Vice Jelly Bean

39.2K 245 11
                                    

Mainit ang ulo ni Vice pagkatapos ng taping sa GGV kaya pagpasok niya sa dressing room niya, pinalabas na muna niya ang mga tao do'n. Sinarado niya ang pinto. Nagpalakad-lakad. With closed fist. Pabalik-balik. Bigla siyang huminto sa salamin at tinignan ang sarili. Sa ulo, sa balat at katawan... bigla niyang nasabi: "wala talaga 'kong panlaban do'n." Naisipan niyang magpalit ng damit. Kumuha siya ng printed shirt sa bag at pants. Nagpalit na rin siya ng sapatos. Hanggang sa biglang pumasok si Karylle.

Karylle: Galit ka raw? *lapit kay Vice* Dahil ba kay Jason?

Vice: Hindi. Pagod lang ako. *nag-aayos ng buhok*

Karylle: May lakad ka?

Vice: Uuwi na.

Karylle: Uuwi ka lang pala, ba't nagpapapogi ka pa?

Vice: Para sa 'yo. *seryoso lang*

Karylle: *napangiti* Di na kailangan mag-effort, Vicey. Love pa rin kita.

Tumingin lang si Vice kay Karylle. Medyo kumalma na siya.

Karylle: Siya nga pala, may pupuntahan ako kaya ako dumaan dito.

Vice: Saan?

Karylle: Magdidinner ako kasama sina Jason. *yumakap sa braso ni Vice* Jason's sister was my batchmate pala sa Poveda dati. Di ko na siya nakilala kanina pero after your show nilapitan nila 'ko at ayun, naalala ko na siya.

Nag-iba ang pakiramdam ni Vice.

Karylle: Ininvite nila ko kumain lang sa labas.

Vice: Sasama ka kahit 'di mo sila kilala talaga?

Karylle: Vicey, diyan lang kami kakain sa paligid besides inaya ko ng samahan ako ni Zia.

Wala ng nagawa si Vice. Humalik na sa pisngi si Karylle at umalis na ito. Napaupo na lang si Vice sa harapan ng salamin.

...

Kumain sa Kebab sina Karylle, kasama ang kanyang kapatid na si Zia with Jason and Maxine (Jason's sister). Pagkaorder, nagkwentuhan sila K and Maxine about high school life. Then si Zia naman curious din kay Jason. Maya-maya naging seryoso naman ang topic nang si Jason at K na ang nag-usap.

Jason: Is it true that you and Vice are really together?

Karylle: *medyo nahirapan sumagot* yeah. We're in a serious commitment.

Jason: So there's no way for us to... ahmm... at least get to know each other... go on a date... some stuff like that?

Medyo nagkatinginan sina Zia at Karylle. Alam ng family ni K ang totoong estado ng relasyon nila ni Vice.

Karylle: Ahmm... I think, we can be friends. *with smile*

Jason: Okay. *nag-smile rin*

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now