What am I gonna give?

36.7K 215 5
                                    

Yuletide Season na sa mundo nina Vice and Karylle. Ilang weeks na lang at sasapit na ang pasko. Excited si Vice sa darating na pasko kasi makakasama niya lahat ng taong mahahalaga sa kanya. Simula sa pamilya, sa nanay at mga kapatid niya. Sunod sa mga pinakamalalapit na kaibigan, ang mga bakla, kalaro sa volleyball at kasamahan sa trabaho. Siyempre ang first christmas niya with his girlfriend, si Karylle.

Nagsisimula naman ng mamili sina Vice at Karylle sa mga kaibigan nila.

Magkasama sila sa Greenhills.

Sunod sa 168.

May iba silang binili galing sa sosyal na mall lalo na para sa mga ilang VIPs.

Kakalibot nilang dalawa, kakaikot sa mga tiangge at kakatingin sa bawat tindahan parehas pala nilang dilemma ang regalo nila sa isa't isa.

Inisip na ni Vice bilan si K ng jewelry.

Inisip na ni K bilan si Vice ng shoes.

Kaso kahit naiisip nila 'yon hindi pa rin sila decided. Nag-search na si Vice sa iPad ng idea para iregalo kay Karylle. Si Karylle naman, nagtanong na sa mama at mga kapatid niya. 

Isang gabi, inimbitahan ni Kuya Kim si Karylle at Ryan sa bahay niya para maghapunan. Nagpunta si K pero hindi nakarating si Ryan dahil may taping pa siya ng Banana Nite. Habang nandoon si Karylle kasama ang pamilya ni Kuya Kim, habang kausap niya ang asawa nito ay may nasabi ito na nakapagbigay sa kanya ng magandang idea para ibigay kay Vice. 

Samantala, si Vice kinausap naman niya ang Nanay niya para magtanong na rin ng kung anong magandang regalo para kay K.

Nanay Rosario: Ba't di mo na lang itanong, Tutoy kung anong gusto niya?

Vice: eeh ang corny naman ng gano'n, Nay. Gusto ko 'yong hindi niya inaasahan.

Nanay Rosario: Wala ba siyang nasasabing kinakahiligan niya?

Vice: Marami, Nay. Naiisip kong bigyan siya ng jewelry eh di ba do'n mahilig ang mga babae?

Nanay Rosario: Oo. Pero para sa akin, anak, ang mga gano'ng bagay matutuwa ako pero iba kasi 'yong alam mong pinag-isipan talaga. Hindi 'yong karaniwan lang. Mas maganda pag espesyal.

Vice: *napakamot sa ulo* anong maganda, Nay?

Nanay Rosario: Ano kaya anak kung wag kang magfocus sa salitang "bigay"? Subukan mo kaya 'yong gawa?

Vice: Huh?

Nanay Rosario: Bagay na gagawin mo para sa kanya ngayong pasko, anak ang ibig kong sabihin. Mas maganda pag gano'n.

Dahil sa sinabi ng Nanay, nag-isip ulit si Vice. Hanggang marealize niyang marami pa pala siyang hindi nagagawa para kay Karylle. Magkaibang magkaiba kasi sila Vice at K ng mundong kinalakihan at kinasanayan. Magkaiba sila ng mga bagay na kinahihiligan. Ngunit kahit magkaiba sila, pinagtagpo pa rin sila. Inisa isa ni Vice sa isip niya lahat ng ginagawa ni K pag hindi sila magkasama. Tumakbo. Kumain sa mga paboritong restaurant ni Karylle. Magsimba. At.... 

At.....

Vice: Tama! 'Yon na lang!

Nang maka-decide si Vice, bigla niyang hinalikan ang Nanay niya at sinimulan ng gumawa ng move para sa gift niya for K. Sigurado na siya do'n. He knows magiging masaya rin siya do'n.

[Guys, bit tired today kaya hindi ako sure kung okay pa 'tong update ko. Thanks for your time. :) I'll try to make an update on Saturday.]

to be continued...

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon