Special Snapback

39.6K 283 4
                                    

Nagpunta sa mall ang bagong love team ng bansa.


Naglibot sila as typical na magboyfriend. Holding hands while walking pa ang peg. Wala silang pakialam kahit pinagtitinginan sila ng mga tao.


Kumain sila sa ordinary fast food.


Nag-window shopping. Pag medyo di mapigilan napapabili na rin.


Tumingin ng bags si Karylle sa ibang stores.
Tumingin din ng accessories si Vice.

Pumasok sila sa Victoria Secret.
Nagsukat rin si Vice ng sexy lingerie at sobrang tinatawanan ni K pagpasok nito sa dressing room.

Nagtingin sa Mango.
Nang may nakitang magandang top and pants si Karylle, bibilin na sana niya kaso lang medyo nanghinayang siya, kaya naman binalik ito ni Karylle.

Karylle: tara na, babe.

Hinanap ni Vice 'yong binili niya.

Vice: nasa'n na 'yong binili mo?
Karylle: di ko na kinuha eh. Sayang.
Vice: ha?? Bakit naman sayang?
Karylle: may nabili na 'ko for today eh. Di practical kung bibilin ko pa 'yon.
Vice: nagititipid ka ba, K?
Karylle: di naman. Ayoko lang bumili ng basta-basta. Sa susunod ko na lang kukunin 'yon.
Vice: ang weird..
Karylle: tara na, Pogi.
Vice: eh teka, di mo talaga kukunin 'yon?
Karylle: next time na, tara.

Lumipat sila sa kabilang store.
Tingin tingin lang.

Habang naglalakad, napadaan naman sa Me & U shop sina Vice and K.
Natuwa silang pareho kaya pumasok sila.

Karylle: baby, bili tayo ng couple shirt. *smile*
Vice: bet ko yan, baby.

Nakatingin sa kanila ang mga sales lady.
Napansin din sila ni Vice.

Vice: mga ate, ahmm gusto niyo po ba magpapicture?
Sales Lady: okay lang po ba?

Napalingon na si Karylle tapos tumingin siya kay Vice.

Vice: sige po, wala pong problema.

Tumili pa ang ilan nang lumapit kina Karylle.
Napayakap 'yong isa kay Vice.

Picture. Picture.

May isang medyo sexy at cute na tumabi kay Vice.
Tapos sumunod din 'yong isang medyo matangkad at maputi na tumabi rin kay Vice.
Kahit hindi naman ito pansin ni K ay umiwas na lang si Vice sa dalawa at tumabi sa gilid ni Karylle.

Picture. Picture.

Nang matapos ang mini fans day ay nagtingin na ulit sila.

Vice: babe *hawak ang orange na shirt with cute print* cute 'to oh..
Karylle: ayy oo nga. May size kaya tayo?
Vice: tanong ko.

Tumingin si Vice sa babae na medyo sexy na tumabi sa kanya kanina. Lumapit ito agad.

Sales Lady: sir, may kailangan po kayo?
Vice: Meron ba kayong medium size nitong sa pang boy na ganitong shirt. Tapos sa girl ay, ahmmm small.
Sales Lady: check ko po saglit lang po. *flirty smile*

Nawirdohan si Vice.
Maya-maya bumalik na 'yong sales lady at binigay na ang t-shirts.
Sukat. Sukat.

Sakto! :)

Karylle: bilin na natin 'to, Vicey.
Vice: yes, baby.. *nakatingin sa jewelries*

Napatingin na rin si Karylle.

Kinuha ni Vice, yung necklace na magpartner na piece ng Puzzle.

Vice: baby, nagsusuot ka ba ng ganito?
Karylle: oo naman. *hinawakan din ang necklace* this is nice, Baby.
Vice: okay, add this to cart haha. *kuha sa necklace*
Karylle: *tinignan ang tag* (O.O) woah, ang mahal naman yata nito, baby!
Vice: keri lang, kurba.. Wag ka na masyadong mag-worry ngayon lang naman tayo nagshopping ng ganito. *hawak sa pisngi ni K.*

Si Vice ang nagbayad ng lahat ng binili nila sa Me & U.

Dahil medyo pagod na sila, dumaan muna sila para magmirienda sa Krispy Kreme. Umorder sila ng Chillers and Donuts.

Habang hinihintay pa nila ang Chillers, nagpaalam muna si Vice na mag-CR.

...

Bumalik si Vice sa Mango at binili ang mga damit na di tinuloy kunin ni Karylle.

Pagbalik niya, may dala na siyang paper bag at nakita ito agad ni Karylle.

Vice: for you. *smile. Abot ng paper bag*

Hindi na tinignan ni K 'yong laman kasi alam naman na niya 'yon.

Karylle: Vice, thank you but you don't have to do this.
Vice: eh kasi naman, alam ko gusto mo yan. *inom ng Chiller*
Karylle: pero baby, we have to be practical. Pwede ko naman balikan 'to sa susunod.
Vice: pa'no kung wala na yan sa pagbalik mo? *pumipili ng kakainin sa box ng donuts*
Karylle: oh di iba na lang bibilin ko.
Vice: oh di, hindi mo nakuha yan. *kagat sa donut*
Karylle: pero... *di na natuloy ang sasabihin dahil natawa siya sa pagkain ni Vice, ang kalat kasi haha.*
Vice: bakit? >.<

Pinunasan ng tissue ni K ang gilid ng bibig ni Vice.

Karylle: haay naku, Vice... Di ko alam kung ganyan ka na ba talaga oh ano eh.. Hahaha.
Vice: ba't mo ba ko tinatawanan? >.< *kagat ulit sa donut*
Karylle: wala... Nakakatuwa ka lang tignan. *punas ulit sa bibig ni Vice* I love you.
Vice: I love you too. *inom ulit ng Chiller* kain ka na diyan, wag mo na ko tawanan.

Sinubuan na lang ni Vice si Karylle, ang daldal din kasi haha.

Gabi na nung ihatid ni Vice si Karylle sa Condo.

Vice: una na 'ko ha..
Karylle: agad?
Vice: oo baby, napagod ako.. Pero super nagenjoy ako. *hug sa bewang ni K.*
Karylle: ako rin *kurot sa pisngi ni Vice* oh sige... Uwi ka na.. Ingat sa pagdrive ha. At tawagan mo ko agad sa pa-uwi mo.
Vice: okay.

Nasa tapat na ng elevator si Vice ng humabol si Karylle.

Karylle: Vice, forgot to give you this *bigay ng maliit na paper bag*
Vice: para saan 'to? (O.o)
Karylle: wala lang. Basta binili ko rin yan for you kanina.
Vice: uyy bumabawi haha. *yakap kay Karylle* thank you.
Karylle: hindi ha. Nabili ko na yan bago mo pa bilin 'yong sa damit ko. :p
Vice: haha, ganun ba?

Pagbukas ng elevator. Tumingin si Vice kay K.

Vice: uwi na ko ha. Bye. *kiss sa cheek ni K.*
Karylle: ingat ka.
Vice: salamat dito *angat nung maliit na paper bag*
Karylle: welcome. *smile*

Sumakay na si Vice sa elevator at umuwi na.

Pagdating ni Vice sa bahay, sa kwarto niya, binuksan niya agad ang bigay ni K. Na-touch siya kasi customized Snapback ang laman nun, with VK initials.

Tumawag siya kay K at sobrang nagthank you sa binigay niya.

Sinuot niya rin 'yon agad kinabukasan sa Showtime at ginamit niya pa rin 'yon sa taping niya sa GGV. :)

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now