Chapter 1: Mr. Ranz Ongsee

533 12 0

Halos sa inaraw-araw kong pagpunta sa mall, madalang na madalang ang may mangyaring kakaiba. Kaya nga ako umaalis ng bahay dahil gusto kong mag-explore and see new things but something tells me na hindi sa mall ang tamang lugar para doon.

Naglalakad-lakad lang ako habang pinagpapantasyahan muli ang idolo kong boygroup, Chicser.

Naalala ko ang mall show nila dito. Sa totoo lang, napapadalas sila dito dahil taga-rito ang isa sa kanilang kamiyembrong si Ranz Kyle.

Minsan nakikita ko sa FB na pictures kasama si Binyel dito sa mall. Marahil nag-gagala at naghahanap din ng thrill sa buhay niya. Naiinggit ako syempre kasi madalas na nga ako dito sa mall, di ko pa siya nakakasalubong. Pero mukhang narinig ako ni tadhana at agad na tinupad ang gusto ko.

Naglalakad-lakad ako sa may Cyberzone ng SM ng may nakasalubong akong isang lalaking medyo weird ang porma. Naka-jacket siya na leather at may scarf sa leeg na natatakpan ang bibig niya hanggang ilong. Binagayan naman niya ito ng shades at sumbrerong hawig kay Bruno Mars

" Parang namumukaan ko siya. " 

     Sabi ko sa sarili ko at nilingon lingon pa nga. Sa sobrang lakas ng kutob ko na parang kilala ko siya,kaya sinundan ko. Naglakad ako ng mabilis hanggang sa magkapantay na kami. Tinitigan ko siya at arealize naman kung sino siya at napasigaw.

 " Ahhhhhhh!!!!!!! Si Ranz!!!!! Si Ranz ng Chicser nandito!!!!!!! " Pasigaw kong sinabi na halos himatayin sa saya at tuwa!

     Si Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee!! Yung pinaka-singkit at maliit sa group na Chicser nandito sa mall? At nakita ko siya ng malapitan!!

     Bigla naman lumingon yung guy, napatakbo sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nagsorry naman siya sa mga nakapaligid samin.

    " Please miss. Wag kang maingay. Takas lang ako sa mga guards ko. Please wag kang maingay. " Bulong niya sa akin habang tinatakpan parin niya ang bibig ko.

     Tumango nalang ako habang kinikilig narin. Hindi ako makapaniwala. Ang pinaka-gwapo sa lahat ng members ng chicser ay nandito sa harap ko at kinakausap ako. Tinanggal naman niya yung pagkakatakip sa bibig ako.

     " Anong ginagawa mo dito Ranz? Dba delikado kasi mag-isa ka? Buti walang nakakahalata sayo. Pero at least ako nahalata kita. #1 fan mo kasi ako eh. Pedeng pa-autograph? " Ang kulit kong mga tanong sa kanya.

     Kaso, hindi siya sumasagot at mukhang may hinahanap. Sino kaya?

     " Sinong hinahanap mo Ranz? Nandito lang naman ako." Sabi ko naman sa kanya.

     Nang walang anu-ano'y " Tara samahan mo ako sa sinehan. " Hinila niya yung kamay ko at pinasunod sa kanya.

     Syempre, kinikilig naman ako. Eh sino ba naman ang hindi? Ang hawakan ng guy of your dreams ang kamay mo. Saan kaya niya ako dadalhin? Sa happily ever after with him?? Oh my gosh Avery!! You're so lucky!!

      Pumunta naman kami sa Cinemas at dumiretso sa may ticket booth. 

       " Miss, dalawang ticket. "

 Sabi niya sa cashier.

      " Date? Girlfriend mo? " Tanong naman ng chismosang cashier.

      " Hindi po. Friends lang. " Maikling sagot ni Ranz.

      " Ah... Eto oh. Enjoy!! " At inabot kay Ranz yung ticket. Pumasok na kami sa sinehan.

     Nung nilibre niya ako ng ticket sa sine, nagpipigil akong kiligin . 

     Ang iniisip ko, DATE. Na ang matuturing kong first date ay si Ranz. Sobrang lucky ko naman. Kilig to the bones na to the highest level.

     Pumasok na kami at pumuwesto sa likod ng isang parang couple.

     " Ah Ranz, bakit mo ako inaya dito? May gusto ka na ba sa akin? Parang ang bilis naman. ". Kinikilig at wala kong hiya na tanong kay Ranz.

    " Ssssshhhh... Sinusundan ko girlfriend ko. " Pagpapatahimik niya sa akin.

     Reaksyon ko naman: O_O may girlfriend si Ranz? Wala naman siyang nababanggit ah? Late na ba ako sa mga balita? Naku!!! Maglaslas na!!!!!

     Habang tulala pa ako sa sinabi niya, napansin ko na biglang inakbayan nung guy yung girl at nagrest naman ng head yung girl sa arms nung guy. 

     At kung hindi ako nagkamali, naghalikan na ata sila. Umalis nalang bigla si Ranz kaya hinabol ko siya.

     " Ui!!! S-saan ka p-pupunta huh? Iwanan sa ere sa first d-date natin? " Hinihingal kong tanong na galing sa takbo dahil kakahabol sa kanya.

     Nung lumingon siya ay napansin ko na parang naluluha siya. Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. 

      Hanggang sa nakayanan na niyang magsalita.

     "  P-pwede ba muna ako sa bahay niyo? "

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!