Chapter 48: Glad to See You Again

124 9 0

" A-austine Castor? Yung pinaka-sikat na manager ngayon? " Mautal-utal ko pang sinabi. Hindi ako makapaniwala. Ang pinaka-sikat na manager sa balat ng lupa ay kinakausap ako!! Yiiieee!!!

Ah haha! Ako nga iyon.

" Ah b-bakit po kayo napatawag? Saan niyo po nakuha ang digits ko?"

Nakuha ko ito kina Kathryn at Daniel. At napatawag ako dahil sa performance mo kanina with Francis.

Ah ito ata yung sinasabing tatawag sa akin nila Kath at Daniel.

" Ah bakit po? May mali po ba? Nababoy ko po ba yung kanta? Naku sorry po. Sorry kung - - "

Hindi hindi. Infact, you were good. Magaling kang kumanta. At bagay kayo ni Kiko. Bagay kayong ilagay sa isang show.

Nagtititili naman ako sa tuwa. Talon ng talon sa saya. Narinig ko pa ngang tumawa ng konti si Austine.

" Ah salamat po. Ah ano pa po bang gusto niyong sabihin? "

Pwede ka pa bang lumabas ngayon for dinner or coffee or something? Papakilala ko rin sayo ang iba kong hinahawakan para maging close narin kayo. And also magsa-sign ka ng contract for documental purposes.

" Ah okay po. Mga 8:30 po? "

Sure. Dito sa Midnight Cafe okay?

" Ah okay po. Sure. Thank you po. "
Okay. See you

At binaba ko na yung phone. Excited much ako sobra. Kasi lahat ng hinahawakan niya ay sumisikat. Since gusto kong mag-try ng bago eh why not try acting. And I'm sure na sisikat ako kapag si Austine ang magiging manager ko.

So medyo nag-ayos ako ng konti at pumunta sa cafe. Mga saktong 8:30 ay nakarating na ako. Nakita ko naman si Austine at may mga kasama siya. Nung natanaw niya ako, tumayo siya at sinalubong ako ng handshake.

" Oh hi. Wow you're gorgeous kapag malapitan. Glad to finally meet you. " Oopppsss! ! Shy alert! Haha! Ang bait niya. Ang cute! Kamukha ni Austine Mahone. Kahit naka pants and fitted shirt ay bagay sa kanya. And hmmmm . . . . Ang bango!

" Ikaw rin po. Nice to meet you rin po. " At bumitaw ako sa shakehands niya. Ang lambot! !

" Great! Tara sa table at ipapakilala kita sa mga hinahawakan kong mga talents. "

Tumango naman ako at sumunod sa table nila.

" Ah guys this is Avery. Yung kinikwento ko sa inyo na nakita ko kanina sa SM. Avery, this is Jerome Ponce. Si Luke ng Be Careful With my Heart. Si Julia Montes. Siguro kilala mo na siya. And Ranz Kyle from the group of Chicser. D'ba magkakilala naman kayo? " Sabi niya as he introduced them one by one.

Hindi naman din ako nagulat na nandito si Ranz. Alam ko naman na may magaling na manager na humahawak sa kanya pero I didn't know na si Austine pala ang pipiliin niya rather than his father. Oh well.

" Ah yes. Magkakilala kami. " Cold kong pagkakasabi. Binigyan ko siya ng cold stare. Umiwas naman siya ng tingin at uminom nung kape.

" That's great! I'm sure you'll get along just fine. " ay naku. I wish kuya Austine na mage-get along kami. Siguro kila Jerome at Julia oo. Pero kay Ranz? Bahala na.

Umupo naman ako sa tabi ni Julia. Grabe she's so pretty. Nakakatomboy. Haha! : ) Nasa harap ko naman si Jerome at sa may right niya si Ranz.

" So, pinapunta ko ngayon si Avery kasi may ipo-propose akong deal. " panimula na sinabi ni Kuya Austine. May nilapag naman na carbonara yung babaeng waitress sa harap namin. Nauna nang lamutakin ni Jerome yung carbonara.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!