Future Son-In-Law

28.7K 301 40
                                    

Habang kumakain si Vice ng almusal ay lumapit si Jegs para ibigay ang cellphone nito dahil may tumatawag.

Vice: Sino ba yan? *ngumunguya*

Jegs: No Number lang nakalagay eh *abot ng cellphone kay Vice*

Vice: *tinignan ang screen at nilunok muna ang pagkain sa bibig* Hello?

Sir Modesto: Ah Vice, si Modesto 'to, Papa ni Karylle.

Vice: *nabigla at nagtaka* Ahh sir. *hindi alam ang sasabihin* Ahmm bakit po kayo napatawag?

Sir Modesto: Libre ka ba mamaya, mga alas otso?

Vice: Ahh wala naman po. Ihahatid ko lang po si Karylle after Showtime sa show niya.

Sir Modesto: Sakto naman pala.

Vice: Bakit po, Sir?

Sir Modesto: Gusto sana kita makausap ng personal mamaya. Kung okay lang sa 'yo.

Vice: *medyo nag-alala* Ahh sige. Sige po.

Sir Modesto: Kita na lang tayo sa isang coffee shop sa Greenhills.

Vice: I'll be there, Sir.

Sir Modesto: Isa pa pala, Vice. Huwag mo muna sana banggitin ito kay Karylle. Baka kasi mag-alala siya o sumama siya bigla. Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.

Vice: Naiintindihan ko po.

Sir Modesto: Sige mamaya na lang.

Vice: Sige po.

Putol ng linya.

Jegs: Apaw sa 'Po', Meme ha. Sino ba 'yon?

Vice: Tatay ni Karylle. Ang wirdo lang kasi mabait siya sa 'kin sa telepono.

Jegs: Ayaw mo no'n?

Vice: Ewan! Kinakabahan ako eh. Nakikipagkita siya sa akin.

Jegs: Bakit?

Vice: Malay ko... Baka dahil sa napikon ko siya last time? Sobra nga pang-iinsulto sa akin no'ng mga kapatid niya.

Jegs: Tsk. Tsk. Pag kailangan mo ng back up ha... Alam mo na.

Vice: Hindi. Para kay Karylle... haharapin ko ang Papa niya. *tumuloy sa pagkain*

Buong araw kinakabahan si Vice. Bago pa man magsimula ang Showtime ay sobrang iniisip na niya ang mga pag-uusapan nila ng Tatay ni Karylle. Kahit pa may mga pangamba siya, itinago niya ito kay K. Normal pa rin si Vice makihalubilo sa kanila. Maingay. Madaldal. Masaya pa rin.

After ng Showtime, umalis agad sina K at Vice kasama ang Team Vice dahil ihahatid pa nila si Karylle sa show nito.

Vice: Anong oras ka uuwi?

Karylle: Di ko sure, Babe. Nag-aaya kasi sina Zia lumabas. Sila na yata susundo sa akin.

Vice: Sige. Tawagan mo ko agad kung di kayo matutuloy para masundo kita.

Jegs: *sumingit sa usapan* May lakad ka mamaya di ba?

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon