Fun Size M&Ms

35.9K 206 17
                                    

Nang makauwi na sina Karylle at Vice ay kanya-kanya na ulit sila ng agenda. Rumampa si Vice kasama ang mga kaibigan niyang bakla. Si Karylle naman may mga sariling lakad din kasama ang ilang kaibigan. Masaya naman sila during the holidays dahil nakakasama nila ang mga importanteng tao sa buhay nila.

January 1: NEW YEAR

Magkasama sina Vice at Karylle. Si K naman ang sumama sa pamilya ni Vice. Personal ng nakilala ni K ang mga kapatid ng kanyang boyfriend, mga pamangkin at ilang parte pa ng kanilang pamilya. Masaya sila. They watch some fireworks. Tapos todo party ang pamilya nila at sobrang gulo talaga. Medyo naninibago si Karylle sa ganoon pero masaya naman silang makasama. Kahit natulog si K sa bahay nila Vice ay hindi pumayag si Nanay Rosario na magkatabi sila nito kaya natulog si K sa kwarto ni Vice ng mag-isa. 

Kinabukasan naman ay sinamahan ni Vice si K para puntahan din ang daddy niya. Kumain sila ng Lunch. Nag-malling at kahit paano, kahit nakakailang ay medyo nagkagaanan na rin naman ng loob sina Vice at Daddy Modesto. 

Balik Showtime na.

Sa Sine Mo 'To New Episode:

Kinailangan ni Anne humanap sa madlang pipol ng isang lalakeng gwapo, matipuno at marunong kumanta. Sa pag-iikot niya napansin naman niya ang isang pamilyar na lalaki. Natawa siya at nilapitan niya ito.

Anne: Hi, what's your name?

Tumawa ng malakas sina Jhong, Vhong at Billy tapos ay inasar si Vice. Napatingin na rin si Vice kay Anne at pormal na tumingin sa madlang pipol. Hindi na rin nag-react si Karylle, hinawakan niya na lang si Vice.

Madlang Lalaki: Jason.

Anne: Hi Jason, nice to see you again. 

Vice: *sumingit* Anne, bagong taon na bagong taon ha.

Anne: *natatawa* I know J, you can sing. Will you give us a sample?

Jason: Sure.

If I was the one who was loving you, baby.
The only tears you'd cry would be tears of joy.
And if I was by your side,
You'd never know one lonely night
And if it was my arms you were running to,
I'd give you love in these arms of mine.
If I was the one in your life.


Kinilig si Anne sa pagkanta ni Jason. Napangiti rin si Karylle kasi gwapo talaga siya kumanta. Medyo uminit ang ulo ni Vice pero hindi na lang niya ito ipinahalata. Nakuha si Jason bilang madlang artista.

Mula nang mapunta sa stage, si Vice ay medyo naging tahimik. Nakaisip pa ng pang-asar si Billy.

Billy: Pagsampa naman ng madlang singer ay lalapit siya kay K para mag-duet at dapat sweet. 

Pagkarinig ni Vice noon ay napikon siya lalo pero dahil kailangan hindi niya iyon ipahalata ay pinigilan niya ang sarili niya at umupo na lang muna siya kasama si Teddy, na medyo nakakapansin ng apektado si Vice.

Teddy: *walang mic* Kuys, trabaho lang 'to.

Vice: Ayos lang ako, Teddy.

Teddy: Pumuporma pa ba?

Vice: Ayan... *medyo masungit ng sagot*

The Irony -=ViceRylle=-Kde žijí příběhy. Začni objevovat