Open Forum

34.8K 210 7
                                    

Sa huling gabi ng Retreat nagkaroon ng open forum. At dahil family ni Karylle 'yon hindi na nagsalita si Vice, hindi naman siya open ng tungkol sa kanya sa iba. Nakikinig lang siya. May ibang naluha. May ibang nakakatawa. Si Karylle hindi na rin nagsalita kasi sa isip niya gusto na niyang makasama ng solo si Vice. Tahimik lang silang dalawa.

Pagkatapos ng open forum ay nagsalo-salo naman sila sa special dinner na request din ni Vice. Masasarap na pagkain na ang nakahanda. Lahat naman ay naaaliw kay Vice dahil ang pagiging komedyante ay natural na natural na lang sa kanya. Nagpasalamat ang lahat sa kanya. Nakipagkwentuhan. Si Zsazsa at Father naman ay kinausap din siya ng sarilinan.

Father: Honestly, Jose Marie, hindi ko naisip na ganito ka pala?

Vice: Anong ganito, father?

Father: You're a good guy... Bihira na ang mga katulad mo.

Zsazsa: Tama si Father, Vice. Bihira na ang mga lalaking katulad mo.

Napangiti naman si Vice.

Zsazsa: Alam mo lahat naman ng naging boyfriend ni Karylle, mababait naman din talaga. Tiwala naman ako sa anak ko sa pagkilatis niya sa mga lalaking mamahalin niya pero sa ginawa mong ito, kahit pa hindi totally straight nahigitan mo pa silang lahat.

Vice: Ms. Z, nakakatuwa naman 'yong mga sinabi mo. Salamat dahil pumayag kayo para maging girlfriend si K.

Zsazsa: I trust you, Vice. At kilala naman na rin kita bago pa man maging kayo.

Father: Pero huwag mong mamasamain ha, bakla ka pa rin ba?

Vice: Father, hindi ko na mababago 'yong aspeto ng pagkatao ko pagdating sa pagiging bakla. Ako na po ito eh at hindi ko na nga rin naiisip noon na magkakagusto ako sa isang babae. Pero iba po talaga si Karylle. Napakabuti niya at masarap mahalin. *tumingin naman kay K na nasa kabilang lamesa kausap ang kanyang mga kaibigan at pinsan niya.* Swerte ako sa kanya.

Nagkatinginan naman sina Father at Zsazsa. Sabay na napangiti dahil sila mismo ang saksi na mahal talaga ni Vice si K.

Maya-maya naman ay tuluyan na silang nagpahinga. Umakyat sa kanya-kanyang kwarto.

Pagpasok ni Vice sa kwarto niya ay nagbihis na muna siya, nagligpit ng gamit. medyo late na ng may kumatok sa kwarto niya. Pinagbuksan niya ito.

Vice: Oh, Baby, bakit gising ka pa?

Karylle: Pwede ba kong pumasok?

Vice: Oo naman. *pinapasok si K.*

Karylle: Matutulog ka na ba?

Vice: Hmm...di pa naman. NAg-aayos lang ak----

Biglang yumakap si Karylle sa kanya ng mahigpit. Yumakap na rin si Vice. Tahimik lang sila na magkayakap.

Vice: Ba't gano'n kahit magkasama tayo dito parang namiss pa rin kita? *nakayakap pa rin*

Karylle: Can I sleep here?

Napabitaw si Vice at tumingin kay Karylle.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon