Di ko na talaga keri 'to

43.4K 368 7
                                    

Nang matapos ang showtime noong araw na 'yon, naiwan si Vice at K sa Dressing Room. Nakaupo si Vice at hawak ang ipad niya. Maya-maya napatingin siya kay K. Natulala na siya. May parang kuryengteng dumaloy sa buo niyang katawan. Hanggang biglang napalingon si Karylle sa kanya.

Karylle: hoy, vice!

Nakatitig pa rin si Vice sa kanya. Ilang segundo rin silang nagkatitigan. Hanggang bumalik ang ulirat ni Vice. Napayuko ito. Si K naman nagtataka lang sa kanya.

Karylle: okay ka lang?

Hindi sumagot si Vice. Bigla na lang itong tumayo at kinuha ang bag niya.

Vice: sige, K, mauuna na ko.

Bigla na lang umalis si Vice na nagmamadali na para bang nakakakita ng multo.

Nagtataka na talaga si K. Kakaiba na kasi ang kinilos ng kaibigan niya.

Karylle: ano na bang nangyayari dun?


...


Pagdating sa sasakyan, hingal na hingal si Vice. Hinawakan niya ang dibdib niya at ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

Vice: di pwede 'to. Kadiri. Di ko keri to!!

Tinawagan niya ang ate niya para sabihin na ang lahat ng nasa loob niya at pakiramdam niya para na siyang sasabog. Nagkita sila. Nagkamustahan at pagkatapos nag-heart-to-heart talk na sila.

Vice: ate, di ko na maintindihan ang nangyayari sa 'kin.
Ate: ano nga bang nangyayari sa 'yo?

Vice: para lang akong tanga, ate. At my age, at this point of my life, ate, sigurado ako sa sarili ko. Alam ko at kilala ko ang sarili ko. Bakla ako. *Tumulo ang luha ni Vice.* Pero ate, ba't parang naguguluhan na 'ko?

Ate: saan?
Vice: sa sarili ko. ate, nakipaghiwalay na 'ko sa boyfriend ko.
Ate: ikaw talaga ang nakipaghiwalay?
Vice: oo, naguguluhan na talaga kasi ako.
Ate: sandali lang ha, ako nalilito sa 'yo. Naguguluhan ka ba kasi nakipaghiwalay ka sa boyfriend mo?
Vice: oo.
Ate: explain mo nga sa 'kin kung anong magulo sa ginawa mo.

Vice: ate, nagkaroon kasi kami ng problema. May gusto siya na di ko nasunod. Tapos nauwi sa araw-araw na pagtatalo hanggang parang umayaw na rin ako.

Ate: o_O anong magulo don? Normal lang naman na nangyayari ang ganyan ha.
Vice: pero ate, kasi may nafifeel ako.
Ate: na ano ba?
Vice: parang nagkakagusto na ako sa isang babae.

Nagulat ang ate niya. Hindi na naka-react. O.O

Vice: ang weird di ba? Bigla ko na lang naramdaman, ate. Nung mga panahong kami pa nung boyfriend ko bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa isang babae. Ate... Ayoko nito. Hindi ako 'to.

Ate: sandali. Sandali. Alam mo di ko pa maabsorb yung sinabi mo. Teka lang. Kalma, kapatid.

Natahimik muna ng saglit ang magkapatid. Nakayuko lang si Vice at patuloy na umiiyak. Nakatingin lang naman ang ate niya sa kanya.

Ate: tutoy...

Tumingin si Vice at namumugto na ang kanyang mga mata.

Ate: alam mo, aaminin ko nabigla ako sa sinabi mo na may halong pagkasaya kasi hindi ko akalain darating yung time na sasabihin mo sa akin yan. Pero maging si Tutoy ka man o Vice, kung ano ang makakapagpasaya sa 'yo gawin mo lang. Sabi mo nga kilala mo ang sarili mo. Alam mo kung ano at sino ka. Just live with it. Di naman porket bakla ka, imposible ng magmahal ka ng isang babae.

Vice: pero ate, di ganun kasimple yun. Paano kung lumala 'to? Ma-in-love na talaga ko, baka di ko na kayanin.
Ate: kayanin ang alin?
Vice: paano ko paninindigan ang relasyon ko sa isang babae kung ang ikinaliligaya ng puso ko ay magmahal talaga ng kapwa ko lalaki?

Natawa yung ate niya.

Vice: ate naman eh.

Pinunasan ng ate niya ang luha ng kapatid.

Ate: vice, alam ba niya? Kayo na ba?
Vice: hindi. Paano ko sasabihin? Di na nga ko sigurado sa sarili ko.

Ate: that's my point. Yung bagay na pinoproblema mo, wala pa naman. Ayusin mo muna yung sarili mo bago mo isipin yung pagkakaroon mo ng relasyon sa kanya. Teka nga, maitanong ko lang... Sino ba itong mahiwagang babae na nagpapabaliktad ng mundo ng kapatid ko?

Ngumiti lang si Vice.

Ate: kilala ko ba? Katrabaho mo?

Hindi pa rin sumagot si Vice.

Ate: dali sino na?
Vice: eh...
Ate: hmm... Dali na sabihin mo na.
Vice: si... Eh ate ang awkward sabihin.
Ate: awkward?? Iiyak iyak ka dyan tapos awkward?
Vice: babae kasi..
Ate: oo nga babae na nga pero sino nga?
Vice: si Karylle.

Di na nakapagsalita ang ate niya.

The Irony -=ViceRylle=-Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt