Karylle is Back.

34.8K 209 3
                                    

Isang araw magkasama sina Anne and Vice sa loob ng Dressing Room. Naglalaro lang ng iPad si Vice, hindi na siya nakikipagkwentuhan masyado at kahit may mga kinukwento si Anne hindi na siya masyadong nagrereact. Ramdam ng lahat ng mga nasa paligid ni Vice ang pagbabago. Noong mga oras na 'yon naglakas loob si Anne kausapin si Vice.

Anne: Sis...

Vice: Oh *nakafocus sa game*

Anne: Ahmmm... kagabi nagkausap kami ni K. *dahan-dahan lang nagsabi* Di mo raw siya kinakausap. Di mo raw sinasagot ang mga tawag niya, text niya, kahit sa tweets.

Hindi sumagot si Vice.

Anne: Bakit ka ba gan'on, sis?

Vice: Wala naman akong sasabihin sa kanya *naglalaro pa rin*

Anne: Sis... kailangan niyong mag-usap. Umiiyak na kasi siya akin, at...

Sinara ni Vice ang iPad at tumayo.

Vice: sorry, Anne, pero ayokong pinag-uusapan ang mga ganyang bagay. Labas muna ko.

Tuluyan na nga lumabas si Vice. Alam ni Anne na hindi pa okay si Vice pero hindi niya alam kung paano niya matutulungan ang kaibigan.

...

Lumipas na ang dalawang linggo... Pagpasok ni Vice, sa paglalakad niya papunta ng Dressing Room, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong niya si Karylle.

Tumigil ang mundo nilang dalawa. Nagkakatitigan at biglang napayakap si K kay Vice ng sobrang higpit. Walang reaksyon si Vice.

Karylle: Baby *hawak sa pisngi ni Vice* How are you?

Vice: *seryosong boses* kailan ka pa umuwi?

Karylle: Kagabi lang.

Vice: Sana sinabihan mo ko.

Napayuko si Karylle dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa kanilang dalawa. Nakatingin lang sa kanya si Vice.

Hinawakan na lang ni Karylle ang kamay ng boyfriend niya at inayang pumasok sa dressing room. Pagpasok sa loob, nandoon ang buong family ng Showtime kaya hindi pinahalata ng dalawa ang kung anuman ang problema nila.

Noong mga oras na 'yon nakaramdam ng takot at matinding lungkot si Karylle. Pakiramdam niya iiwan na siya ni Vice. Pakiramdam na nga niya wala na sa kanya si Vice. Pero dahil magkatrabaho sila, ang suliranin nila ay hindi nila kasama sa harap ng camera. 

Nang uwian na, hinatid ni Vice si K sa bahay. Sa sasakyan naman, nagkukwento na si Vice. Walang bago, nakakatawa pa rin siya at tuloy-tuloy lang chumika. Medyo gumaan naman ang loob ni Karylle nung mga oras na 'yon dahil pakiramdam niya okay pa rin sila.

Pagpasok sa bahay, pumasok agad si Vice sa kwarto ni K at humiga. Paikot-ikot siya sa kama at nang-gugulo ng unan at kumot. Natutuwa naman na si Karylle. Dahil sobrang namiss niya si Vice, tinabihan niya agad ito at niyakap. Tumigil si Vice.

Tumigil si Vice nang mapalapit siya sa mukha ni Karylle. Nagtitigan sila. Hinawakan ni K ang pisngi ni Vice, aakmang hahalikan na sana niya ito pero biglang tumayo si Vice.

Karylle: Baby? *bumangon din*

Vice: I'm sorry, K. I think, I can't stay.

Lumabas si Vice ng kwarto at malapit na siya pinto ng biglang pinigilan siya ni K. Paglingon ni Vice, teary-eyed na si K.

Karylle: Iiwan mo na ba ko? *'yon na lang ang tanging nasabi ni K*

Hindi naman nakatiis si Vice, niyakap niya si Karylle. Tuluyan ng naiyak si K. Makalipas lang ang ilang segundo ay nagpaalam na rin agad si Vice.

Iniwan niyang umiiyak si Karylle.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon