First Day in Europe

35.7K 257 38
                                    

Dalawang araw bago umalis sina Vice at Karylle ay bumili muna sila ng mga relief goods para sa idodonate nila sa biktima ng bagyong Yolanda. Nagsama ang buong Team Vice at pamilya ni Karylle para sa pag-aayos ng relief.

Bigas.

Ready-to-eat na ulam.

Tinapay.

Bottled water.

Powdered milk.

Old clothes.

Tsinelas.

Gamot.

Iyan ang karaniwang laman ng isang malaking plastic bag na kanilang tulung-tulong na inipon para sa mga nasalanta.

Kinabukasan ng hapon ay huminto na sina Vice at K para maghanda naman sa kanilang pag-alis. Naiwan na ang ibang mga kaibigan ni Vice para makatulong pa.

Mabilis natapos mag-empake si Vice samantalang si K ay tipikal na babaeng maraming abubot. Nang bandang hating-gabi ay sinundo na siya ni Vice para kinabukasan ay maaga na silang makaalis papunta ng airport. 11:25am ang fight nila kaya 4am pa lang ay nagsimula na silang gumayak. Naligo. Nagbihis. Kumain. Medyo terno sila ng outfit. Si Vice kasi naka-black jeans, white printed shirt at maroon sweater. Si Karylle naman naka-maroon pants, plain white top at black na sweater. Dahil sa medyo puyat sila, sa sasakyan ay nakatulog pa ang dalawa. Pagdating naman sa NAIA terminal ay naghintay pa sila sa flight nila. Habang nakaupo, tahimik lang ang dalawa. Si Vice naglalaro ng iPad. Si K naman nanonood ng film sa phone niya para lang hindi siya antukin. Parehas pa kasi silang wala sa wisyo at medyo pagod. Maya-maya ay tinawag na sila para sa kanilang flight.

First destination: Schiphol Amsterdam Airport

Biglang nabuhayan si Vice habang nakapila sila. Na-hype siya at naexcite. Pagtingin niya sa ticket bigla siyang nagtaka kasi ang alam niya sa Belgium sila pupunta.

Vice: baby? *hawak ang ticket at pinakita kay K* ba't sa Amsterdam? Di ba sa Belgium ang plano natin?

Karylle: ahh kasi walang flight diretso sa Belgium from Manila. Sa Schiphol Amsterdam Airport muna tayo tapos at saka tayo babiyahe papunta ng Brussels, Belgium.

Vice: sosyal!! *humarap kay K na may malaking ngiti* pasyal din tayo sa Amsterdam.

Karylle: gusto mo?

Vice: oo. Sasamantalahin ko na no. Libre mo eh hahaha.

Karylle: *natawa rin si Karylle* sige pero di tayo pwede mag-stay sa Amsterdam ha.

Vice: oo kahit saglit lang tayo makalibot.

Karylle: okay baby.

Simula noon ay dumaldal na si Vice. Hindi pa siya aware na sa business class sila.

Vice: hala... Sobra naman na yata 'to. Bakit business class pa?

Karylle: gulat na gulat ka di mo tinignan ang ticket 'no? Kasi galit ka sa akin noong binigay ko 'yan. Haha.

Vice: ehhh *nahiya bigla*

Karylle: baby let's just enjoy this moment okay?

Kiniss na lang ni Vice si K sa cheek at hinawakan sa kamay.

Sa eroplano pa lang nag-eenjoy na si Vice. Sa kinakain niya. Sa komportableng upuan. Kinakalikot niya lahat ng nakikita niya sa pwesto niya. Ang saya!

Vice: alam mo *tingin kay K* ngayon lang ako nakatanggap ng regalo na ganito ka-bongga.

Karylle: bakit?

Vice: madalas ako kasi ang nagbibigay. Siyempre kila Nanay. Sa mga kapatid at pamangkin ko.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now