Epilogue

200 11 2

Isang oras na halos tumalon si Ranz sa sapa. Tinawag ko na siya kasi magre-ready pa kami sa party mamaya.

   “ Ranz!!! Ranz!!! Alis na tayo!!!! “   Pero walang sumsagot. Nag-worry na ako. Tinawag ko pa siya ulit. Mas malakas, mas malapit doon sa may sapa.

   “ Ranz!!! Ranz!!!!!! Aalis na tayo!!!! Mag-aayos pa ako!!!!!! “

   Pero wala pa rin nasagot. Medyo lumapit pa ako sa sapa at tinanaw-tanaw siya. Pero, wala parin akong nakita. Kinabahan na talaga ako. Sumigaw pa ako ulit.

   “ RRRAAAAAAAAAANNNNNNNNNNZZZZZZZZZZZZZ!!!!!!! “

   Wala parin. Hindi ko na rin siya makita. Maliit lang naman yung sapa. Natataranta na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nalunod na kaya siya? Kung nalunod nga, gaano na katagal? At ang pinaka nakakatakot na tanong, mabubuhay pa kaya siya? Lalo akong nataranta. Lalo akong kinabahan.

   So I was left with only one choice. Nagtanggal na ako ng top at tumalon sa river. Buti nalang at marunong akong lumangoy. Nasa may gitna si Ranz ng river, lumulutang lang  kaso may kalayuan. Pero kailangan kong kayanin. Kailangan kong gawin. Lumusong pa ako ng pailalim at nakita ko siya sa ibaba. Nang nakarating na ako sa kanya, sinubukan ko siyang gising-gisingin.  

“ Ranz!! Ranz gumising ka!! “ habang hinahampas-hampas ko ang kanyang mukha. Inaalog-alog ko pa siya. Pero hindi na siya nasagot. Kinabahan na talaga ako ng sobra. Hindi na kasi siya nagsasalita.   Dinala ko na siya sa may picnic place namin. Pilit ko parin na ginigising si Ranz.

   “ Ranz!!!! Ranz!!!! Gumising ka Ranz!!!! “ pilit ko parin siyang ginigising. Pero wala parin. Hinawakan ko naman ang pulso niya. Mabuti naman at meron pa pero mukhang mahina na.

   Nagsimula na akong umiyak. Humagulgol.

   “ R-Ran-zz!!! R-ranz!!! Wag mo a-akong iwan-an !!!  “

   Medyo namulat siya at nakita ako. Medyo nabuhayan ako ng loob. Hiniga ko naman siya sa may lap ko at inalog-alog ko siya para hindi siya pumikit. Hinawakan naman niya ang mukha ko.

   “ A-avery. “ Mahina niyang tawag sa pangalan ko.

   Hinawakan ko naman ang kamay niya habang patuloy akong umiiyak sa harap niya.

” R-Ranz.. Ano iyon? Ano gusto mong sabihin? Nakikinig ako. “

   ” M-mahal k-ita A-ve-ry. Sobrang m-mahal kita. Ta-tandaan mo. ” hinuhugot niya ang kanyang buong lakas para masambit ang mga salitang matagal na niyang sinasabi sa akin. Pero sa pagkakataon na ito, natakot ako na baka ito na ang huli ko na maririnig sa kanya ang mga salitang iyon.

   ” O-o Ranz. Oo. T-tatandaan ko iyon. M-m-ma-hal na rin kita Ranz. Mahal na mahal. Please.. Wag mo akong iwan. “ pagmamakaawa ko sa kanya. Nararamdaman ko na unti-unti na siyang nanghihina. Malapit na niyang bitawan ang mukha ko kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Hinalikan ko pa ito.

   ” A-avery, hinhintayin ki-ta ha. Kung may hi-hintayin pa ako. Sa-sagutin mo na-ba ako? ”

   Lalong sumakit ang puso ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Parang hindi ko kakayanin. ” O-oo Ranz. Sinasagot kita. Wag mo lang akong iwan. ”

  Binigyan niya naman ako ng weak smile. Ang huling ngiti na maibibigay niya sa akin kasama ang mga huling katagang iiwan niya sa akin. “ I love you . . “

   At nawalan na siya ng malay. 

   “ Rrrrrraaaaaaaaaaaaannnnnnnnnzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!! “

   Napasigaw nalang ako. Sinisigaw ang kanyang pangalan. Wala akong pakielam kahit mapaos na ako. Wala akong pakielam kung may makakarinig sa akin. Wala akong pakielam kung isipin nila na baliw ako. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hawak-hawak ko siya sa mga braso ko. Umiiyak. Humahagulgol.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!