I Need You :(

47.5K 405 4
                                    

Bigla siyang umalis sa lugar na 'yon at iniwan na lang ang boyfriend niya. Umiiyak siya dahil sa ginawa niya. Mahal niya si Baby Boy, pero may iba... at ang iba na 'yon ay nagdudulot sa kanya ng mas malalang sakit.

Tumatawag ang boyfriend niya pero di na niya ito sinasagot.

Galing sa iyak at puyat, ang ganda ng mata ni Vice! Kaya kahit medyo late na, umidlip muna siya para mabawasan naman kahit paano ang pagkamugto ng kanyang mga mata. Pagdating niya sa studio, sakto na siya para sa "Sine Mo 'to." Hyper siya sa buong show.

Pagkatapos ng trabaho, nag-aya lumabas si Vice sa mga kasamahan. Kaso may kanya-kanyang agenda sila, ang natira na lang si Karylle. Pumunta sila sa isang Disco Bar. Walang humpay na party ang ginawa ni Vice at sadya siyang nagpakalasing. Si K na ang nag-drive pauwi.

Vice: K... *Tipsy.*

Hindi sumasagot si K, pinapakinggan niya lang si Vice.

Habang nakaharap sila sa stop light, napatingin si Karylle sa kasama niya.

Karylle: vicey.. *Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan.*

Nakatulog na rin naman sa biyahe si Vice.

Pagdating sa condo, hinatid ni K ang kaibigan hanggang kwarto. Tinulungan niya itong makahiga ng maayos at kinumutan. Aalis na sana siya nang hinatak ni Vice ang kamay ni Karylle.

Vice: K, dito ka lang. *Tipsy*
Karylle: Vice, kailangan ko na rin umuwi dahil late na rin. May trabaho pa tayo bukas.
Vice: Please, samahan mo muna ko.

Hinatak ni Vice si K paupo sa gilid ng kama at yumakap ito sa bewang.

Nabigla si Karylle.  Iniisip ni K, 'ano kayang problema nito?' Maya-maya pa biglang bumangon si Vice at parang naduduwal. Nagmadali siyang nagpunta sa banyo, muntik pa siyang madulas at mauntog dahil sa sobrang hilo. Nagsuka siya sa toilet at halos di siya makatayo. Nag-alala naman ng sobra si Karylle kaya sumunod ito sa banyo. Hinaplos niya ito sa likod pero pinalabas siya ni Vice.

Pagkatapos magsuka ni Vice, nagshower siya saglit para mahimasmasan ng kaunti. Paglabas niya sa CR, nalungkot siya wala na si K. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at paglingon niya sa may kusina nakita niyang nakatalikod doon si K. Niyakap niya si K from behind. Sinandal niya ang ulo niya sa kaliwang balikat ni K.

Vice: akala ko wala ka na. *Malungkot na bulong nito.*
Karylle: vice, anong problema? *Seryoso na niyang tanong.*

Humigpit lalo ang yakap ni Vice. At tumulo ang luha niya.
Hindi na kinaya ni K, haharap na dapat siya sa kaibigan para makapag-usap sila ng maayos kaso pinigilan siya ni Vice.

Vice: wala na kami ni baby boy.
Karylle: bakit? Anong nangyari?
Vice: nakipaghiwalay ako.
Karylle: ikaw? May 3rd party ba?

Hindi na sumagot si Vice. Hindi niya rin kayang sagutin talaga.

Karylle: okay sige kung ayaw mong pag-usapan, inumin mo na lang 'tong ginawa ko para kahit paano mabawasan yang kalasingan mo.
Vice: ayoko.
Karylle: inumin mo na 'to.
Vice: ikaw lang gusto ko. *Lalong humigpit ang hawak ni Vice*

Hindi agad nakasagot si Karylle noong mga oras na 'yon. Medyo awkward kasi yung sitwasyon. Tahimik lang silang nakatayo tapos medyo bumitaw na si Vice.

Karylle: inumin mo na 'to. Tinimpla ko pa naman yan para sa 'yo.

Sumilip si Vice. Medyo nahihilo pa talaga siya.

Karylle: sige na kahit konti lang.
Vice: di ko pa talaga, keri, Kurba.
Karylle: ayy magtatampo ko sa 'yo niyan.
Vice: sige na nga.

Diretso inubos ni Vice yung kape at napaso ang dila niya.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now