Dinner Date

34.4K 212 13
                                    

Sa Manila Bay area ang destination nila. Medyo maraming couples dahil nga Valentine's Day.  Nang makarating sina Karylle medyo speechless na siya kahit wala pa naman sila sa mismong date. Pagka-park ay pinagbuksan siya ni Vice ng pinto.

Karylle: Vice, dito ba tayo... *hindi natapos ang sasabihin*

Medyo naging concern lang ni Karylle kasi marami ngang tao. Maraming makakakita sa kanila.

Vice: Sunod ka lang sa akin. *hawak sa kamay ni K, finger-to-finger*

Naglakad sila sa mga Yacht na nagpaparenta. Maya-maya ay umakyat na sila sa mga malalaking yacht na nandoon. May sumalubong sa kanilang isang babae, si Arianne, ang may-ari. Boyish-type si Arianne pero mukhang professional.

Arianne: Hi good evening, Sir... *ngiti kay Vice* Ma'am... *ngiti kay K*

Vice: Hi Arianne. Okay na ba?

Arianne: Yes, Sir all set na po sa loob.

Ginuide ni Arianne sina Vice at Karylle papasok sa yacht pero bago pa man sila tuluyang makapasok ay nilagyan muna ni Vice si Karylle ng blindfold. Umaalma si K kasi bakit kailangan pa raw ng gano'n. Niloloko pa siya ni Vice kaya lalo itong umalma. Nanglalamig na si K dahil wala siyang idea sa mga susunod na mangyayari.

Pagkalagay ng blindfold, dahan-dahan silang humakbang at inalalayan ni Vice si K para hindi ito mapano. Habang papalapit sa dating scene, may narinig naman na instrumental music si Karylle. Maya-maya ay naramdaman niyang huminto na sila ni Vice at tinanggal na nito ang blindfold niya. Pagmulat ni Karylle, pagkita niya sa paligid umaandar na sila. With all the music, scenery, breeze of air and what she sees sa preparations and all... those were more than a romantic surprise. Napahawak siya sa dibdib niya at tumulo ang luha. Maya-maya pa ay lumapit si Vice sa kanya at inabutan siya nito ng bulakbulak. Lalong naluha si K.

Vice: Hala... *niyakap si K* Bakit?

Hindi na nakasagot si K. Pinunasan na lang niya ang luha niya at kiniss si Vice sa cheek.

Vice: Touched ka?

Karylle: Sobra... Thank you.

Vice: Ayieeh.. *niyakap ulit si K* Ohh ayoko ng drama tonight, moment natin 'to.

Umupo muna sila sa harap ng dining. Kumain ng dinner. Puro favorite ni K ang nakahanda. French delicacies, wine, seafoods and steak. Napangiti lalo si Karylle at nakaramdam na nga siya ng gutom. Na-sweetan naman si Vice kasi ipinaghimay siya ni K ng prawns and lobster.

Maya-maya ay uminom sila ng wine tapos natatawa si K kasi napabuga si Vice dahil sobrang pretentious magpakasosyal. Nag-ice cream din sila for dessert. Pagkatapos noon ay tumugtog ang intrumental ng Buko. Nagkatitigan sila tapos napangiti. Tumayo si Vice at lumapit sa tabi ni K.

Vice: *abot ng kamay* May I have this dance?

Ibinigay naman ni Karylle ang kamay niya at pumunta na nga sila at nagsayaw. Nakahawak si K sa leeg ni Vice. Si Vice naman ay sa bewang ni K. Magkakatitigan lang sila.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now