The Surprise

34.7K 232 13
                                    

Late ng nagising si Karylle dahil sa pagod pero maayos naman ang pakiramdam niya at masaya siya dahil successful ang premiere ng Cinderella. Nakasama niya sa buong show lahat ng importanteng tao sa buhay niya: ang Papa niya, Mama niya at mga kapatid niya, malalapit na kaibigan at siyempre si Jose Marie.

Pagbangon niya tatawagan na sana niya si Vice kaso lang biglang tinawag siya ng Mama niya. Mula noon ay naging abala na siya. Hanggang sa nakalimutan na niyang tumawag kay Vice o tignan man lang ang telepono niya. Halos mag-gagabi na ng magkayayaan silang pamilya na lumabas at i-celebrate ang success ng show nina K. Pagpasok niya sa kwarto naalala niya si Vice. Tinignan niya agad ang phone niya. May 1 missed call mula sa kanya at 2 text messages lang. Nagtatampo na, kasi nga nakapangako si Karylle na magkakasama sila sa araw na 'yon. Tumawag agad si Karylle.

Ring.Ring.Ring.Ring.Ring.Ring

"Galit na talaga siya," sabi ni K sa sarili.

[Redial]

Ring.Ring.Ring

Vice: Hello. *walang emosyon ang boses*

Karylle: Baby, sorry ah... kasi sina Mama namiss akong kasama mula pagkagising ko tinawag na nila ko.

Vice: So? *masungit na sagot*

Karylle: *nag-worry* kaya.... *nahirapan na makipag-usap* kaya... kaya hindi kita natetext o natatawagan kanina.

Vice: Okay.

Karylle: Baby... *napaupo sa gilid ng kama* please don't get mad.

Vice: Anong gusto mo?

Karylle: Huwag ka na magalit please?

Vice: Mamaya na lang tayo mag-usap. Wala ako sa mood.

Karylle: Baby naman eh... Ngayon ko lang ulit kasi sila nakasama.

Vice: Bakit may sinasabi ba 'ko?

Karylle: Anong gusto mong gawin ko?

Vice: Wala. Kaya nga ibaba na natin 'to.

Karylle: Oh sige *medyo malungkot* I love you.

Vice: 'kay, bye.

Masama ang loob ni Vice kasi hindi tumupad sa pangako niya si Karylle. Pero ayaw niyang tuluyang  ma-badtrip kaya bumangon siya at inaya niya ang mga kaibigan niya na lumabas. Pumunta sila sa usual nilang rampahan, pumarty at uminom.

Samantalang si Karylle medyo worried dahil hindi nagrereply si Vice sa mga texts niya. Kahit nag-eenjoy naman siyang kasama ang family niya medyo nagwo-worry pa rin siya sa pagtatampo ni Vice sa kanya.

...

Habang naghihintay si Vice na matapos ang shooting nila dumaan muna siya sa isang Bakeshop malapit sa location nila. Tingin siya ng tingin sa oras.

Vice: Ate, gusto ko maganda 'yong pagkakasulat ha.

Ate: Opo.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now