Kiss the Rain

35.3K 218 7
                                    

Ang isang relasyong puro kulitan at lambingan lang ay sadyang hindi makatotohanan. Lahat ng tao, sikat man o isang ordinaryo ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay. Maaaring para sa iba na bumabasa ng mga katagang ito ay "corny" itong pakinggan, ngunit sa iba... ang katotohanan ng buhay ay malalim at seryoso.

Minsan kahit nasa harapan mo na ang lahat... ang tagumpay, pera at kasikatan, darating pa rin ang panahon na mararamdaman mong hindi ka pa rin masaya. Maiisip mong may kulang.

It happens to all. It happens in reality.

Lumipas muli ang araw, linggo at isang buwan sa ating mga bida. Dumating na rin ang araw na kailangan ng umalis ni Karylle papunta ng London. Wala namang malungkot na pangyayari dahil naka-set naman na ang lahat. At sa kanila, para sa trabaho lamang iyon.

Sinikap nina Vice at K na maging masaya sila kahit sobrang miss na nila ang isa't isa. Araw-araw ginagawa lang nila ang mga normal nilang ginagawa. Si Vice, makulit sa Showtime, gumigimik kasama ang kaibigan, shooting at guestings. Si Karylle busy naman sa training.

Hanggang isang araw isang malaking pagsubok ang kinaharap ni Vice. Isang napakalungkot na pagsubok na makakaapekto sa samahan din ng Vicerylle.

Ang malungkot na pangyayari...

Ang pagpanaw ng pinakamamahal na Lolo ni Vice Ganda.

...

Nasa Showtime siya noon nung matanggap niya ang balita at dahil sa nangyari ay hindi na niya magawang tapusin ang show. Dali-dali siyang umuwi at nagpunta sa La Union. Sa biyahe pa lang hindi na mahinto ang pag-iyak ni Vice.

Pagdating niya sa La Union, pagkita niya sa Lolo niya sa loob ng coffin, humagulgol siya. Yan ang tunay na hysterical. Sobrang sakit. Depressing. After ng moment na 'yon, hindi na makausap si Vice. Nasa tabi na lang siya nakatitig sa picture ng lolo niya. Hindi na halos natutulog at kumakain. Wala siyang pinakikinggan. Kahit tawag ni Karylle, hindi niya sinasagot. For days, hinayaan na lang muna siya ng mga kapamilya na magluksa.

Isang gabi, mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ng Lolo niya. Umiiyak ng lihim. Naisip niyang tumawag kay Karylle kasi pakiramdam niya siya lang ang kailangan niya sa mga oras na 'yon.

Karylle: Hello, Baby.... Baby.... buti tumawag ka na. *sobrang worried

Vice: *umiiyak pa rin* Baby... uwi ka muna. Kailangan kita dito *humagulgol ulit* para na kasi akong masisiraan ng bait. *iyak pa rin*

Karylle: Baby... Nung nabalitaan ko 'yong nangyari, gustung gusto ko na umuwi kaya nagpaalam ako. Pero hindi nila ko pinayagan..

Vice: Karylle, please? *Nagmamakaawa na* Kailangan ko ng kasama ngayon. Sobrang kailangan kita ngayon. Please...

Naiyak na rin si Karylle.

Karylle: Baby... sige susubukan kong umuwi... makikiusap ako. *umiiyak na rin*

Vice: Karylle.. Nahihirapan talaga ako. *umiiyak ng husto* Di ko talaga maisip.... *umiyak na lang at napaupo sa glid ng kama*

Pinatay na ni Vice ang linya dahil hindi niya na kayang makipag-usap pa. Niyakap niya ang unan ng Lolo niya at doon na lalo umiyak.

Martes...

Miyerkules...

Huwebes...

Biyernes...

Wala pa rin si Karylle hanggang sumapit na ang Sabado, araw ng libing.

Walang emosyon si Vice. Hindi siya makausap. Hanggang sa huling hantungan, wala siyang reaksyon at wala ng luhang tumulo.

Pagkatapos na pagkatapos ng libing ay dumiretso nang umuwi si Vice sa Manila. Hanggang sa bahay wala siyang sinasabi. Walang epekto sa kanya ang mga kaibigan niya. Parang naging sarado ang mundo ni Vice. Hanggang sa mga panahon na 'yon wala pa rin si Karylle.

Lunes, bumangon si Vice na parang walang problema. Sinalubong niya ang araw bilang si Vice Ganda. Naging madaldal na siya ulit na naging sanhi pa ng lalong pag-aalala ng kanyang mga kaibigan. Pagdating niya sa Studio, nagulat pa ang mga katrabaho niya at pumasok na siya agad. Iniwasan ni Vice pag-usapan ang anumang kaganapan sa buhay niya. Tuloy pa rin ang saya. Tuloy lang ang pagpapaligaya.

[Ipagpaumanhin niyo po kung ito ay medyo sensitibong kabanata. Hindi ko nais wakasan ang buhay ng Lolo ni Vice dito. Ito lamang po ay bahagi ng aking kwento.]

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now