Best of Friends

39.9K 288 2
                                    

Dahil sa pagkakasabay sabay ng schedule ni Vice, hindi naman maiiwasan makaramdam siya ng pagod. Buong araw siyang nagtatrabaho. Wala munang gala at lambingan session with his girlfriend. Mula umaga hanggang umaga na ulit halos kinabukasan, abala siya para sa nalalapit na concert niya.Todo effort para sa lahat ng nagmamahal at tumatangkilik sa kanya.

...

Sa DR ng showtime boys, pagpasok nina Billy at Teddy nakahiga sa sofa si Vice at tulog na tulog.

Billy: *mahinang boses* teka, ba't ang aga neto? *turo kay Vice.*
Teddy: *sumagot na mahina rin ang boses* baka may TV guesting yan kaninang umaga.

Naawa naman si Billy kay Vice kaya binigay niya yung mini pillow niya rito tapos si teddy naman kinumutan siya ng jacket para di lamigin.

Billy: tara labas muna tayo, kuys baka magising siya.
Teddy: mabuti pa nga.

Sa labas naman ng DR dumating na maingay sina Ryan at Jugs.
Sinita muna ni Billy ang mga ito.

Jugs: oh ba't nasa labas kayo?
Billy: *mahinang boses* wag muna kayo masyadong maingay kasi tulog na tulog si Vice sa loob.
Jugs: si Vice, tulog? Wow.
Teddy: *mahina rin ang boses* oo nga eh. Kakaiba, kaya medyo naawa kami nitong si Billy kasi halatang di pa natutulog yun, himbing na himbing eh.

Maya-maya dumating na si Vhong. Sinabi na rin nila na tulog nga sa loob si Vice.
Sumilip si Vhong.

Vhong: tara sa DR muna tayo nina Anne.

Pagpasok nila, nandoon na si Anne pero wala pa si Karylle. Nanggulo sila doon.
Maya-maya dumating na rin si Karylle at nagulat ito sa sobrang daming tao sa DR nila ni Anne.

Karylle: fiesta dito ha.
Anne: naku girl, nakikigamit muna sila ng dressing room.
Karylle: ba't anong meron sa kabila?
Billy: tulog yung partner mo.
Karylle: partner?
Billy: si Jose Marie.
Karylle: si Vice nakatulog dito?? O.o
Anne: girl, yan bang si Vice ay nakakapahinga pa?
Vhong: chaka parang di pa nagrerehearse yun para sa prod niya sa showtime.
Anne: sa friday na concert niya Vhong siyempre uunahin niya yun.

Hindi nakapigil si K kaya lumabas muna siya para puntahan si Vice. Pagbukas niya, tulog nga ito. Lumapit siya at umupo sa tabi niya. Sakto naman nagising si Vice at parang naalimpungatan kaya bumangon ito agad. Nahulog yung pillow at jacket.

Vice: uyy K! *pupungas pungas pa*
Karylle: okay ka lang ba? *hinawakan siya sa likod*
Vice: wala pa sila? Anong oras na ba? *tingin sa relo*
Karylle: kanina pa sila nasa dressing room namin. Di na sila dito pumasok at alam nga nilang puyat na puyat ka.

Biglang yumakap si Vice kay Karylle. Yumakap din si K.

Vice: baby...
Karylle: hmm?
Vice: sorry...
Karylle: para san?
Vice: kasi di na kita nabibigyan ng time. Tagal ko pa nakatulog.

Bumitaw si K.

Karylle: baby, okay lang. Naiintindihan ko. Kumain ka na ba?
Vice: di pa :( kasi 2am na ko nakauwi tapos may call time ako kanina ng 7am. Pagpasok ko dito natulog na lang ako.
Karylle: haay... sige. Bibilan na lang muna kita ng breakfast.

Yumakap ulit si Vice.
Biglang may kumatok at naglayo sila bigla.
Sumilip ang mga boys.

Billy: uyyyyyyy... Sabi na eh. Sabi na nga ba.
Vhong: uyyy ano 'to ha. Totohanan na ba ang Vicerylle?
Vice: Grabeee.... Dumaan lang si Karylle, kami na agad.
Vhong: oh may sinabi ba kaming, kayo na?
Vice: naku kayong dalawa ha...
Billy: yikee.. *Tumabi kay Vice* yung totoo kuys, ano ng lagay?
Karylle: wala nga Billy. Grabe talaga 'to. Pinupush talaga... With force.

Natawa sila.
Sumandal si Vice kay Billy.

Billy: ba't low batt ka ngayon, vicey?
Teddy: oo nga sobrang di kami sanay.
Vice: kahit kabayo napapagod din paminsan minsan.
Karylle: sige labas muna ko.
Billy: oy K, sa'n kiss mo kay Vice?
Karylle: mamaya na. Haha.
Boys: ayieeehhh.

...

Moment ng hosts.

Vice: uyy, saglit lang. Gusto ko lang sabihin 'to talaga live.
Billy: ano yun, kayo na ni Karylle?

Madlang Pipol: ayieeehhh...

Karylle: ayan ka na naman, bully crawford!
Vice: oy saglit lang naman. Seryoso 'to..
Anne: sige, ano 'yon, girl?

Vice: di kasi kanina sa dressing room, nakatulog nga ako kasi napagod kakatakbo ang kabayotapos nung pagtayo ko sa sofa, napansin ko nandun yung pillow ni Billy at naka-kumot yung jacket sa 'kin ni Teddy.

Nakangiti naman sina Teddy at Billy.

Vice: sa totoo lang na-touch ako kasi nung natulog ako wala naman akong kahit na ano sa katawan, damit lang syempre, basta lang nakatulog ako sa sofa tapos pag gising ko may unan na ko at nakakumot na sa akin ang jacket ni Teddy.

Teddy: hindi actually una kasi kami ni Billy dumating kanina. Nakita ka namin tulog na tulog. Nilagyan ka ni Billy ng pillow tapos naisip ko na rin na kumutan ka kasi di ba last week lang nagkasakit ka.
Anne: ayy ang sweet.

Lumapit si Vice sa dalawa at niyakap ito ng mahigpit.

Billy: di kasi madlang pipol, first time ko nakita si Vice talaga na ganun as in tulog. Alam ko puyat siya, eh yun lang naman mabibigay ko na comfort sa kanya. Kaya yun.
Vice: oy pero seryoso sobrang na-touch ako. *Naluluha na.*
Anne: ayy naiiyak na si Vice.

Vice: hindi ano... Natutuwa lang ako kasi syempre di naman madalas nangyayari yung mga ganitong bagay pero nakakatuwa na kahit puro pangungulit lang nito ni Billy at Teddy ang nakikita nila, behind the camera sobrang sweet nilang kaibigan. I love you, Teddy. I love you, billy.

Billy: We love you too, Vicey.. Isang pamilya tayo dito.
Teddy: tama. At dahil diyan, group hug tayo!!!

Group hug.

Vice: uyy teka, last na... Gusto ko rin mag-thank you kasi binilan ako nito ni Karylle ng breakfast.

Naka-smile lang si karylle.

Billy: sabi na. Ito na talaga.
Vice: hoy, bully crawford kapupuri ko lang sa 'yo ha...
Vhong: teka si K nananahimik.
Karylle: *natatawa* ano na naman, Vhong?
Vice: basta sobrang napasaya niyo 'ko today. Salamat.
Anne: sobrang love ka namin, sis.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now