Chapter 40: Wedding of the Day :*

167 10 2

Naglalakad kami sa park, holding hands under a starry night. Lakad lang ng lakad kasi hindi ko naman alam kung saan nanaman ako dadalhin ni Ranz.

      " Ranz, saan mo nanaman ba ako dadalhin? " Naitanong ko na.

      " Basta. Sumama ka nalang sa akin. " Ang naging sagot niya.

      Tumahimik nalang ako at naglakad-lakad nalang. Kahit ano namang kulit ko sa pagtatanong ay hindi din naman niya ako sasagutin.

     After a few minutes, may naririnig ako tunog. Parang kinakabahan ako na ewan. Yung music, pamilyar siya sakin.

     Unang beses ko ito narinig nung naging flower girl ako nung 5 years old sa wedding ng pinsan ko. Pero, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tunog.

     Imposible sa labas ng park dahil masyado itong malaki at nasa may pinakadulong part na kami para umabot yung tugtog doon sa lugar namin. Yung wedding march.

      After a few walks, may natatanaw na ako. Medyo natutulala ako. Wow!! Grabe!!Hindi maka-react. Surprise nanaman?? And best one itong isa. Hila-hila nalang ni Ranz kaya nakakapaglakad pa ako.

      " Okay ba? " Tanong ni Ranz sakin. Hindi naman ako makasagot. Naispeechless ako masyado sa ginawa niya. Hindi ba't masyado pa kaming bata para gawin iyon.

      Super romantic. Isang maliit na aisle na may red carpet pa. May mga flowers and ribbons and candles. Yung favorite color ko pa yung flowers. May priest sa unahan. Nung medyo lumapit ako, si Oliver pala yun na nakapang-pari. Yung ibang Chicser members ay nandun. Naka simple dress and suits. Pati ang mga girlfriends ko ay kasama. Inaaproach ako ng isa sa kanila.

      " Hi Avery!! Tara sasamahan na kita mag-ayos para sa wedding niyo ni Ranz. "Aya sa akin ni Cristine Joy David. My sweet girlfriend.

     Dumating yung pangalawa.

     " Oo nga. Saglit lang naman iyon. Maglalagay ka lang ng belo at make-up. " Sabi naman sa akin ni Shaneya Mari. My smart and medyo kalog na girlfriend.

And yung last.

     " Don't forget your boquet of flowers. Para mas realistic ang gagawin nating pretend. " Ang sabi ni Cristel Cabrela. My baby girlfriend.

     " Hui!!! Hindi kaya ito pretend!! " React ni Cristine sa sinabi ni Cristel.

      " Ahmmmm, Cristine, pretend nga lang ito.  ' sabi ni Shaney. Oooopppsss. . . War on my wedding?? Wag naman!?!?!

       " Paano mo naman nasabi?!? " Mataray na tanong ni Tin at nag-crossed arms pa .

     " Tignan mo nga yung pari? Si papa Oliver ang nandun kaysa yung totoong pari. Pati yung mga guests ay tayo-tayo lang. Wala yung parents. " Explain ni Tel. Totoo naman. . . Hindi nga pari. Si Oliver lang. Bagay siya maging pari. Pero, wag naman. Sayang. . .

      " Oo nga. Wala rin ring bearer, bride's maid, mga ninong at ninang. Hindi naman talaga sila ikakasal for real. Talagang sweet lang si Ranz. ". Sabat naman ni Shaneya.

       " Oo nga noh. Sana ganun din ka-sweet si Ully and Owy sa akin. " Pang-aasume ni Christine.

       Bigla naman siyang binatukan ni Cristel. " Hoy!!! Isa lang dapat. Wag kang timer. Ano ito? Buy 1 take 1 ??"

       " Oo nga. Wag dalawa. Give chance to others ka naman. " Pag-sasangayon naman ni Shaneya.

       " Ayaw ko nga. Akin sila. Walng give chance to others. Manigas kayo dyan . " Sabay belat ni Tin.

       " GUUUYYYSSSS!!!! " Sigaw ko.

       " ANNOOO?!?!?!? "

       " Hindi niyo ba ako aayusan? "

       " Ay oo nga pala. Tara na Avery. " Pag-aaya ni Tin.

       At nag-ayos na ako. Nilagyan nila ako ng belo and light make-up. Binigay narin sakin yung boquet ko. May simple white dress din palang hinabol si Cav. 


       " Oh sis. " Sabay abot ni Cav sa dress. " Nahiram ko kay mommy.  "

      " Thanks baby. " At binigyan ko siya ng kiss sa cheeks.

      " Gusto mo ako na ang maghahatid sayo sa aisle.? " Suggest niya.

     Napangiti naman ako. " Oo naman. "

     Natapos na kaming mag-ayos at handa na akong maglakad sa aisle papunta sa future-pretend husband ko.

*wedding march*

      Nagsimula na akong maglakad. Lahat sila nakatingin sakin. Nakangiti. Ako naman ay hindi mapigilan ang kiligin at ngumiti ng sobra. Ang galing talaga mageffort ni Ranz . Sa sobra niya akong mahal ay gusto na niya akong pakasalan. Sa sobra niya akong mahal ay gusto niyang masiguro na sa kanya na lang talaga ako. Sa sobra niya akong mahal na halos lahat ay ginagawa niya para makita ko na mahal niya talaga ako.

     Nakarating na kami sa unahan at binigay na ni Cav ang kamay ko kay Ranz.

“ Ranz, wina-warningan na kita. Saktan mo si Avery, kamao ko na ang lalaban sayo. Alagaan mo yan. “ pag-babanta ni Cav kay Ranz. Napangiti naman si Ranz sa sinabi ni Cav.

     “ Oo naman future brother-in-law. “

     Ngumiti nalang si Cav kay Ranz. Pagkatapos ay humarap na kami kay Father Oliver.

     “ In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit . Amen. - - - - - You may now kiss the bride. “

     O_O ?? “ HALA!!!!! Ang bilis naman Ver. Nagmamadali-nagmamadali?!?!? Wala man lang yung tanong?!?! Kiss agad wala man lang ' Yes Father, I do'. Ang bait niyo ah? “ ang lakas ng trip nila ah! Hindi man lang ginawang sacred kahit konti itong pretend na wedding namin? Gusto lang makakita ng kissing scene itong mga ito ah. . Lakas tama lang ang peg?

     ” Kailangan pa ba iyon? ” tanong ni Ver. ” Eh alam na naman namin sagot niyong dalawa eh. Kaya kiss the bride na. ”

     ” Oo nga sweetheart. Okay na yun. Kiss na tayo. ” at saby nag pout lips na parang ki-kiss.

     Hinampas ko namang ng malakas si Ranz sa balikat. Sa sobrang malakas ay nasaktan siya.

     ” ARRRRRRRRRRRRAAAAAAYYYYYYYYYY!!!! ” sabi ko sa inyo eh. Malakas yung palo.

     ” Ikaw huh!! Nana-nansing ka na nanaman.  ”

     Bigla naman niya ako hinawakan sa magkabilang braso at nilapit sa kanya.

 ” Hindi naman. Oh, gusto mo ng wedding vows? Oh eto, Avery - - - ”

     ” Wag na yan!!! Nakakasuka lang. Masyadong sweet at cheesy. Mas lalo akong nagugutom. Kiss na!!!! “ pagpupumilit ni Owy. At silang lahat na ay gumaya at sumigaw.

     “ KISS!!!!! KISS!!!!! KISS!!!!!! “

     Humarap ako kay Ranz at biglang nilapat niya ang labi niya sakin. Hinayaan ko nalang. At lahat sila ay naghiyawan.

     “ Woo-hoo!!!! Ayieeee!!!!!! “

Then suddenly, *booooooommmmmmm* tunog yan ng - -

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!