This is it!

43.6K 363 31
                                    

Dumating si Vice ng sakto sa sinabi niya.

Naka-casual dress outfit lang si Karylle.

Si Vice naman, nakabagong boy hairstyle tapos naka jeans lang at printed shirt. Sobrang lalaki ang hitsura niya. Alam ni K, nagtitrip lang si Vice sa ganun pag showtime pero iba ngayon.

Vice: huy!! Para kang nakakita ng multo.

No reaction si Karylle pero biglang gumwapo si Vice sa mata niya. Ngiti ngiti na lang.

Maya-maya lumapit si Vice at hinawakan siya sa kamay. Nagtaka si K sa inaakto nito. Sanay naman siyang sweet talaga siya sa malalapit na kaibigan pero sa pagkakataong iyon ibang iba talaga si Vice. Sa totoo lang nakakapansin si Karylle ng ilang pagbabago sa kaibigan mula noong nagkaroon siya ng problema. Siguro ganito lang talaga siya mag-cope.

Pagkasakay sa sasakyan, hindi alam ni Karylle ang mga unang sasabihin. Samantalang si Vice, madaldal pa rin.

Karylle: Vice?
Vice: oh?
Karylle: anong meron?
Vice: saan?
Karylle: ngayon?
Vice: wala lang gusto lang kitang i-date.
Karylle: date? o.O
Vice: *natawa* bakit bawal ba tayong mag-date? Teka don't tell me...
Karylle: ano?
Vice: iniisip mo ba as in parang romantic date?

Karylle: *hinampas sa braso si Vice* hindi. nakakampanibago lang kasi, Vice. Alam mo 'yon, i am really used of going out with you pero di naman tipong susunduin mo pa ko at isa pa... Vice, noong nagshow ka ba ganyan ang hairstyle mo? *turo sa ulo ni Vice*

Vice: andaming issues, K ha... Hair ko lang pala gusto mong tanungin. Bago ko umuwi nagpaganito ko. Sabi kasi ni Buern medyo nakakasawa na yung hairstyle ko kaya sinubukan ko yung ganito. *Sabay hawak sa buhok*

Ngumiti lang si K. Sa isip nito alam niyang may something kay Vice.

Vice: anong iniisip mo?
Karylle: ikaw.
Vice: ano ba, K magkatabi na tayo iniisip mo pa ko... *Sabay ngisi*
Karylle: naninibago talaga ko sa 'yo.
Vice: bakit pag ba nagbago ko ng fashion statement, di mo na ko friend?
Karylle: love kita, Vice. Kahit ano pang maisip mong gawin sa sarili mo, love pa rin kita. Siguro kailangan ko lang sanayin yung isip ko sa bilis ng pagshift ng mga trip mo.
Vice: aww... Sweet. *Smile*

Maya-maya sumignal na si Vice pakanan at naghanap ng parking.

Vice: dito na tayo.
Karylle: wow ha, di raw romantic date.
Vice: wala akong planong umupo sa isang table, Karylle, tas nasa harap kita tapos iinom ng wine??? No way! *tanggal ng seat belt at pinagbuksan ng pinto si K.*

Pagkapasok nila pumunta sina Vice sa isang area kung saan nakatapat yung room sa isang romantic scenery ng buong lugar. Ni-rent ni Vice yung buong kwarto na 'yon para private. Pwedeng mag-videoke at uminom at kumain. Habang nagdi-dinner sila non-stop ang pagkukwento ni Vice at walang humpay ang pagjojoke niya. Kung meron mang bagay na gustung-gusto si K sa kanya, 'yon ay ang walang oras na mababagot ka sa kanya. After nilang kumanta at uminom ng kaunti, nagserious mode muna si Karylle.


Karylle: Vice, kahit minsan ba di mo na talaga naiisip magkaroon ng girlfriend?

Medyo nabigla si Vice sa tanong ni Karylle kaya uminom muna siya bago sumagot.

Vice: hindi ko alam.
Karylle: paanong di mo alam?
Vice: Parang di ko naman naiisip yan. *denying*
Karylle: di ka ba napapagod na sa relasyon ikaw lang ang nagbibigay?
Vice: hindi. Ganoon naman talaga pag mahal mo 'di ba. Basta mabigyan lang ako ng atensyon, masaya na 'ko.

Tumahimik na si Karylle.

Maya-maya napatingin si Vice sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya ba dapat aminin ang totoong nangyayari sa kanya. Mula sa ilang pagbabago hanggang sa magulong hinaharap niya sa sarili niya hanggang sa totoong nararamdaman niya.

Karylle: Vice, di mo pa kinukwento yung tungkol kay baby boy.

Napalunok si Vice at hindi pa siya handa para doon. Hindi naman dahil di pa siya okay sa break-up na 'yon kundi dahil iba na pupuntahan no'n. Uminom siya ng marami para may lakas na talaga siya ng loob magpakatotoo.

Karylle: vicey?
Vice: nakipaghiwalay ako sa kanya. Hindi na kasi kami magkaintindihan. *Uminom ulit siya* grabe iniyakan ko ng bongga 'yon.
Karylle: and then?
Vice: end of story.
Karylle: ganun lang 'yon? Wala ng ibang issue?

Huminga ng malalim si Vice. Tumingin sa kanya si Karylle.

Vice: ako ang issue.
Karylle: what do you mean?
Vice: kasi may nararamdaman ako sa sarili ko na para sa akin ay hindi tama. Kaso sabi ko nga pinipilit kong tanggapin kasi hindi ko na mapigilan.
Karylle: hindi ko maintindihan.
Vice: *uminom ulit* nagkakagusto ko sa isang babae.

Nabigla si K. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa kaibigan.

Vice: alam ko speechless ka rin. Ako din kasi wala ng masabi sa sarili ko.
Karylle: kailan pa?
Vice: mag-iisang buwan na o higit pa. Basta kami pa ni baby boy.
Karylle: so may boyfriend ka pa simula nung nagkakagusto ka sa isang babae?
Vice: oo.

Natahimik silang dalawa.

Maya-maya pa yumakap si Vice kay Karylle.
Medyo nailang na si Karylle noong mga oras na 'yon. Hindi na lang siya nagrespond.

Vice: *pabulong at medyo sad ang tono* gusto ko siyang maging girlfriend, K.
Karylle: ganun ka kaseryoso?
Vice: ganun ko na siya kamahal. *kinakabahan siya at pinagpapawisan ng malamig*


Tumingin siya kay Vice. Ang maling move ni Karylle, tinignan niya sa mata ang kaibigan. Na-hook siya sa taong nasa harapan niya. Na-attract siya sa "lalaking" nasa harapan niya ngayon.

Niyakap ulit siya ni Vice at sa pagkakataon na 'yon may ibang naramdaman si K. Napayakap na rin siya.


Vice: *bumulong* hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin ng tama, K. Pero gustung-gusto kong maging tayo.


Bumitaw si K. Tumingin lang si Vice at tumulo na ang luha niya.


Karylle: Ma...mahal mo ko?

Hindi sumagot si Vice.


Karylle: gusto mo kong maging girlfriend?


Hindi pa rin sumagot si Vice.


Karylle: pinaglalaruan mo ba ko? Kasama ba 'to sa mga jokes mo?


Hindi pa rin sumagot si Vice.
Lumapit na si Karylle sa kanya.


Karylle: kasi vice, kung kasama pa rin 'to sa mga pauso mo o biro mo, sobrang hindi na nakakatuwa.


Naiyak na nga si Vice.

Karylle: sumagot ka please... *Naluluha na rin siya at nanginginig na rin ang boses*
Vice: I'm sorry.
Karylle: sorry? Anong sorry?
Vice: Sorry kasi nagkagusto ko sa 'yo... kasi hindi ako tunay na lalaki. Sorry, K. I'm sorry.

Tumulo na rin ang luha ni Karylle.
Nanghina si Vice pagtulo ng luha ni K kaya niyakap niya 'to ng mahigpit.

Vice: ilang beses kong paulit ulit na tinanong ang sarili ko kung tama ba 'to. No'ng mga oras na naglalasing ako at wala sa sarili dahil naguguluhan na 'ko sa nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko, ikaw na ang naiisip ko. Hindi na kita matiis. Bawat harutan at biruan natin, totoo na 'yon sa akin, Karylle.

Karylle: yung kanta? Yung eksena na nagselos ka kay jhong? Totoo na rin yun?

Hindi na sumagot si Vice. Bumitaw ulit si Karylle at pinunasan naman niya ang luha niya. Nakatingin lang si Vice sa kanya.

Karylle: congrats lalaki ka na, Jose Marie. >.<

Biglang hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle, nilapit niya ito sa kanya. Tinitigan at hinawakan ng mahigpit at bigla niya itong hinalikan sa labi. Hindi umalma si K bagkus ay sumagot din ito ng halik. Naging matagal ang halikan na 'yon. Naluha silang pareho habang nararamdaman nila ang isa't isa.

Nang huminto sila napayuko lang si Karylle dahil nahihiya siya kay Vice. Kaso hinawakan siya nito sa chin at inangat ang ulo niya. Umiwas pa rin si K. Lumayo siya.

Vice: mahal mo rin ako?
Karylle: hindi mo man lang ba noon naramdaman?

Ngumiti si Vice.

Vice: mahal mo nga ako?

Hindi sumagot si Karylle.

Vice: andaya. Inamin ko na sa 'yo lahat.
Karylle: vice, di ako sigurado dahil nga alam ko imposibleng mangyari 'to sa atin.
Vice: gusto ko lang malaman kung mahal mo rin ako.


Tumingin lang si Karylle.

Gets na ni Vice 'yon kaya dali-dali ulit itong lumapit kay K at niyakap ng mahigpit at naluha na siya sa saya.


Yumakap na lang din Thisi Karylle sa kanya.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now