig namin ay yung usapan nila Chantelle at Ela. So nirecord namin at pinuntahan si Avery.

*end of flashback*

" Huh? Tumawag pala kayo? " pagtataka kong tanong.

Kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa. Ang nakuha ko ay yung phone at isang candy. Siguro nung medyo sumandal ako sa may pinto ay lumapat yung candy sa pindutan ng accept button. Kung iisipin mo nga naman, napakaswerte ko. Ang bilis kaagad bumalik sa kanila ng karma.

" Ah thank you nga pala guys sa pagpunta sa akin doon at pagtanggol sa akin. Kung wala kayo doon, siguro napagtulungan na nila ako. Salamat talaga. " pagpapasalamat ko. Sobrang swerte ko talaga sa kanila.

" Wala iyon sunshine. Para ka na rin namin kapatid eh. Kung sinong aapi sa iyo, masasapak namin tama ba guys? " Sumagot naman sila.

" Oo nga! "

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!