Simple Love

32.5K 279 28
                                    

Late na nakauwi si Karylle sa bahay niya. Pumasok siya sa kwarto at pagod na pagod. Napahiga siya sa kama. Kinuha niya ang bag niya sa cellphone at binuksan na ito. After ng huling text ni Vice nang patayin niya ang cellphone niya ay wala na ulit paramdam ang boyfriend niya. Binasa niya lahat ng texts ni Vice.

Sorry.

I miss you.

Nasan ka?

Kausapin mo na ko.

Wag ka na magalit.

Lalo lang nainis si K. Binaba na niya ang cellphone niya sa kama at nag-shower na lang. Nang matutulog na siya, inisip niya kung tatawagan na ba niya si Vice pero nilagay na lang niya sa side table ang phone niya at natulog na lang.



...

Kinabukasan, maaga naman nagising si Vice. Sinilip niya agad ang cellphone niya kaya medyo nalungkot siya kasi hindi pa rin nagrereply si K. Nararamdaman na niya ang pag-aalala.

To: Karylle

Hi Baby, good morning. Alam ko n ung feelng ng ngaalala kc my hndi ngppramdam. Im so worried about u. Nd I miss you. :(

-=Send=-

Naligo na si Vice. Nag-shave. Pagdating niya sa closet, umisip siya ng susuotin. Dapat Vice Pogi para makapangligaw siya sa girlfriend niyang galit sa kanya. Naglabas siya ng mga printed shirts pero wala siyang nagustuhang isuot. Napalingon siya sa mga polo na part ng closet niya kaya naisipan niyang mag-iba ng porma. Kailangan sophisticated. Nakakita na siya ng gwapong porma. Hindi nga lang fit sa season pero bagay sa kanya ang suot niya. 

Matagal siyang nagbihis. Mga 2 hours bago natapos. Siya na ang nag-ayos ng buhok niya. Naka-wax siya. Nagsuot ng silver na relo na niregalo naman sa kanya ng Ate niya noong birthday niya. Hindi pa siya totally nakabihis, kasi kakain pa siya.

Paglabas ng kwarto ni Vice, si Donna ang naghahanda ng almusal.

Vice: Bakla, anong almusal?

Paglingon ni Donna, natulala siya kay Vice.

Lumingon naman si Vice sa likuran niya kasi baka may kung ano ng nakita si Donna.

Donna: Anong meron, Meme?

Vice: Aakyat ako ng ligaw. *umupo na sa dining* Anong pagkain?

Donna: Ah ito bacon at sausage. *naghanda ng plato at kumuha ng kanin para kay Vice* Anong ibig mong sabihin sa aakyat ka ng ligaw?

Vice: War kami ni Kurba di ba... Di pa rin niya ko pinapansin eh kaya manliligaw muna ko. Haha. Scary nga eh, baka mabasted ako haha.

Donna: Pwede ba pag di ka niya tinanggap, akin ka na lang?

Vice: Sira ulo!!!

Kumuha na ng sinangag si Vice sabay dakot ng 2 sausages at 3 strips ng bacon.

Donna: Teka, himala at kumain ka.

Vice: Napagalitan ako eh *nguya-nguya*

Donna: Nino?

Vice: *lumunok muna* ni Komander.

Donna: Ahh kaya ka inaway?

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon