Notes

34K 214 10
                                    

Naunang nagising si Vice. Maaga pa. Medyo antok pa siya pero mas pinili na niyang bumangon. Himbing pang tulog si Karylle. Hinawakan ni Vice ang buhok ni K at hinalikan ito sa noo tapos ay napangiti. Dahil sa bumabawi si Vice sa nangyari nakaisip siya ng morning surprise sa girlfriend niya.

Naghanap siya ng ilang sticky notes and colored pens sa gamit ni Karylle. Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa kusina. Binuksan niya ang Ref at Rice cooker. Naghanda siya ng special breakfast para sa mahal niya. Bacon and Omelette with Garlic Fried Rice. Hinanda niya 'yon sa isang plate sabay dikit ng sticky note sa cover ng plate. Nagtimpla rin siya ng chocolate kaso lang nilagay na muna niya iyon sa Ref kasi baka langgamin. Nilagyan na lang din niya iyon ng sticky note. Pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto ni Karylle at pinilian niya ng damit na isusuot niya. Umisip siya ng medyo pwedeng ternohan niya ng damit. Sinabit niya ito sa pinto ng cabinet niya at nilagyan ng note. Sunod ay pumasok siya sa banyo, nilagyan niya ng toothpaste ang toothbrush ni K at nilagyan ulit ng sticky note. Dinikitan din niya ng note ang mirror ni K. Nag-ayos na rin siya para makauwi na at bago siya lumabas ay inalarm niya ang cellphone ni Karylle kasi baka late itong magising. Umalis na siya.

Nagulat si Karylle nang mag-alarm ang cellphone niya. Pagmulat niya ng mata niya nagtaka siya kung bakit naka-alarm iyon. Wala na rin si Vice sa tabi niya. Medyo nalungkot siya. Pumasok siya sa CR at nagulat siya kasi may sticky note sa toilet. 

STICKY NOTE: Good morning, Baby! Happy wee wee. =D *Napa-smile si K.* 

Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto si Karylle para mag-almusal. Nagulat na naman siya dahil may pagkain na sa lamesa. 

STICKY NOTE: I want to be your energy for the day, Baby. Enjoy your breakfast. =D

Na-sweetan na si Karylle at sobrang sarap na sarap siya sa niluto ni Vice para sa kanya. Nakangiti siyang kumakain. Pagkatapos ay binuksan niya ang Ref para kumuha ng tubig. Nagulat na naman siya sa Mug with sticky note. 

STICKY NOTE: Mainit 'to kanina kaya lang baka maunahan ka ng langgam inumin ito. I'm sweet kasi. Inumin mo 'to ha, special 'to. Milo. =D *Napakamot ng ulo si K pero napangiti na naman.*

Tinawagan niya na si Vice.

Ring.Ring.Ring

Vice: Hello, babe. Kamusta?

Karylle: I love you. *'yon lang ang tanging nasabi sa pagkatuwa kay Vice*

Vice: *napangiti* Kumain ka na no?

Karylle: Oo. May nagluto kasi sa kin ng special breakfast with Cold Milo. 

Vice: Haha. Busog ka?

Karylle: Baby, sorry kagabi.

Natahimik si Vice.

Karylle: Mahal na mahal kita kaya nasaktan lang ako.

Vice: Sorry.

Karylle: Okay na, Vice. Napasaya mo na ko ngayong araw. And you never fail to make me happy.

Vice: *napangiti ulit* Yan naman talaga ang gusto ko eh.

Karylle: Sige na, bibihis na 'ko. Thank you sa ginawa mo ha. 

Vice: Ayieeeh... Na-touch siya oh.

Karylle: More on, napasaya mo talaga ko.

Vice: I love you.

Karylle: I love you too. Sige na baby, maliligo pa ko.

Vice: Sige ako rin. Bye.

Karylle: Bye.

Pagbaba ng phone, pumasok na si K sa banyo para maligo. PAgkatapos ay kukunin na niya sana ang toothbrush niya kaso may note ulit.

STICKY NOTE: Panglaban sa garlic rice, baby. =D Kiss! MWAAH. Haha. *medyo natawa si K.*

Pagkatapos pumunta siya sa closet tapos nakita niya may naka-prepare ng damit para sa kanya. With Sticky Note again.

STICKY NOTE: Wear this dress, Babe. Sobrang favorite kong damit mo 'to. Minsan nga gusto kong hiramin eh. =D 

Yoon na nga ang ginamit ni Karylle. Sa mirror nang mag-aayos na siya ng mukha at buhok... STICKY NOTE medyo mahaba ang nakasulat kaya tinanggal muna ito ni K bago basahin.

STICKY NOTE: Kung binabasa mo 'to, baka nabasa mo na lahat ng notes ko. Tinitignan kita habang sinusulat 'to at nasabi ko na lang sa sarili ko: Maswerte ako kasi TAYO. Mahal na mahal kita. At lagi akong handang pagsilbihan ka. -Vice

Sa hindi maipaliwanag na dahilan tumulo ang luha ni Karylle. Hawak niya lang ang note na 'yon habang nakatingin sa singsing niya. 

Ilang minuto siyang tahimik at nag-iisip. 

Maya-maya ay kumilos na siya para pumasok sa Showtime. 

[Mamaya ko gagawin ang continuation, guys. Basta hindi matatapos ang araw na 'to ng walang update para makabawi ako sa inyo. Back to work lang muna. :)] 

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now