Flappy Bird

26.9K 270 46
                                    

Biglang nagising si Vice. Maliwanag na. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha niya mula sa bintana. Napadilat siya pero nasisilaw pa siya kaya tinakpan niya muna ang mga mukha niya gamit ang kumot. Lumingon siya sa kabilang side at kinakapa si Karylle pero wala na siyang katabi. Napadilat na siya at napakunot ang noo dahil nagtataka siya kung nasaan si K.

Bumangon siya at tinignan ang orasan sa may lamesa. 9:30 na ng umaga.

Tumayo siya.

Lumabas ng kwarto.

Vice: K?? *tawag niya* Baby...

Pumunta siya sa kusina.

Vice: Karylle... *tumingin sa may sala* Nasa'n ba 'yon?

Bumalik siya sa kwarto. Sinilip sa banyo. Wala pa rin si Karylle. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si K. Wala rin sumasagot. Nag-alala na siya. Kinabahan. Kaya kahit naka-boxers lang siya at sando, wala siyang pakialam nang lumabas siya sa bahay ni Karylle. Mabilis siyang naglakad papunta ng elevator. Magulo ang buhok at halos may muta pa. Tinatawagan pa rin niya si Karylle pero hindi ito sumasagot. Pagbukas ng elevator saktong si Karylle ang bumungad sa kanya at may iba pang taong nakakita kay Vice sa masagwa niyang hitsura.

Karylle: Vice?! *nagulat at napatingin kay Vice mula ulo hanggang paa*

Vice: K!! *wala na siyang pakialam sa ibang taong nakatingin basta bigla siyang napayakap dito* Nag-alala ko sa 'yo.

Maraming kinilig pero may ilan ding natatawa dahil nga sa ayos ni Vice no'ng mga oras na 'yon.

Karylle: *pabulong* Tama na muna, Vicey. Nakakaabala na tayo sa mga tao dito sa elevator.

Vice: *bumitaw na* Sorry. *hinawakan na ang kamay ni K at naglakad na pabalik sa unit ni Vice.*

Pagpasok sa bahay, inilagay ni K ang dala niyang supot sa lamesa sa kusina at nilapitan si Vice.

Karylle: Anong nangyari sa 'yo kanina?

Vice: Nag-alala talaga 'ko. Wala ka kasi pagkagising ko tapos dito wala ka rin tapos hindi ka sumasagot sa mga tawag ko.

Karylle: Talaga? Tumatawag ka? *kinuha ang cellphone sa bulsa at tinignan ang mga missed calls ni Vice* Sorry, baby, hindi ko nasagot.

Vice: Okay lang. Basta safe ka.

Karylle: *lumapit kay Vice at hinawakan ito sa mukha* Hey... Why you look so worried?

Vice: Nag-alala nga kasi ako sa 'yo.

Karylle: Bakit?

Vice: Kasi nga wala ka.

Karylle: Takot ka pa rin ba na baka kung anong mangyari sa akin dito?

Vice: Masisisi mo ba ko?

Karylle: Naku, Viceral... Mapapabilis ang pagtanda mo niyan. Haha.

Vice: Ano?! *kumunot na naman ang noo*

Karylle: Oh... umiinit na naman ulo mo biro lang. Haha. Bumili lang ako ng pagkain natin kasi tinamad na 'ko magluto.

Umirap lang si Vice. Natatawa naman si K kay hinalikan na muna niya ito sa pisngi.

Vice: Next time magsasabi ka kasi.

Karylle: Okay po. *bumitaw na kay Vice at inihanda na ang almusal nila* Pupunta pala ako kina Mama mamaya ha.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now