La Union Date

33.7K 200 6
                                    

Pagdating nina K at Vice sa Sun Bay Beach Resort ay dumiretso muna sila sa kainan para sabay magdinner. Umorder sila ng special delicacies ng La Union para ipatikim kay K.

Pagkatapos naman noon ay nagbonding na sila sa tabi ng beach, with a bonfire.

Vice: baby, sama ka ha.
Karylle: saan?
Vice: nagpa-book kasi ako ng flight papunta ng Boracay bukas.
Karylle: bukas??
Vice: kasi si Lolo eh, gusto raw niya makapunta do'n.
Karylle: wow... Ang sweet sweet mo talaga sa Lolo mo.
Vice: eh kasi siyempre gusto ko lang mapaya siya habang may chance pa 'ko. Sama ka ha.
Karylle: sige...

Sumandal naman si Karylle sa balikat ni Vice. Binigyan naman ng manipis na blanket ni Vice si Karylle para hindi ito lamukin.

Karylle: alam mo, babe... Minsan naiisip ko, we're destiny.
Vice: destiny?
Karylle: oo. Lahat 'to parang nakatadhanang mangyari sa ating dalawa.
Vice: wow naman, tinadhana tayo.

Karylle: pwera biro. *tumingin kay Vice* parang lahat nakatakdang mangyari. Kasi isipin mo, kung di kami nagkaproblema ni Dingdong noon, malamang sa hindi naman ako lumipat sa ABS. Kung di ako lumipat sa ABS, siyempre di ako magiging Hurado sa Showtime. Kung hindi ako naging Hurado sa Showtime, di ako magiging host do'n ngayon, at kung di ako naging host.... hindi mo ko mapapansin.

Tumingin naman si Vice kay K. Magkalapit ang mukha nila.

Vice: nagsimula ba talaga lahat kay Dingdong?

Medyo lumayo si Karylle at tumingin lang sa bonfire.

Karylle: aaminin ko, baby... Sobrang minahal ko talaga si Dingdong. Kaya sa lahat ng naging ex ko bago siya, sobrang nasaktan ako sa nangyari sa amin. Umiyak ako. Na-down. Pero gano'n naman lahat ng epekto ng break ups di ba? *huminga ng malalim* nakapagsimula naman ako ulit nang lumipat ako sa ABS. Nakatulong sa akin si Yael, actually. Siyempre kayo na kaibigan ko at family ko. Na-divert ang atensyon sa trabaho at sa lahat ng taong nagmamahal sa akin. Mabilis akong naka-move on.

Vice: si Yael... *tingin din sa bonfire*

Tumingin si Karylle kay Vice.

Karylle: mahal, alam mo ba kung bakit kami talaga nagkahiwalay?

Hindi sumagot si Vice.

Karylle: kasi nagkakagusto na ako sa 'yo noon.

Nabigla si Vice.

Karylle: naging honest ako sa kanya. Para kasing hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko, kahit sa relasyon namin.
Vice: noon pa?
Karylle: siguro... Sobrang sweet mo kasi sa akin noon. Masaya 'kong nakakasama ka outside work. Hindi ko alam pero ayoko rin kasing maging unfair kay Yael.
Vice: nagkagusto ka sa akin kahit alam mong malabong magustuhan din kita... Kahit bakla ako?

Karylle: *tumingin siya kay Vice* totoo, Vice... Nahulog ang loob ko sa 'yo noon kahit bakla ka pa. Kaso lang ayoko rin naman umasa kasi mahalaga sa akin ang friendship natin. Kaya hindi ko na lang pinahalata at ineenjoy ko na lang lahat.

Vice: parehas lang naman pala tayo. Ang pinagkaiba lang, naguluhan ako sa sarili ko. Pero iba ka talaga, Karylle. Iba ka sa lahat.

Napangiti si Karylle. Hinawakan niya ang kamay ni Vice.

Karylle: sana tayo na talaga...
Vice: sana... Dahil tulad ng sa lolo ko, hindi ko na alam pag nawala ka pa sa buhay ko.
Karylle: pero dapat maging handa pa rin tayo, Vice sa kahit ano man. Kailangan maging matatag tayo sa lahat ng pwedeng mangyari. Parehas pa naman tayong nasa Showbiz.
Vice: mahal na mahal kita, Karylle.

Bigla na lang hinalikan ni Karylle si Vice. Sweet smack.
Nagyakap sila.

Maya-maya tumunog ang cellphone ni Karylle.

Karylle: hello?
Manager: hello, K...
Karylle: yes po?
Manager: sorry to interrupt you with your vacation but you need to be back tomorrow.
Karylle: bakit po?
Manager: may important workshop ka kasi tomorrow for Cinderella kasama kasi 'yong director kaya pinapapapunta ka nila.
Karylle: ganun po ba? *tumingin kay Vice* sige po. Uwi na po ako bukas.
Manager: sinabi ko na lang na after lunch kayo magsimula kasi nga galing ka sa bakasyon.
Karylle: sige po, uuwi na lang po ako bukas ng umaga.
Manager: okay. Call me as soon as you arrive in Manila, okay?
Karylle: thank you po, Sir.

Patay ng linya.

Vice: ano 'yon?
Karylle: sa manager ko. Pinapauwi ako kasi pupunta 'yong isang director ng Cinderella bukas sa workshop. Gusto nila ko sumama do'n.
Vice: anong oras daw?
Karylle: after lunch.
Vice: ahh tama naman pala kailangan na rin talaga natin lumuwas bukas ng maaga para sa flight.
Karylle: di na ko makakasama, Pogi. :(
Vice: naintindihan ko. *kiss sa noo ni K* ipapasyal ko lang naman si Lolo do'n at gusto ko lang silang maka-bonding pa.
Karylle: have fun with them, baby.
Vice: oo naman.
Karylle: at behave!!!
Vice: hahaha, behave kaya ako lagi.
Karylle: parang di naman...
Vice: ahh ganun ha... *kiniliti na naman si Karylle*
Karylle: hahahaha wag na... Hahaha please baby... Hahahaha.

Tumayo na si K at tumakbo na palayo kay Vice. Naghabulan sila.

Pagkatapos ay nagpicture.

Nang medyo lumalalim na ang gabi ay umuwi na rin sila.

The Irony -=ViceRylle=-Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ