Typical

34.2K 201 17
                                    

Sa pag-uusap nina Vice at Karylle tungkol nga sa mga nangyari kina Billy at Nikki may bigla namang naalala si Vice.

Vice: K, nasabihan mo na pala ang mga magulang mo tungkol sa plano nating pagpapakasal?

Hindi agad nakasagot si Karylle. Nawala na kasi iyon sa isip niya.

Vice: Nalimutan mo na?

Karylle: Sorry...

Vice: Okay lang, ngayon ko na lang din naalala. Pwede na ba natin sila makausap kasi si Nanay malapit na ulit bumalik sa America.

Karylle: Vice, gusto mo na ba ngayong taon?

Vice: Pwede naman. Pwede ring next year. Depende sa 'yo.

Karylle: 'tsaka na lang kaya natin sabihin pag may malinaw na plano na tayong dalawa?

Vice: K, ba't ba parang umiiwas kang ipaalam sa mga magulang mo na pakakasalan mo na ko? May problema ba?

Karylle: Hindi naman sa gano'n, Vice, kaya lang kasi baka masyado tayong nagmamadali.

Nakatingin lang si Vice kay K na parang naguguluhan at hindi niya rin alam ang isasagot niya sa sinabi ng girlfriend niya.

Karylle: Baby, pag nagsabi tayo sa parents ko lalo na sa dad ko. Hindi niya maiintindihan 'yong gusto nating mangyari. Old-fashioned kasi 'yon atlis si Mama, expose sa mundo natin. Si Papa hindi.

Tumayo bigla si Vice.

Vice: Tara na, hahatid na kita. *lumakad palayo*

Bigla namang tumayo rin si K at hinawakan si Vice.

Karylle: Vice, galit ka? *humarap kay Vice* sorry na. Sige na sasabihin ko na para masabi na natin.

Vice: Alam mo lagi na lang nating issue 'tong kasal. Kahit wala pa parang gusto mo ng maudlot.

Karylle: Uy... hindi naman gano'n. Gusto ko lang talaga sabihin na lang kapag may malinaw na tayong plano para may masabi rin tayo sa kanila.

Vice: Eh ano 'yong parang nagmamadali tayo?

Karylle: Naisip ko lang para kasing ang bilis ng mga nangyayari. Baka magulat din sila na magpapakasal na tayo.

Vice: Ayoko na pag-usapan 'to, K. Naiimbyerna lang ako.

Karylle: Baby... *sobrang naluluha na dahil galit na naman si Vice sa kanya.*

Vice: Tara na, ihahatid na kita.

Pagkakuha ng susi ng sasakyan ni Vice, kinuha na rin ni Karylle ang mga gamit niya. Tahimik lang si Vice hanggang sa kotse. Pagsakay ni K, nakatingin lang siya kay Vice at sobrang worried siya kasi magkagalit na naman sila. Okay pa sila kanina tapos away na.

Buong biyahe lang silang tahimik. Halata kay Vice na mainit ang ulo niya. Pagdating sa condo pinababa na lang niya si K at doon na sobrang nalungkot ito.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now