Paano na?

34.7K 191 8
                                    

Hinatid na ni Vice si Karylle sa airport kasama ang mga makakatrabaho niya sa Macau. Apat na araw ang itatagal nila doon para sa isang show. At dahil wala si Karylle ay naninibago na si Vice kasi parang hindi na niya alam ang gagawin niya. Parang boring. Parang kakaiba lang. 

Pagkatapos ng trabaho sa Showtime inaya siya nina Ryan lumabas pero tumanggi ito. Dumiretso siyang umuwi at hinihintay lang ang pagtawag ni K. Habang naghihintay ay nanonood na lang siya ng TV kasama sina Buern at Archie.

Nagtititnginan naman sina Buern at Archie, habang nag-aagawan sa kinikain na Pic-A Jack n Jill. 

Buern: Bakla, labas naman tayo. *tapik kay Vice*

Vice: Di na ko bakla. *seryoso at mababa ang boses*

Buern: Fine. Tara labas naman tayo.

Vice: Sa'n naman tayo pupunta?

Buern: Paparty. Wala ka naman bantay ngayon eh.

Vice: Sige pagtawag na ni Karylle. *inagaw naman ang Pic-A kay Archie*

Archie: Naman *ngumunguya* Makaagaw lang eh. Ba't ganyan ka na?

Vice: Kumuha lang ng chichirya ba't ganito na ko?

Archie: Seryoso. Nagbago ka na.

Biglang tumayo si Vice.

Vice: Haay magbihis na kayo at rarampa na tayo. 

Aligagang tumayo sina Archie at Buern. Nag-ayos sila ng mabilisan baka kasi magbago ang isip ni Vice. Paglabas ng kwarto napatitig lang dalawa sa porma ni Vice. Naka-black beanie kasi siya at sigang siga umasta.

Vice: Ano na? 

Buern: Pucha gwapo mo 'tol! *tumawa*

Vice: Gago! Tawagan mo na ang buong tropa.

Archie: Haha tropa talaga. Kinikilabutan ako sa 'yo.

Vice: *chineck ang cellphone habang palapit sa sasakyan* Sakay na kayo dami pang sinasabi eh.

Natatawa naman sumakay ang mga kaibigan niya. Dinaanan nila ang iba nilang kabarkada pero tahimik lang si Vice kasi hindi pa rin tumatawag si Karylle. Kahit nagkakagulo na ang mga kaibigan niya, tahimik lang siya. Hindi na namalayan ni Vice na sa Bar pala sila pupunrta kung saan nagtatrabaho si Marcus. Paghinto ng sasakyan, nabigla siya.

Vice: Ba't dito tayo? *medyo may panic attack*

Archie: At bakit hindi? 

Bumaba na lahat ng sasakyan except kay Vice. Hinila naman na siya ni Donna.

Donna: Gets ko na kung ba't ka allergic dito, bakla pero tara na.

Vice: Di na nga ako bakla. *bumaba na rin ng sasakyan* Sa iba na lang tayo. *tingin sa relo* May oras pa naman. Sa Timog na lang tayo.

Buern: Timog? Ang layo.

Jegs: Oo nga, bakla. Tuyot na lalamunan ko kelangan na niyang mabasa.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now