100th

26.3K 377 76
                                    

Agad-agad ginising ni Karylle si Vice para ibalita ang lumabas ng resulta sa pregnancy test na ginawa niya. Hindi pa man todo gising ang diwa ni Vice, sobrang nataranta na siya o nabigla basta hindi niya alam ang gagawin niya. Kinalma siya ni Karylle.

Karylle: Vice, relax.

Vice: Eh ano bang gagawin? *napapapikit pa*

Karylle: Naintindihan mo ba ang sinabi ko?

Vice: *napaupo sa kama at napakamot sa ulo* Ano bang sinabi mo?

Karylle: Baby, I think I'm pregnant again.

Vice: Ahh.. Magkaka-baby na tayo ulit.

Natatawa si Karylle kasi sobrang bangag pa talaga si Vice. Kaya hinayaan na lang muna siya ni K na matulog ulit. Nang magising itong muli, sinabi na ulit ni Karylle ang magandang balita. Grabe tuwang tuwa si Vice. Niyakap niya si K at hinawakan muli ang tiyan nito.

Vice: Baby, ako si daddy. Sana maranasan mo ang buhay dito kasama namin. Kaya pakatatag ka ha. Your mommy and daddy are waiting for you. Huwag ka na mawawala ha. We love you.

Tinawagan ni Karylle ang doctor niya. Sinabihan siyang huwag na masyadong mag-alala, pumunta na lang sila sa clinic nito sa susunod na araw.

Nang makapagpa-check up sina Karylle sa doctor, binantayan nilang maigi ang kalagayan ng baby at siyempre ang kondisyon din ni K.

...

Sa awa naman ng Diyos walang nagiging problema bukod lang sa pagbabago na nararamdaman ni Karylle. Pagbabagong hindi kaaya-aya para kay Vice.

Karylle: Vice, do'n ka na nga. *masungit at iritable*

Vice: Bakit na naman?

Karylle: Ambaho mo kasi! Ayoko ng amoy mo.. *tinakpan ang ilong*

Inamoy naman ni Vice ang sarili niya, kaliligo lang naman niya ng mga oras na 'yon at ang tanging naaamoy niya lang ay ang fabric softener sa damit niya.

Vice: Di naman mabaho ha. Ambango ko nga 'tsaka inaantok na rin ako, K.

Karylle: Sa labas ka na lang muna matutulog. Nahihilo talaga ko sa amoy mo?

Vice: Bakit ano bang naamoy mo sa akin? *nawiwirdohan na*

Karylle: Ewan! Basta lumayo ka muna sa akin.

Lumabas si Vice na bitbit ang isang unan at kumot. Sakto namang lumabas din ng kwarto si Donna.

Donna: Sa'n ka pupunta?

Vice: Sa sofa, matutulog *medyo inis na*

Donna: Bakit?

Vice: Ewan ko kay K. Ako lagi pinagtitripan.

Donna: Hahaha. Baka ayaw niya lang maging kamukha mo ang anak niyo.

Vice: Bwisit! Isa ka pa!

Donna: Hahaha. Dito ka na lang sa kwarto ko matulog, ako na lang sa sofa.

Vice: Wag na nakakahiya naman sa 'yo. Kainis! Ako ang may-ari ng bahay na 'to, pero ako ang walang matulugan.

Pumunta na si Vice sa sofa at doon na nga natulog. Halos gabi-gabi ng ganoon kaya araw-araw din siyang inaasar ng mga kaibigan niya. Mayroon pang magpapabili si Karylle ng mga pagkain, itatawag niya pa ito kay Vice pero kapag nandiyan na, hindi naman niya kakainin. Sobrang moody din si K. Masungit na sobrang hirap pakisamahan... pero iniintindi na lang nila dahil nga buntis ito. Tumagal ang delubyo ni Vice na 'yon ng halos tatlong buwan. Nang bumalik ito sa dati, sobrang saya ni Vice kasi sa kama na ulit siya nakakatulog.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now