First Day

42.9K 307 20
                                    

Pag-uwi nila sa condo ni Vice, magkatabi lang sila sa kama. Magkaharap sila. Titigan lang. Maya-maya nagsalita na si Karylle.

Karylle: vice...
Vice: yes?

Nilapit ni K ang mukha niya sa katabi.

Karylle: i love you.
Vice: mas mahal kita.

Kiniss ni Vice si K. Smack lang. Tas nag-smile.

Vice: K, magtoothbrush ka nga.
Karylle: bakit mabaho ba? *hinga sa palm sabay amoy*

Tumawa si Vice. Hinampas siya ni K.

Vice: joke lang, kurba.

Niyakap ulit siya ni Vice at ganun din si Karylle.
Hanggang sa makatulog na sila.

...


Kinabukasan, naunang nagising si Karylle. Nasisikipan siya at medyo naiinitan, nabigla siya sa kamay na nakayakap sa kanya. Napalingon siya sa katabi, hanggang maalala niya ang nangyari kagabi. Napabuntong hininga si K. Habang nakatingin lang siya sa mukha ng katabi niya, naisip niya: 'ano na nga ba kami?' Dahan-dahan hinawakan ni K ang bangs ni Vice. 'Totoo bang gusto niya talaga ko?' Matagalniyang tinitigan si Vice. Hanggang sa tumunog ang telepono ni Vice. Nagising ito at kinapa sa bulsa ang cellphone. Di pa man niya alam kung sinong tumatawag ay sinagot na niya ito. Nakatingin lang din si K, di siya nagrereact.

Vice: hello? *boses ng bagong gising*
Caller: hinintay kita magtext buong gabi. Busy ka ba?
Vice: sino ba 'to?
Caller: si Eric.

Napabangon si Vice at napahawak sa pisngi.

Vice: tama na 'to, eric. Please.
Caller: di mo na ba ko talaga gusto?
Vice: ayoko na talaga, Eric. Hindi sa 'yo, kundi sa atin.

Nakikinig lang si K. Tumayo na si Vice pero parang di pa siya aware na may kasama siya.

Caller: Pede pa bang magkita tayo?
Vice: Sorry, Eric. *Humawak siya sa dibdib niya* pero di na talaga pwede.
Caller: may iba na ba?
Vice: di mo na dapat malaman pa. Bye, Eric. And wag ka na tumawag ulit.

Pagtalikod ni Vice, nagulat siya. Naalala niya biglang nandoon nga pala si K. Ngumiti siya at tumabi ulit sa kama. Hinawi niya ang kumot. Pinigilan naman ito ni Karylle. Dahil wala pa sa mood makipagharutan si Vice tumabi na lang siya kay K at niyakap ito. Lumingon si K.

Karylle: sino 'yon?
Vice: si Eric, si baby boy.
Karylle: ahh Eric pala ang name niya.

Nakapikit pa si Vice.

Karylle: ba't daw siya tumawag?
Vice: gusto niyang makipagkita.
Karylle: umayaw ka?
Vice: siyempre.
Karylle: bakit? Si baby boy yun ha.

Dumilat si Vice at seryosong tumingin sa katabi. Kinabahan si K.

Vice: di ka pa rin naniniwala sa akin no?
Karylle: curious lang ako, vice. *Intimidated na sagot.*

Nakatingin pa rin si Vice.

Karylle: galit ka?

Hindi sumagot si Vice.

Karylle: uyy... *niyugyog si Vice*
Vice: seryoso ko sa 'yo, K. At kahit na alam ko na may alinlangan ka pa rin sa 'kin, uulitin ko bilang isang lalaking nasa harap mo, Mahal kita.
Karylle: sorry na.

Yumakap si Karylle.

Karylle: Wag ka na magalit.
Vice: ano na nga ba tayo, K? *Medyo masungit ng tono*
Karylle: ano nga ba?
Vice: pwede ba kong maging boyfriend mo? Official na.
Karylle: parang mas okay na tanong kung gusto mo ba talaga kong maging girlfriend mo?
Vice: gusto kong maging tayo, Karylle. *Wala ng bahid ng Vice Ganda sa boses niya nun*
Karylle: okay na. Okay na.

Hindi na nagsalita si Vice. Niyakap niya pa ng mas mahigpit si Karylle.

Karylle: ansungit mo pala pag bagong gising.

Kiniss ni Vice si K sa forehead at umidlip pa ng kaunti.
Tumahimik na lang si Karylle. Seryoso si Vice sa kanya. At ganito pala siyang maging "boyfriend."

First time makita ni Karylle ang masungit na version ni Vice Ganda at kinabahan siya.

Naunang bumangon sa kama si Karylle para makaligo na. Paglabas niya ng banyo tulog pa rin ang bago niyang "boyfriend." Naisip na niyang gisingin 'to at baka mahuli sila sa show. Kaso kinabahan siya. Kaya lang kailangan na talaga. Nilapitan na niya si Vice na himbing pa rin sa pagtulog.

Karylle: vicey... *Bulong nito sa tenga ni Vice*

Di pa rin nagreact si Vice.

Karylle: vice... *Nilakasan niya ng kaunti ang boses niya*

Medyo gumalaw lang naman si Vice. Hinawakan na ni K ang mukha nito.

Karylle: vice... 10:13 na. Malelate na tayo. Bangon ka na.

Dumilat na ang isang mata ni Vice. Nag-smile siya.

Vice: antok pa ko, baby...

Nabigla si K sa sinabi ni Vice at parang hindi siya sigurado kung tama nga ba yung narinig niya.

Karylle: anong sinabi mo?
Vice: antok pa ko.
Karylle: kulang..

Dumilat na si Vice at tinignan si Karylle. Napangiti siya.

Vice: baby...

Kinilig si Karylle noon. Natawa si Vice. Dahil doon tuluyan na siyang nagising at kiniliti ang first time serious girlfriend niya.

.....



Pagkatapos ng harutan, naligo na rin si Vice at naghanda na si K ng almusal. Nung magbibihis na si Vice, bigla siyang naguluhan sa kung ano bang isusuot niyang damit. Tinignan niya yung mga bago niyang bili pero hindi na niya sigurado kung okay pa ba kay Karylle na makita siya na baklang bakla pa rin. Nagbihis muna siya ng pambahay at nagsuklay at pinuntahan si K.

Karylle: vicey, kain na tayo. Sorry sandwich lang late na kasi.

Kumagat agad sa sandwich si Vice.

Karylle: teka, ba't nakaganyan ka pa?
Vice: baby, di ko alam isusuot ko.
Karylle: ha?
Vice: eh kasi di ko alam kung okay pa ba sa 'yong makita ko sa mga pambeki ko na outfit o dapat vice pogi na.

Natawa si Karylle.

Vice: sana tinutulungan mo na lang ako. Kaloka 'to.
Karylle: kasi naman talagang tanggap mo na si Vice Pogi.
Vice: dali na, help mo ko.
Karylle: okay po vice pogi.
Vice: ba't di mo ko tinatawag na baby? *Sabay kagat ng malaki sa tinapay.*

Ngumiti si K.

Karylle: baka masanay ako eh.

Nakaisip na naman ng pangulit si Vice. Lumapit siya sa mukha ni Karylle.

Vice: eh di masanay ka wala naman akong planong itigil 'to. *Vice Pogi's voice*

Nagblush si Karylle. Natawa si Vice ng bongga.

Vice: woo kilig na kilig agad.
Karylle: parang alam ko yun.
Vice: Sarah-John Lloyd movie 'yon, You Changed My Life.

Pagkatapos kumain ay sinamahan na ni K si Vice sa kwarto. Nagulat ito sa sobrang kalat ng mga damit.

Karylle: uyy ano bang nangyari dito?
Vice: di nga kasi ako makapili.
Karylle: pede bang magrequest? *Lumapit siya kay Vice at naglambing*
Vice: go...
Karylle: first day mo naman maging boyfriend sa 'kin. Pwede ka bang maging Vice Pogi kahit ngayon lang?
Vice: okay.. Walang problema sa 'kin 'yon, baby.

Maya-maya may bumosina. Pagsilip ni Vice, sundo ni Karylle.

Vice: ba't ka nagpasundo? Akala ko sabay tayo?
Karylle: di ko kasi feel 'tong outfit ko kaya uuwi muna ko.
Vice: ahh. So, di na talaga tayo sabay?
Karylle: mamaya na lang Pogi ha. Sige na. Bilisan mo na diyan.

Tumakbo na palabas ng pinto si K.
Pagkaalis ni Karylle ay nagbihis na nga si Vice.

to be continued... :)

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon