Updated

27.3K 265 29
                                    

Sa parking lot, pagkababa ng sasakyan...

Vice: Anong problema, Karylle? *mabilis na sinusundan si K* Ba't di mo na naman ako kinakausap?
Karylle: Palagay ko naman, wala sa 'yo kung di kita kausapin.
Vice: *naglakad ng mabilis para unahan si K at huminto ito* Magtatanong ba 'ko kung anong problema kung di ako apektado?

Nakatingin lang si K.

Vice: K, sabihin mo ang problema kasi hindi ko alam kung ba't ka nagkakaganyan. Hindi rin ako marunong manghula o magbasa ng isip ng tao.
Karylle: What about your instagram with Solenn?
Vice: O.. Ano bang meron do'n? Di naman ako nag-post no'n. Si Anne.
Karylle: Ayaw mo siyang pauwiin ha.
Vice: *kumunot na ang noo* K, unang beses ko pa lang nakilala si Solenn that night. Besides party ko 'yon. At alam mo naman lahat ng nangyari do'n di ba?
Karylle: Oo lahat except na masaya kang makilala si Solenn at ayaw mo pa siyang pauwiin. *naglakad ulit at binangga sa balikat si Vice* I bet, masaya ka rin with Liz that night.
Vice: Jusko naman, Karylle *medyo malakas na ang boses* Ano bang gusto mo, iwasan ko sila? Wag pansinin? Dedmahin?
Karylle: *lumingon kay Vice* Bakit may sinabi ba ko?
Vice: Nagseselos ka sa kanila? *lumapit kay K* Baby, ikaw lang ang mahal ko.
Karylle: I know that. But the idea of you flirting with other men or women... Vice, I can't handle that.
Vice: Flirting?? Nakipagkaibigan lang ako at umakbay, flirting na agad?
Karylle: As if naman di kita kilala noon pa.
Vice: Ano?! *medyo nainis* Simula na maging tayo, hindi na ko tumitingin sa iba. At K, hindi porket girlfriend kita hindi na ko pwedeng makipagkilala sa iba. Mahal kita. Pero hindi pwedeng 24/7 tayong dalawa lang ang magkasama.
Karylle: Fine.

Tumalikod si Karylle at lumakad ng mabilis.
Napabuntong hininga si Vice at sinundan pa rin niya si Karylle. Sabay pa rin sila pero hindi sila nagpapansinan.

Sa harap ng pintuan ng unit ni K, habang binubuksan ni Vice ang pinto...

Karylle: You should go home.
Vice: Ayaw.
Karylle: Vice... Wag na muna ngayon, please. Wala ako sa mood makipag-argue pa.
Vice: Wala naman akong plano makipag-argue. Dito lang ako kahit di mo ko pansinin. *binuksan ang pinto at pumasok* Na-miss kita kahit inaaway mo ko.

Pagpasok ng bahay nila, hindi pa rin nagsasalita si Karylle. Inayos lang niya ang mga gamit niya. Si Vice umupo lang sa harap ng tv at naghanap ng mapapanood.

Maya-maya hindi na rin nakatiis si Karylle, nilapitan na niya si Vice at tinabihan ito sa sofa.

Tumingin si Vice kay Karylle.

Vice: Galit ka pa?
Karylle: Naiinis ako sa 'yo.
Vice: Possessive ka na sa 'kin.
Karylle: Kasalanan mo 'to.
Vice: Sige na *yumakap kay K* sorry po. *Chichay tone*
Karylle: Nope, let's settle this.
Vice: *niyakap na lalo si Karylle* Okay.
Karylle: Di ako natuwa pagkakita ko ng picture mo with Solenn. Siguro kahit ikaw...
Vice: Pero wala lang 'yon para sa akin. Natutuwa lang ako sa kanya.
Karylle: I know.
Vice: Eh bakit ganyan ka?
Karylle: Kasi nga apektado ako.

Humiga si Vice sa lap ni K. Huminto naman si Karylle at tinignan lang si Vice.

Vice: Sinabi ko na sa kanila na ikakasal na tayo.
Karylle: Ano? Eh paano kung malaman sa trabaho natin 'yan?
Vice: Don't worry mapapagkatiwalaan naman ang mga 'yon. Tried and tested ko na lalo si Anne.
Karylle: Babe... *medyo hindi naging komportable*

Vice: *hinawakan ang mukha ni Karylle* Gusto ni Liz maging stylist mo. *biglang bumangon at humarap kay Karylle* Excited sila para sa akin. Si Solenn natuwa ng sobra dahil hindi niya raw akalain na totoo pa lang pwedeng magpakasal ang mga baklang tulad ko. Gusto nga niyang maging wedding planner natin. No'ng magkayakap kami sa picture, sobrang masaya lang sila for me. Mabait si Solenn, barkada material. Si Anne naman gustong maging maid of honor mo pero alam naman daw niya isa sa mga kapatid mo ang pipiliin mo.

Karylle: So the whole conversation was just about our wedding?

Tumango lang si Vice.

Vice: *tumango si Vice* Napakaselosa mo kasi! *niyakap si Karylle na may halong panggigil* Na-miss kita... super!!!

Karylle: Na-miss din kita.

Vice: Totoo?

Karylle: Totoo.

Vice: Kiss nga? *pout*

Hinalikan naman ni Karylle si Vice.

...

Bago tuluyang kumalat ang balita sa karumaldumal na sinapit ni Vhong Navarro noong January 22, dumalaw sina Billy, Coleen, Ryan at Teddy sa Ospital. Hindi pa noon sumabay sina Vice at Karylle dahil nasa gitna sila ng kanilang projects. Kinabukasan nagpasyang pumunta naman sa ospital ang loveteam kasabay na sina Anne, Direk Bobet, Laurenti Dyogi at Kuya Kim. Nang marinig ni Vice ang buong kwento, nanghina siya na nalungkot at naawa para sa kaibigan. Si Karylle naman napasandal na lang kay Vice.

Mag-gagabi na ng nakaalis sila.

Nang malapit na sina Vice sa condo ni Karylle may bigla siyang naisip.

Vice: K...

Karylle: Hmm? *tumingin kay Vice*

Vice: Dito na rin kaya ako tumira?

Karylle: Ano?!

Vice: Eh kasi naisip ko, mag-isa ka lang dito. Hmm... Baka mapano ka rin.

Karylle: Vice, don't worry. Matagal na 'ko dito at wala pa namang nangyayaring masama kahit sa mga kapitbahay ko.

Vice: Hihintayin pa ba natin na may masamang mangyari?

Pumasok na ang dalawa sa unit ni Karylle.

Karylle: Hindi kasi tayo pwedeng magsama sa ngayon, Babe.

Vice: Dahil?

Karylle: Kasi hindi pa tayo kasal. *hinawakan ang mukha ni Vice*

Vice: Pero Baby, hindi ko maiiwasan mag-alala sa 'yo. Lalo na pag wala ako dito, kapag nasa malayong lugar ako. Mamaya umuwi ka tas may mga gano'ng insidente tapos madamay ka pa.

Karylle: Huwag ka ngang paranoid, Vice.

Vice: Anong 'wag paranoid?! Naku, K pag may nangyari sa 'yong masama sinasabi ko sa 'yo, di ko kakayanin. Hindi ko mapapatawad  ang sarili ko lalo na kung wala akong nagawa para sa 'yo.

Karylle: Babe... Don't worry. I'll make sure, I'll always be safe.

Vice: Dahil diyan, dito muna ko matutulog.

Karylle: Maaga ang call-time natin bukas, Vice.

Vice: Ehh gigising na lang ako ng mas maaga para umuwi. Pero di mo ko mapipilit na iwan ka ngayong gabi. Sasamahan kita.

Dumiretso na sa kwarto si Vice tulad lang ng kadalasan niyang ginagawa sa bahay ni Karylle. Natutuwa naman si K sa concern ng boyfriend niya sa kanya. Sa ganoon kasi mas lalaki pa siya sa ibang pa-macho.

[Hey guys, sorry for this late update. I've been too busy these past few days/weeks. Sobrang mabibitin kayo dito, I know, but I hope makatanggal din ito ng boredom niyo kahit saglit lang. Thank you sa lahat ng bagong nag-follow sa akin lalo sa twitter. Thank you sa patuloy na pagbasa ng The Irony. Nalalapit na ang pagtatapos nito kaya sana huwag kayong magsawa. Salamat muli. Happy weekend! :)]

to be continued...

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon